C H A P T E R 56シ︎

640 30 6
                                    

Belle's POV

Donny and his friends are gone, they leave and go home dahil maggagabi na, gusto pa sana nilang iwan si Donny dito sa bahay dahil mabigat daw.

Nahihiya na din daw sila sa parents ni Donny dahil palagi na lang itong lasing tuwing iuuwi nila, well hindi ko naman sila masisisi, kahit ako mahihiya kapag ganon.

Ngayon pa nga lang ay hiyang hiya na ko sa pamilya ni Donny, dahil kung hindi dahil sakin hindi magkakaganyan ang anak nila.

Sobrang nahihirapan na ko sa sitwasyon namin ngayon, gusto kong isipin at gawin yung mga bagay na alam kong makapagpapasaya sakin.

Pero hindi ko magawa, dahil alam kong maraming tao ang pwedeng mapahamak ng dahil sa kagustuhan kong maging masaya.

Hindi ko alam ang gagawin ko, nahihirapan na kong mag isip ng paraan kung paano ko maililigtas ang mga taong mahalaga at mahal ko sa buhay.

Napabuntong hininga na lang ako sa sobrang stress, napagpasyahan ko ng matulog na lang dahil may pasok pa ko bukas.

Pero kakapikit pa lang ng mata ko ng biglang magvibrate ang phone ko, agad ko naman itong binasa dahil baka si Aldean lang iyon o di kaya sila Mommy.

Pero nagkamali ako ng inakala ng makitang unknown number ang nakalagay, hindi ko na sana babasahin ito dahil hindi ko naman kilala pero naging sunod sunod ang pagvibrate nito dahilan para mapilitan akong buksan at basahin iyon.

From: Unknown

'Hi Belinda, I went in Manila just to see you.' 9:30pm.

'Are you free tomorrow?' 9:31pm.

'Pwede ba tayong magkita bukas after your class?' 9:32pm.

'Please reply:<' 9:33pm.

Agad na nangunot ang noo ko ng mabasa ang mga text nya, wala akong ideya kung sino ito. Bukod sa family ko kasi ay wala ng ibang nakakaalam ng number ko.

Maski si Donny ay hindi alam na nagpalit na ko ng number dahil panay pa rin ang text nito sa luma kong sim, imposible din naman na si Donny ito dahil hindi naman ito magtetext ng hindi nagpapakilala.

Kahit nagtataka ay pinili kong magreply sa text nya, gusto kong malaman kung sino to dahil baka mamaya ay isa lang itong patibong.

'Sino to? Saan mo nakuha number ko?'   I replied.

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi na ito nagreply pa, wala na kong ginawa kundi ang itabi ang phone ko at matulog na lang.

Pero ipipikit ko pa lang ang mata ko ay ramdam ko ng hindi ako makakatulog hangga't hindi ko nalalaman kung sino yung nagtext sakin.

Hindi nagtagal ay nagring ang phone ko, dali dali akong bumangon para masagot ang tawag.

"Hello?" Ani ko ng masagot ito.

Ilang beses pa kong nagsalita ngunit hindi man lang ito sumagot, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi man lang ako makaramdam ng kaba.

"Ano?! Magpapakilala ka ba o hindi?" Ani ko ngunit wala pa rin akong natanggap na sagot.

From: Unknown
'If you want to know me, magkita tayo bukas pagkatapos ng class mo. Sa MOA, after your class. See you tomorrow Love, imissyou!' 9:50pm.

Basa ko sa text nya ng mamatay ang tawag. Agad naman akong nagtaka sa tawag nya sakin, tawagan namin yon ng ex ko pero imposible namang tatawagan ako nun.

Hindi na kami nagkausap ng ex ko simula nung gagohin at lokohin nya ko kaya imposibleng sya ang nagtetext sakin.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, nanatili na lang akong nakahiga sa kama ko hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

KINABUKASAN

"I'm sorry Noona, hindi man lang kita nailigtas. Wala man lang akong nagawa para sayo." Dinig kong ani ng kapatid ko.

Kanina pa ko gising pero nanatili akong tahimik ng marinig ko ang kaluskos sa loob ng kwarto ko, alam kong may tao.

Pero hindi ako sigurado kung sino, pero ngayon na nagsalita na sya ay don ko lang nakilala na kapatid ko lang pala ito.

"Pakiramdam ko, wala akong kwentang kapatid kasi hindi man lang kita magawang tulungan." Aniya, dinig ko rin ang pagsinghot nya kaya naman iminulat ko na Ang mga mata ko.

"Tss. Tumigil ka nga Azri." Sita ko sa kanya.

"Noona." Aniya at niyakap ako.

"Ano bang ginawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing, I was just checking you." Aniya bago bumitaw sa yakap.

Nang magkahiwalay kami sa yakap ay don ko lang napansin na nakabihis na sya ng pang school, agad kong tinignan ang oras sa phone ko.

Don ko lang nalaman na late na naman ako ng gising, nilingon ko ang kapatid ko wala naman akong mabasa sa reaksyon nya kundi ang pagtataka.

"Malelate na naman ako." Ani ko.

"What? You're not going to school, dito ka lang." Aniya kaya naman taka ko syang tinignan.

"A-Ano?" Takang tanong ko.

"Hyung said that you need to take a rest." Paliwanag nya.

"P-Pero?" Ani ko.

"No more but's Noona." Aniya.

Walang sali salitang iniwan nya ko at dere deretsong lumabas ng kwarto ko, naiwan naman akong tulala lang at nagtataka.

'Bakit kailangan ko pang magpahinga?'

Napailing na lang ako at bumalik sa paghiga. Sinubukan kong matulog para makapagpahinga ng maayos pero hindi na ko dinalaw pa ng antok.

Wala na kong nagawa kundi ang bumangon na lang at lumabas ng kwarto. Walang gana at parang lantang gulay ang itsura ko.

Sabog na sabog din ang buhok ko kaya naman nagmukha akong bruhang napabayaan ang sarili, kahit ganun ang itsura ko ay lumabas pa rin ako ng kwarto.

Wala namang makakakita sa itsura ko dahil ako lang mag isa dito sa condo, okay lang kahit mukha akong tanga dahil sa itsura ko.

Lumabas ako ng kwarto at dumeretso sa kitchen, may naabutan akong mga pagkain na tinakpan lang nila bago sila umalis.

Kumuha ako ng plato at kutsara't tinidor saka ako nagsimulang kumain, hindi pa ko kumain dahil late na naman akong nagising.

Napuyat kasi ako sa kaiisip kung sino yung lalaking nagtetext sakin, gusto ko syang makita ngayon pero dahil medyo masama ang pakiramdam ko.

Siguro magpapahinga na lang muna ako at mamayang hapon na lang sya kikitain, total after class pa naman ang usapan namin.

To be continue....

Vote please

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now