Chapter 52: Parent's Talk

22.6K 1.1K 918
                                    

Keziah's PoV:

"What?!"

"Oh really?"

'Yan ang sinabi nila Mommy at Dada sa sinabi ni Chelsey. Magkaiba sila ng naging reaksyon.

Based in my observation, okay lang kay Dada ang sinabi ni Chelsey. On the other hand, my Mommy is not pleased on it. Halatang-halata ang pagkadisgusto sa kanyang mukha. Hindi na maipinta ang mukha nya ngayon.

Hindi makapaniwalang tumingin ako kay Chelsey. I gave her a what-are-you-doing-look. Pero binigyan nya lang ako ng isang mapaglarong ngisi.

Ugh! Unang araw pa lang na nandito sya pero ang dami nya na atang ginawang gulo. Chelsey really loves trouble. At talagan dinadamay nya pa ako huh.

"Ahm... Nagbibiro lang sya." I said and let out a forced laugh. Mommy is still staring at us intently.

Damn. Hindi ko maiwasang kabahan. Iba ang klase ng tinging ipinupukol nya. Napakatalim. Para kaming mga produkto na iniiscan nya. Parang may laser.

"No, Tita. I'm telling the truth. In fact, magkasama nga kami ni Ziah sa mga bansang pinupuntahan nya."

"Atsaka, we always fuc——" Hindi ko na pinatapos pa si Chelsey sa kanyang balak na sabihin. I quickly covered her mouth using my hands.

Argh! Ang kulit nya talaga kahit kelan. Ako palagi ang trip nya.

"Elyse, explain." Dalawang salita lang pero sapat na para manindig ang balahibo ko. Mommy is so scary.

"Aish. Samantha, naman. Wag mong takutin ang mga bata." Pagsabat ni Dada. Pero alam kong kinakabahan na sya. It was written on her face. Nababalisa sya.

"Hindi ko naman sila tinatakot. Nagtatanong lang ako." Mommy said. Ngumiti sya. But that smile is different. Ngitint nagbabanta.

Tumingin sya muli sa katabi ko."Francine ba ang pangalan ng Mommy mo, Chelsey?"

"Yes po. Why?" Nakakunot-noong saad ni Chelsey. "Gusto nyo po ba syang makita?"

"No!" Mommy said quickly. Nanlilisik na ang kanyang mata. And wow, her eyes are like burning in rage.

Parehas na kaming naguguluhan ngayon. We're clueless on what's happening. Bakit ganito na lang ang reaksyonn ni Mommy?

"May kilala po ba kayong Francine?" Tanong ko. "Wait. Let me rephrase that. Kilala nyo po ba ang mother ni Chelsey?"

"Yes. Kilalang-kilala. Diba, Zoey?"

We looked at Dada. Namumutla na sya. She's biting her lips. Hindi sya makatingin ng diretso sa amin.

Hmm... Mas lalo tuloy akong nacurious dahil doon. Maybe, that Francine woman has a great part on their life. Maybe, naging ex ni Dada ang babaeng 'yon.

Hindi ko maiwasang matawa dahil sa aking naisip. Silly me. Imposible namang naging ex nga ni Dada ang Mommy ni Chelsey.

Dada faked a cough. "Yeah. Kilala ko nga ang Mommy nya. Hindi mo na ba ako nakikilala, Chelsey?" She seems happy.

"No po. But I remember na nagstay kami rito sa Philippines dati."

"I see. Bata ka pa pala non." Tumatango-tango si Dada. "Go on, Keziah. Pwede na kayong umakyat ng room mo. Enjoy."

"What?! Wala ka man lang bang gagawin para paghiwalayin sila?" Mommy stood up on her seat. Nakakuyom ang kanyang kamao na para bang anytime ay pwedeng-pwede nang manuntok.

Dada just shrugged. "Of course, wala. Kung doon sila masaya, sino ba naman ako para paghiwalayin sila? I want the best for them."

"Argh! Gusto mo bang sila Keziah ang magtuloy ng naudlot nyong lovestory ng Papansin na 'yon?" She smacked Dada's hands. Napakatalim ng mga tinging ipinupukol ni Mommy.

Sexy DevilWhere stories live. Discover now