Chapter 24: Getting Closer

22.8K 1.2K 708
                                    

Penelope's PoV:


I woke up with a wide smile plastered on my face. Ibang-iba ang mood ko today. Parang energized ako. At alam kong iisa lang ang dahilan nun. It was all because of Keziah.

Yesterday was a blast. I can't believe na kaya kong magpalit ng damit sa harap ng isang tao. Tsk. The things I do for her. Something urged me to do that. Mas lalong dumoble ang confidence ko.

Her reaction is so hilarious. It's so priceless. I guess, kailangan ko pang ulitin yun at nang makabawi man lang ako kay Keziah. I should do that in a seductive way. Tignan ko lang kung hindi pa sya bumigay sa akin.

I smiled once again. At least, May nararamdaman na akong assurance mula sa kanya. I'm fine with that. Kailangan na lang namin mafigure-out ang mga feelings namin.


I stood up at nagsimulang magready. I took a bath. Minutes later, tapos na ako agad.


I once took a glance of myself bago tuluyang bumaba. I'm wearing my uniform right now since may pasok pa kami. Today is my favorite day, Friday.


"Good Morning baby girl." I was greeted by Dada. She's smiling widely at me. Mas lalo akong nagoodvibes.

"Good Morning too Dada." I greeted back. I leaned closer at binigyan sya ng halik sa pisngi.


"Go on, eat your breakfast na. Si Mommy ang nagprepare nyan." At itinuro ang mga pagkain na nasa dining room. My mouth went agape. Damn. I feel special lalo na't si Mommy ang nagluto.


I prayed first bago tuluyang magsimulang kumain. Inaasikaso ako ni Dada. I know na aalis din sya mamaya since may work pa sya.


"Baby, don't use your car for today. Makisabay ka na lang muna kay Keziah." Automatic na nagsalubong ang dalawa kong kilay sa aking narinig.


I quickly looked at Dada. "Yes. I mean that." She said. I groaned loudly and stomped my feet. Mukhang hindi nga sya nagbibiro.


And why is that? As far as I remember ay hindi naman coding ang sasakyan ko. Akmang magrereklamo na sana ako nang may marealize ako bigla. I bit my lips to prevent myself from smirking.


"Tsk. Okay fine." I said at nagkunwaring napilitan pa. Pero deep inside, I'm happy. I can use that chance para tanungin si Keziah sa ginawa ko kagabi. Damn. Hindi na ako makapag-antay pa.


"Para sabay na rin kayo umuwi later baby girl. You know, may dinner date uli tayo with their family." Napatango-tango ako dahil din. Now, I know why.


Mabilis na tinapos ko ang kinakain ko. I hugged Dada bago tuluyang lumabas ng bahay. At tama nga sya, nasa labas na ang sasakyan ni Keziah. Nakabukas na ang engine at parang ako na lang talaga ang inaantay.


I flipped my hair at nagsimulang maglakad ng parang isang model. Feel na feel ko talaga ang moment. Kahit tinted, alam kong nakatingin sya sa akin. Kapag maganda, marami talagang knows.


I knocked on her door. Maya-maya pa ay binuksan nya rin ito para sa akin. Mabilis na sumakay ako sa tabi nya.


"Tsk. Ang tagal mo. Baliko ka naman maglakad." Masungit na saad ni Keziah nang makaupo ako sa passenger seat.


Hindi ko maiwasang mapataas-kilay. "What the hell! Straight kaya. Sayo lang ako bumabaliko."

There was a long pause on our atmosphere. Automatic na nanlaki ang aking mata nang marealize ko ang sinabi ko. Natuptop ko bigla ang aking bibig.


Sexy DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon