C H A P T E R 31シ︎

682 27 4
                                    

Mall

Belle's POV

Matapos ang ilang oras na pagkakaipit sa traffic ay nakarating na din kami sa mall, yung pinakamalapit na mall na lang ang pinuntahan namin dahil baka maipit na naman kami sa traffic.

Bumaba ako at ganon din naman si Azri, mauuna na kami sa loob para maka order ng kakainin, susunod na lang daw si Manong Canor dahil ipapark nya pa yung sasakyan.

"Good morning Ma'am Sir!" Bati samin ng guard ng makapasok kami.

Tanging pagngiti at pagtango lang ang naisagot namin ng kapatid kong tukmol. Sobrang hinang hina na ko dahil sa gutom.

Dapat pala dinamihan ko na yung kinain kong umagahan kung alam ko lang na maiipit kami sa letseng traffic na yan.

"Ate Belle!" Tawag sakin ng kapatid ko.

Napaigtad pa ko sa gulat ng kalabitin nya ko, gusto ko syang sigawan pero alam kong malaking kahihiyan yun kung gagawin ko.

Tinignan ko sya ng masama, taka pa syang tumingin sakin ng makita ang itsura ko, talagang napipikon na ko dito sa kapatid ko.

"What's wrong with you?" Tanong nya.

"Bakit ka ba kasi nangangalabit?!" Inis na ani ko.

"Kasi nandito na tayo sa tapat ng kainan?" Patanong na aniya.

"Yon naman pala eh, bakit kailangang mangalabit pa pwede mo naman akong tawagin!"

"Tch! I call your name so many times." Bored nyang sagot.

Bahagya naman akong nagtaka dahil sa sinabi nya, wala akong narinig na tinawag nya ko kaya naman ganun na lang ang pagtataka ko.

Umiling ako ng ilang beses at pilit na isinantabi lahat ng tumatakbo sa isip ko, naglakad na ko pasunod sa kapatid ko.

Nang makahanap kami ng magandang pwesto, ay saka ko kinausap ang kapatid ko.

"Azri, ikaw na mag order." Utos ko.

"Okay." Bored na naman nyang sagot.

Hindi ko na sya pinansin pa, niligid ligid ko ang paningin ko hanggang sa makita ko ang mga pamilyar na mukha.

Shit!

Gusto kong magsisi sa napili naming kainan, mukhang dito rin ang punta ng mga barkada ni Donny, nasa labas pa silang lahat at nagtatawanan.

Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin sila pumapasok, pero ng may pumasok sa isip ko na sagot sa tanong ko ay parang gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko ngayon.

'Pano kung hinihintay lang pala nila si Donny?'

Nakita kong pumasok ang ilan sa kanila at naghanap ng mauupuan, nakahanap sila sa medyo malayo sa pwesto namin pero kita ko pa rin naman sila.

Hindi malabo na makita din nila ko dito kapag nagkataon, kitang kita kasi ako sa pwesto ko dito dahil nakaharap ako sa kanila kaya naman naisipan kong lumipat sa kabila kung saan nakatalikod ako sa kanila.

Hindi nagtagal ay bumalik na din si Azri, tapos na syang umorder hihintayin na lang namin. Ilang minuto lang ay dumating din si Manong Canor kasunod ang sa tingin ko'y order namin.

Naupo si Manong Canor sa isa pang upuan, lumapit din samin ang mga crew na syang nagserve ng mga inorder ng kapatid kong tukmol.

'Bakit ang dami?'

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now