C H A P T E R 42シ

632 38 0
                                    

Belle's POV

Late na kong nagising dahil wala naman kaming pasok, napuyat din ako sa kaiisip kung bakit puro problema na lang ang dumarating sa buhay ko.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi ako nakatulog kagabi ay yung scenario ni Donny at nung babaeng haliparot na wagas kung makakapit kay Donny.

Nung nakita ko sila kahapon, gusto ko ng lumapit para sabunutan yung babae kaso nagbago ang isip ko dahil alam kong makikita nya ko kapag ginawa ko yun.

Hindi rin maganda kung  ganong eksena ang mangyayari sa pagkikita naming muli, hindi ko sisirain ang pangalan ko ng dahil lang sa babaeng kokak na yun.

"Hyung!" Sigaw ng kapatid ko dahilan para mapabangon ako.

Agad akong tumakbo palabas ng kwarto ko sa takot na baka pinasok na naman kami at pagtangkahan na patayin.

"Azri anong nangyari? May masakit ba sayo? Sinaktan ka ba—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko ang taong prenteng nakaupo sa sofa namin. "Kuya Aldean?" Ani ko.

"Your paranoid Belle." Natatawang aniya.

"Pumunta ka ba dito para mambwesit?" Inis na ani ko.

"Chill, I'm here dahil sa usapan natin kagabi." Nakangiting aniya.

'Anong usapan yun? Marami kaming pinag usapan.'

"Alin don?" Takang ani ko.

"Okay nakalimutan mo na, uuwi na ko." Nakangising aniya at akmang tatayo na.

'Yung utang nya sakin!'

"Wag kang aalis! Magbibihis lang ako!" Ani ko at akmang maglalakad na.

"What are you talking about?" Ani ng kapatid naming bunso.

"Wala hehe." Sagot ko at umalis na.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis, simple lang ang damit na susuotin ko dahil hindi naman ako mayaman kagaya ng pamilyang kinalakihan ko.

Pants na may trashers lang ang sinuot ko at crop top, nagrubber shoes lang din ako para simple lang, hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Kuya Aldean kaya naman naisipan kong simplehan lang ang damit ko.

Nang matapos ako sa pag aayos ay lumabas na rin ako ng kwarto, pagpasok ko palang sa sala ay bumungad na sakin ang dalawa kong kapatid na lalaki.

Nakangisi ang siraulo kong Kuya habang ang kapatid ko naman ay nakasimangot habang panay ang bulong.

Gusto kong matawa sa itsura ni Azri dahil sa pagkakasimangot nya, pumasok ako ng tuluyan sa sala at nagpanggap na parang walang pakialam. Kahit na sa loob loob ko ay halos mamatay na ko katatawa.

"Let's go?" Nakangising tanong ng siraulo kong Kuya.

"Yes Sir." Sagot ko na may halong pang aasar.

Kumunot naman ang noo ni Kuya Aldean sa pang aasar ko sa kanya kaya naman, natawa ako. Nakita ko rin ang bunso naming kapatid na si Azri na nakasimangot pa rin.

Lumapit ako sa kanya at ngumiti, hindi talaga namin sya isasama dahil gusto ni Kuya na kami munang dalawa ang magbonding.

"Azri? Don't worry babawi si Noona sayo." Ani ko at mas lalo pang ngumiti.

Tumango naman ito at ngumiti, masyadong malapit sakin ang dalawa kong kapatid na lalaki, kaya naman sa tuwing sasama ako sa isa sa kanila ay nagtatampo sakin ang isa sa kanila.

Fake Love Turns Into RealWhere stories live. Discover now