Chapter 17: Autumn's Suggestion

22.8K 1.3K 1.2K
                                    

Keziah's PoV:


Penelope is really true to her words. Talagang tinotoo nya nga ang sinabi nya. May isang salita kumbaga. Sya na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi kami magkasalubong na dalawa.


For the past few days or even weeks, madalang ko na sya kung makita kahit na sabihin mo pang magkapitbahay lang kami. We're back into the first step again.


Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. I found myself weird. Dapat ay masaya ako na hindi na kami nagbabangayan at nagpapansinan ni Penelope. I should be happy dahil natapos na ang war namin ng mortal na kaaway.


But no. To my dismay, I'm feeling the other way around. I don't want to say this pero namimiss ko sya. When she said na kalimutan namin ang nangyari, trust me, it hurts so much.


For the first time in my life, I can hear my heart's breaking apart. Kakaibang sakit ang naramdaman ko. Para bang inabandona ako bigla pagkatapos ng lahat. Words can really hurt too.


Wala akong nagawa kung hindi umagree na lang sa kanya kahit na ayaw ko. Just like what my Dada said, I shouldn't force myself to someone.


Tinampal ko ang aking sarili para naman magising ako sa katotohanan. Get a grip of yourself Keziah! Stop thinking about that certain girl at magmove forward ka na sa life.


Tsk. I guess, minsan ay hindi man lang ako sumasagi sa isipan ni Penelope. Kailangan ko talagang kalimutan na ang babaeng yun. Aba! Nagmumukha akong patay na patay sa kanya noh. Hindi yun pwede! Over my drop-dead gorgeous body?!


I composed myself first bago ko napagdesisyunang lumabas na ng aking sophisticated room. I have my classes for today. I started to make my way downstairs.


"Let's go na my dear daughter." Agad na sumalubong sa akin ang malapad na ngiti ni Dada. She welcomes me with a big hug.


"Sure thing, Dada." Walang kaenergy-energy kong saad. Nakita kong napakunot-noo sya bigla.


"What's wrong baby? Bakit sad ka?" Nag-aalalang tanong nya.


"May umaway ba sayo? Wag kang matakot sabihin. Isusumbong natin yan Mommy Samantha para makatikim ng bagsik ng isang Demonyitang Dragona." Dagdag pa nya.


Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni Dada. It's so epic kasi. Hanggang ngayon ay may bansag pa rin sya kay Mommy and that is Demonyitang Dragona or DD in short. It never gets old.


Umiling ako bilang sagot. "Dada, it's nothing. But thank you about that."


She nodded her head. Nagsimula na kaming gumayak. Since today is Tuesday, si Dada ang maghahatid at magsusundo sa amin ng mga kapatid ko.


Bored akong sumakay sa tabi ng driver's seat. Ang mga kapatid ko ay nasa likuran na. As usual, they're on their resting bitch face. Kaming apat ay nagmana kay Mommy. Pero syempre, ako pa rin ang pinakamaganda sa lahat.


Scarlette, Savannah, and Madeline are the names of my sister. Of course, may second name pa sila pero hindi ko na sasabihin. Lahat sila ay nasa highschool. I'm the only one who's in college.


"Kiddos, how's your card? Need nyo pa ba ng credits or cash?" Tanong ni Dada. She's driving na.


"Okay pa rin naman Dada."


"Same goes with me." Sabay-sabay na sagot ng mga kapatid ko.


"Himala ata at hindi pa kayo nagshashopping." Natatawa nyang saad.


Sexy DevilWhere stories live. Discover now