C H A P T E R 4シ︎

1.2K 29 0
                                    

(A/N: Hi! Comment kayo ng kahit ano na about sa story na toh, if may tanong kayo comment nyo dito or message nyo ko dito watty sasagutin ko gusto ko malaman kung anong gumugulo sa utak nyo na about dito sa story.)

Worried

Mabilis kaming nakabalik sa amin, kasalukuyan kaming nasa sasakyan, nasa daan na kami pauwi sa condo ko. Habang nagdadrive si Donny ay nakatitig lang ako sa kanya.

Napakasarap sa pakiramdam na kasama ko na sya ulit ngayon, naka date ko pa hindi ko mai-magine na makakasama at magagawa pa namin to ulit.

Simula kasi ng magkaroon sya ng girlfriend, naging madalang na ang paglabas namin, madalas pa nga na sa tuwing plano naming gumala eh nagkakaroon ng emergency sa kanila at sa girlfriend nya.

Minsan pumapasok sa isip ko na talagang sinasadya ng girlfriend nya yong mga emergency keneme na yan pero hindi ko na lang pinansin.

Inisip ko kasi na wala naman akong karapatan para pag-isipan sya ng ganon at isa pa girlfriend sya ni Donny.

'Girlfriend sya ng taong mahal ko.'

Pero kahit ganon hindi ko pa rin maiwasan, hindi ko maiwasan na hindi magselos at masaktan. Nasasaktan ako sa hindi ko maintindihan na paraan, sa tuwing nakikita ko silang magkasama.

Madalas kong hinihiling na sana ako yong kasama nya, na ako yung dahilan ng pagtawa at pag-ngiti nya. Minsan ko na ring hiniling na sana ako na lang, ako na lang yung mahalin nya.

Pero syempre hindi yon nangyari, naging malayo kami sa isa't-isa. Ginawa ko lahat ng makakaya ko para makalimutan at mawala lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.

Pero lalo lang akong nahirapan, mas lalo lang akong nasasaktan, kasi sa halip na mawala yung nararamdaman ko para sa kanya eh lalo lang nadadagdagan.

"Nandito na tayo." Ani Donny na binubuksan yung pinto ng kotse nya.

"Milo, salamat nga pala sa paghatid pauwi ha." Pagpapasalamat ko ng makababa ako sa kotse nya.

"Wala yon, dapat ko naman talagang gawin yon. Kasi diba boyfriend mo ko." Aniya na ngiting ngiti. Napangiwi na lang ako.

'Abnoy amp!'

"Responsibilidad kong iuwi ka ng ligtas." Aniya pa.

"Ang sweet naman talaga." Sagot ko habang nakangiti. "By the way Milo, super thank you talaga ha...na appreciate ko lahat ng efforts mo." Sinserong aniko.

*Ring.... Ring....*

Pareho kaming natahimik ng biglang may nagring, alam kong hindi akin yon. Agad nyang dinukot yung phone nya sa bulsa ng pants nya.

"Ahh, saglit lang Milo ha. I just need to answer this call." Paalam nya kaya naman ngumiti ako.

"Okay, sige." Sagot ko.

Bahagya syang lumayo sakin bago sagutin yung call. Hindi ko na din aalamin kung sino yon dahil baka sa bahay lang nila yon.

Ilang minuto din ang itinagal ng pakikipag usap nya sa phone, hindi ko na sana sya papansinin kaso nagtaka ko ng biglang syang naglakad palapit sakin na parang natataranta.

"Sorry Milo! I have to go, emergency lang. Bye salamat sa araw na to!" Nagmamadaling paalam nya.

Kahit nagtataka pinilit ko na lang hindi ito ipahalata sa kanya, gusto ko pa sanang magtanong pero hindi ko na nagawa pa dahil sa itsura nya.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now