CHAPTER 51

357 10 0
                                    

Meri

"Kong madaling araw tayu aalis. Hindi ba tayu mahahalata? Like you said earlier may nakasunod satin. So ibig sabihin nun. Inaantay din tayu na gagalaw tayu." Tanung ni Lexie.

Nasa basement kami upang pag usapan ang dapat pag usapan.

"Yes and no." Sagot ni Liam.

Nagtaka ako sa sagot ni kuya Liam.

"No. hindi tayu mapapansin pag umalis ksi may backdoor tayu. For emergency purpose yun. Sina tito at tita ang gumawa nun. Kami lang ni Jerome ang nakakaalam. Pero ngayun syempre alam niyo na. And Yes mapapansin din tayu at the same time. Kasi magtataka sila bakit di tayu nalabas ng bahay." Paliwanag ni kuya Liam.

"Geez ano na plano natin." -Alexis

"Kailangan makapunta ang mga healers kasi di na daw kaya ng mga healers sa academy kasi pati sila nanghihina na dahil sa kagagamot nila. Kahit mga teachers natin di na din nila kaya."

"Kailangan natin ng clone. Kaso wala atang may alam na gumawa ng clone." -Ashley

"Need nila muna ng food. Kuya Liam. Magpaluto ka sa hotel restaurant natin. Dadalhin natin yun sa academy. Kuya Jerome tawagan mo hospital natin. Humingi ka ng mga first aid. Hindi natin pweding gamitin kakayahan natin para mapagaling ang lahat. Kailangan natin ireserve ang lakas natin." Sabi ni Snow.

Agad naman tumalima sila kuya upang sundin ang utos namin

Panu ba gumawa ng clone. I read it somewhere. I know how to create clone. Nakagawa na kami dati nun ni Snow. Ginamit namin yung clone na yun dito sa bahay.

"Snow."

"Oh"

"Diba nakagawa na tayu dati ng clone."

Sabay naman na napabaling ang lahat samin. Kahit sila kuya na katatapos lang makipag usap.

"How did you do na nakagawa kayu ng clone Princess." Tanung samin ni Kuya Liam.

"We dont know. Trinay lang namin. May nabasa kaming libro. Diko alam sang libro namin nabasa yun. Kaya inaalala ko kong san ba." Paliwanag ko naman.

"Ah!!! Alam ko na kong san!"

"Dun sa room nila mom. Remember nagpunta tayu dun kasi kukunin sana natin yung pasalubong pero nakita natin sa bookshelves ni mom may mga books. Tapos magaganda yung cover. Kaya nakialam tayu."

"Ohh yeah!"

----------

Liam

Unti-unti na nilang nalalaman ang mga bagay-bagay. Masyadong malaking responsibilidad ang kaakibat nila. Kaya hanggat makakaya namin ni Jerome ay inaalalayan namin silang dalawa. Kaya nung nalaman namin na nakagawa sila ng clone. Agad kaming nagtinginan ni Jerome. Kailan pa nila nagawa yun. Wala kaming alam. Masyado silang masecretong dalawa na to the point na hindi mo malalaman na mayrun.

Dikit kong dikit silang dalawa. Magkasundo sa lahat ng bagay. Pero ang isa sa kanila ang sisira. Kakayanin kaya nilang dalawa. Ito ang pinaka kakatakutan namin. Wala silang alam na dalawa kong ano pa ang kaya nilang gawin. Gusto namin makita ang kaya nilang gawin. Pero natatakot din kami. Ayaw namin silang dalawa na mawala. Kahit ang isa sa kanila. Kaya palaging umaalis sila tita para hanapan ng solusyon.

Pagkabalik nilang dalawa hawak na nila ang libro na sinasabi nila. Diko alam kong sinadya ba nila tita na iwan yung libro na yan o ano.

"Oh gosh! You two." Sigaw ni Nova.

"Bakit?" Tanung sa kanya ni Logan.

"I know that book. Iilan lang ang may kopya niyan. Kong di ako nagkakamali nasa matataas na angkan at katungkulan lang ang mayrun niyan."

Agad naman silang nagsilapitan kila Louise.

"At! Wag niyong hahawakan yan!"

"Bakit? Hahawak lang kami Nova" maktol ni Lexie.

"Masyadong mapanlinlang ang libro na yan. Sa sobrang ganda niyan. Sa oras na hinawakan mo ang libro na yan. Maaring mawalan ka ng kapangyarihan or mapasok ka jan sa loob ng libro."

"The heck Nova. San mo nalaman ang kwento na yan. Are you even serious" tanung ni Ashley.

"Yes im fucking serious here. Nalaman ko lang sa lola ko. Kasi pinakita niya ang iba't ibang klase ng libro." Bumaling naman sya kila kuya Liam. "Hindi niyo ba sinasabi sa kanila kong sino sila? We get it Liam. Nakita namin sila sa unang dating namin. At oo di kami makapaniwala. I know this is not my story to tell them. But they are so clueless. Kaya pala ganyam kayu kong makaasta sa kanila. Maliban kay Aurora na hindi namin nakita ang parents niya. But still."

Alam din pala ni Nova ang tungkol sa libro. Tinignan ko lang sya. At higit sa lahat naguguluhan ako sa pinagsasabi niya. Hindi lang ako. Pati si Snow naguguluhan din. Kitang kita ko kong panu naging uncomfortable sila kuya.

"Kuya ano ang sinasabi ni Nova. Nung hinawakan namin to dati. Hindi pa namin alam ang tungkol sa academy. Yun yung una naming nagawa. Sa takot namin di namin sinabi kila mom. Baka kasi isipin na may sira kami ni Snow." Tanung ni Louise.

And I can see na nag gloglow ang mata at buhok nilang dalawa. Parang may tinatago silang sakit? O diko lang alam.

"Kuya answer us. At ano pa ang ibang sinabi ni Nova na clueless kami at sino ba talaga kami ni Snow. Ano ba kami. Kahit nung nasa Aircelia palang tayu. Yung kambal yung may nakita sila. Yung nangyare sa leveling. Yung nangyare sa Wolfden. Lahat yun. Ano ba ang mayrun saming dalawa. Sino kami. Ano kami." -Natasha

"Im sorry Princesses. Pero di namin masasagot ni Liam mga katanungan niyo. Malalaman niyo din naman. Kaso sila tita lang ang makakasagot sa lahat ng tanung niyong dalawa."

"Okay. But for now. Let's save first yung mga nasa academy. Set aside na muna Snow. We need to save the students first. I know how you feel. Kahit ako ang dami kong tanung. Pero uunahin pa ba natin yan hmm" Sabi ni Louise kay Natasha. Agad naman na nagbuntong at tumango ang isa. At unti unti ring bumalik sa dating kulay ang buhok nila.

Agad naman silang gumawa ng clone. And I can say na gayang gaya talaga nila yung mga sarili nila. Panu nila nagawa yun. They didn't even have a practice para lang magawa ng ganun.

"Pang ilang beses niyo na gumawa ng clone?" Tanung ni Harold.

"Ah pangalawa palang to."

"Wooow! Ang galing naman talaga ng mylabs ko!" Tuwang tuwa na palakpak ni Aiden.

Agad naman nilang sinimulan na dalawa na gawan pa ng mga clone ang iba. Hanggang sa di na nila nakayanan na dalawa at nakatulog nalang sa sofa.

"Grabe. Diko inaasahan tong dalawa na to. Palaging may pasabog." Sabi ni Cristina.

"Sinabi mo pa ate."

"Osha magsitulog na muna tayu. At nakatulog na din tong dalawa na to. Napagod din siguro sa maghapon. Dagdag pa na sila lang gumawa ng clone."

Magsisi-akyatan na sana silang lahat ng pinigilan ko. "May comfort room dito. At tsaka kompleto ang hygiene."

"At san mo kami pahihigain Liam Storm Ty." Sabi ni Cristina na kompleto pa talaga.

"Future Mrs. Maria Cristina Rose Pascual Ty. Sofa bed po ang hihigaan niyo. At sa baba nalang kaming boys hihiga. May mga comforter naman"

Nagkanya-kanya na kami ng pwesto. Tinitigan ko ang dalawa. Ang dalawa naming Princesa na iningatan namin. Sana sa pagdating ng panahon. Maging maayos ang lahat. At sana ay maintindihan din nila bat namin to ginagawa sa kanila. We want what's best for them. Bago ako matulog hinalikan ko muna sila sa noo.

"Goodnight Princesses"

--------

Hi po. Pasensya na po ka uupdate ko palang. May trabaho na po kasi ako. Tsaka isang araw lang po kasi off ko. Tbh po nasa trabaho po ako ngayun. Wala lang akong ginagawa kaya nag update ako 😅.

Thank you sa pag aantay ng pag-update ko.

Sa mga magbabasa at nagbabasa palang. Again. Maraming salamat po. Binibigyan niyo po ako ng pagkakataon na maging manunulat.

Kong may mali man po ako sa grammar. Paki correct nalang po sa magandang pamamaraan. Salamat po 😊😊

Legendary Water Princess Fairy (Gwethniel Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon