C H A P T E R 34シ︎

643 26 2
                                    

Belle's POV

Hapon na ng makauwi ako sa condo hindi na ko nakapagpahinga ng maayos dahil pagpasok ko pa lang sa bahay ay dumiretso na ko sa kusina.

Kailangan kong magluto ng hapunan namin, wala dito sa bahay sila Manong at Azri. Bago ako nagpaalam sa mommy ni Donny ay nakatanggap na ko ng text galing kay Azri.

Mamamasyal daw sila ni Manong, kaya naman umuwi na ko para pagdating nila ay kakain na lang kami.

Habang magluto ay hindi mawala sa isip ko yung itsura ni Donny habang nagmamaneho ng kotse. Hindi ko maiwasang isipin kung bakit ganon ang itsura nya.

Malungkot at nakabusangot ang itsura nya, malayo sa Donny na kilala ko noon. Wala na yung Donny na masayahin, yung makulit at palaging nakangiti.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot dahil sa nangyayari sa buhay nya, idagdag pa na iniwan ko sya habang may kinakaharap syang problema.

Gusto ko ding sisihin yung sarili ko dahil sa pag iwas ko kay Donny, alam ko namang walang rason para iwasan ko sya, ako lang talaga tong gustong umiwas.

Hindi ko naman masisisi yung sarili ko kung bakit ko gustong umiwas sa kanya, Hindi dahil sa hindi pa ko handa kundi dahil takot akong masaktan ulit.

Hindi ko alam kung bakit takot na ko ngayon samantalang noon wala akong ibang inisip kundi ang makasama lang sya kahit pa alam kong masasaktan lang ako sa huli.

"Hay! Kelan ko ba kasi matatanggap na hanggang kaibigan lang talaga ako." Ani ko habang kausap ang sarili.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko at tinuloy ang pagluluto ng hapunan. Abala ako sa paghahalo ng ulam nang may maramdaman akong kakaiba.

'Bakit parang may nakatingin sakin?'

Napalunok ako at dahan dahang nilingon kung may tao ba sa likod ko, hindi ko maiwasang hindi matakot dahil baka mamaya mamamatay tao pa tong nasa likod ko.

"Luto—" aniya na gumulat sakin.

"Ay bilat!" Ani ko kasabay ng pagharap ko.

"Tss. Your paranoid Noona." Ani ng tao sa likod ko kanina na si Azri.

'Bakit kasi nanggugulat!'

"Ano ba kasing ginawa mo dyan?!" Inis na ani ko.

"I was waiting for you to prepare my food." Nakangiti pang aniya.

"Hoy, tumigil ka hindi para sayo to!"

"What?! But Noona i'm hungry."

"Shut up Azri.." nakangising ani ko.

Nagpatuloy ako sa pagluluto, minsan ko pang nililingon ang kapatid kong nakasimangot habang pabulong bulong.

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa itsura nya, ang tanda nya na pero pagdating sa pagkain nagiging isip bata.

"Oh kumain ka na." Ani ko kay Azri.

Bago ako maglakad palabas ng dining ay nakita ko ang pagliwanag ng mukha ng kapatid kong tukmol. Napailing na lang ako sa itsura nya.

Naglakad ako papuntang kwarto ni Manong Canor, hindi na ko kumatok para tawagin sya dahil kusa na syang lumabas ng kwarto nya.

"Kain na ho."Ani ko.

Nauna akong naglakad pabalik sa dining, sumunod naman sakin si Manong. Habang kumakain hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now