Chapter 8: Dinner Disaster

23.1K 1.2K 1.5K
                                    

Keziah's PoV:


"Ate Kez, baka mabasag naman yung mirror kakatingin mo sa sarili mo."


Ano namang ginagawa ng mahaderang batang to sa kwarto ko? I looked at her side at nakita ko ang nakakabata kong kapatid na babae. She's peeking at me.


"It's none of your business, Scarlette." At humalukipkip pa. I continued staring at myself on the mirror. Ang ganda-ganda ko talaga. Isang dyosa.


"Why? Sinabi ko bang business kita Ate? Actually, nag-aalala ako sa salamin. Kung tao lang yang mirror mo, paniguradong sawang-sawa na sya sayo."


I groaned loudly. Ugh! This kid! Ang bata-bata pa pero mas mataray na sa akin. No way! Hindi ako makakapayag noh.


"Tell me Ate, may pinapagandahan ka ba kaya hindi ka mapakali sa ayos mo?" With that, napabaling muli ang tingin ko sa kapatid kong nakapameywang na.


"What are you saying? I don't need to do that. Matagal na akong maganda. Mas maganda pa ako sayo." I sajd at naghair-flip pa. Pero sa totoo lang ay hindi ko ineexpect ang sinabi nya.


Am I really doing this for someone? Eh para kanino naman? It's just a normal dinner with Rivas Family. Matagal na namin tong ginagawa.


Pero bakit parang sobra-sobra ako mung mag-ayos ngayon? I'm wearing a backless black fitted dress. Mahaba rin ang neckline kung kaya't kitang-kita ang cleavage ko. Litaw na litaw ang seksing kurbada ng katawan ko.


I shrugged that thoughts away at tumayo na. Hindi ko man lang namalayan na umalis na pala si Scarlette dito sa room ko.


I heaved a deep sigh. Later, for sure ay magkikita kami ni Penelope. Ilang araw ko rin syang iniwasan since ngayon lang nagsink-in sa utak ko ang ginawa ko.


I'm really dumb. Bakit kasi yun pa ang naisip kong solusyon? I shouldn't kiss her  in the first place. It's like I added a fuel to the fire.


On the other side, hindi ko naman pinagsisihan ang paghalik sa kanya. In fact, I liked it. I like it so much. At hindi ako nagbibiro nung sinabi ko na nagustuhan ko ang flavor ng labi nya. So sweet.


But wait. Don't think of something else. I'm still straight. At hindi mababali yun ng kung sino man.


Nang makababa, I noticed na ako na lang pala ang inaantay sa amin. As expected, nakaayos din ang family ko. Gosh. I really like our outfits.


I decided na sa dining room na lang mag-antay. Parang nagningning ang buong mata ko nang masilayan ang iba't-ibang pagkain na nakahanda. Nakikita ko ang mga favorite foods ko.


Kinuha ko ang aking cellphone at nagbukas ng facebook. I scrolled down on my newsfeed. When suddenly, nag-appear ang facebook account ni Penelope sa akin.


Obviously, hindi kami friends sa Facebook. Bakit ko naman sya iaadd in the first place? Ayaw ko kaya syang mapasama sa friends list ko.


"Oh my god, akala ko bukas pa kayo dadating my dear ex-step daughter." Mommy Samantha said when she opened the door. Mabilis na napaayos ako ng upo. Oh shit. Here they come.


"Parang ang layo-layo ng pinanggalingan nyo ah. Muntik ko nang makalimutan na magkapit-bahay lang tayo." Dagdag ni Mommy at umirap pa.


""Tss. Wag ka nga my evil-ex step mother Nagloving-loving muna kami ni Arshen bago pumunta dito kaya natagalan kami." Mataray na saad ni Tita Yana. I can clearly see their interaction from my seat.


Sexy DevilWhere stories live. Discover now