CHAPTER 39

312 17 1
                                    

Third Person

Katapos nilang masagawa ang plano. Ay agad silang kumilos. Tulad ng napagkasunduan ay nauna sila Jerome. At sunod sunod silang dumating.

Sakto din na pag dating ng tanghalian. Ay dumating naman sa nasabing bahay si Aurora. Para kunwareng gawin na sya ay anak. Napag alamanan din ni Aurora na yung bahay na tinuluyan niya ay may malaki palang utang. Sa kadahilanan na nagkasakit ang asawang lalaki. Pero namatay din lumaon. May isang anak naiwan kaso batang babae. At pinagkaka interesan din ng bandido.

"Ate ang ganda mo naman" sabi ng bata kay Aurora.

"Ikaw din naman maganda ka. Mana ka kay ate alam mo ba yun?"

Habang nag uusap sila sa labas ay naramdaman ni Snow na may nakatingin sa kanilang dalawa at alam niyang ang mga bandido ito. At lumabas naman ang ina-inahan ni Aurora.

"Alice at Ara. Pasok na kayu may niluto akong kamote pagsaluhan natin ito mga anak"

Pagkapasok na pagkapasok nila ay mahahalata na natatakot na ang ina.

"Wag po kayung matakot. Ako po ang bahala sa inyo. Andito din po ang aking mga kasamahan. Umakto lang po kayu na anak niyo ako"

"Ate Ara magiging okay po ba ang lahat?" Tanung ng batang Alice.

"Oo naman Alice. Maganda kaya si ate mo"

Napatawa nalang ang mag ina. Hanggang sa may pumasok na mga lalaki. Agad na dumapo ang mga mata nila kay Aurora/Ara. Kong ganito ba naman kaganda ang tutubos sa mga may utang ay hindi sila magrereklamo. At makikita din sa mga mata ng mga bandido na nagagandahan sila.

"Hindi niyo naman sinabi Aling Auring na may maganda pala kayung anak. Sa ilang ulit na balik namin ay ngayun lang namin nakita ang magandang dilag na ito." Sabi ng nasa gitna habang may hawak na tabacco.

Nakaharang sa harapan si Aling Auring upang protektahan ang dalawa. Dahil yun ang napag usapan nila na kailangan ay hindi sila magpahalata.

"Wag niyong gagalawin ang mga anak ko. Magbabayad ako"

"Ilang beses mo na sinabi yan. Pero umaalis lang kami sa bulok mong bahay na walang dala. Ang dalaga mong anak ang ipangbayad mo. O baka gusto mo na pati ang bubwit na iyan ay kunin ko din"

Agad na nagsenyas ang lalaki upang kunin si Aurora. Nagsisigawan naman sila na akala mo ay totoo.

"Wag niyong saktan ang ina at kapatid ko. Sasama ako sa inyo ng matiwasay"

"Ate! Hindi pwedi kauuwe mo lang gusto pa kita makasama ate"

"Alice. Alagaan mo si ina huh. Wag kayung mag-alala." Yinayakap niya ang dalawa at bumulong na "magtiwala lang po kayu"

Agad na nagsisigaw ang bata sa pangyayare. Akala mo ay totoo talaga na nagwawala ang bata. Pero hindi. Dahil tinulungan ni Aurora ang bata na umakto na akala mo at nagwawala. Hindi nga sila nagkamali dahil kumagat naman ang mga bandido. Habang naglalakad papunta sa kuta nila ay nagsalita ang mga bandido "boss malaki laking isda ang nakuha natin ngayun. Tignan mo naman mukhang inalagaan talaga ito ni Aling Auring"

Hinahawakan sa magkabilang braso si Aurora ng mga bandido. Hindi na talaga sya nakatiis at nagsalita "Teka nga!" At tumigil sila sa paglalakad. "Pwedi ba tanggalin niyo kamay niyo sakin. Kanina pa kayu ah. Alam kong maglakad. Hindi ko kailangan ng alalay. At kong iniisip niyo na tatakas ako. Pwes hindi ako tatakas. Hindi ko ilalagay sa alanganin sila Ina"

Tinanggal naman agad ng dalawang bandido ang nakahawak kay Aurora. "Alam mo nakakapagtaka. Ang ganda ng balat mo. Hindi ka mapagkakamalan na anak ka ng isang mahirap"

"Alam mo kasi. Hindi ako basta basta nagpapahawak. Kaya nga diba sinabi ko na wag kayung hahawak sakin. Dahil ginastusan din ito ni Ina para gumanda ang aking kutis. Ano dito nalang ba tayu".

Agad naman silang naglakad. At nagulat si Aurora sa mga nakita. Ang lawak ng lugar ng mga bandido. Ang daming babae ang naka-kalat. May mga tent may saktong laki. At may malaki, may flag din sila na simbolo ng kanilang gropo. Agad niyang hinanap ang mga kasamahan niya. At nakita niya si Avi at Grace na nagsisilbi sa mga bandido. Habang ang mga lalaki naman ay nakita niyang nagbubuhat ng mga mabibigat.

May humarap sa kanila na isa sa mga gropo "aba pare nakakuha kayu ng malaking isda ah. Matutuwa nito sila bossing"

Sa isip ni Aurora hindi ba sila naliligo dahil may naamoy sya na hindi dapat. Pinasok naman nila ang malaking tent na nakatayo. Pag pasok nila ay may mesa na nakahanda at may dalawang tao ang kumakain. Ito ata ang sinasabi nilang boss.

"Boss"

"Oh. Abat nakabingwit kayu ng mamahalin na isda. Kaninong anak ito?"

"Kay Auring boss. Yung nagkautang dahil sa asawa niyang may sakit"

"Ang ganda mo naman binibini. Ako nga pala Fernando ang namamahala dito sa nayon" magpapakilala ng lalaking may balbas. Hahawakan niya na sana si Aurora pero lumayo agad ang dalaga. Kutang kuta na sya sa germs.

"Ako naman si Julio ang leader ng bandido na ito. Pwedi ko bang malaman ang pangalan mo binibini?"

"Hindi"

Natawa naman ang mga tao. Dahil ngayun lang sila nakatagpo ng babae na hindi makikitaan ng takot.

"Bakit naman hindi? Pwedi ba namin na malaman?"

"Pagsinabi ko sa inyo. Dapat ay wala ng utang si ina at papalayain niyo ako."

"Hahahaha masyado ka naman binibini. Mahal ba ang pangalan mo?"

"Oo mahal ang pangalan ko. Dahil mahal ako ng aking mga magulang"

Pero nag hihintay lang talaga si Aurora sa mga iba pa nilang kasamahan para maisagawa ang plano. Dadating din ang knights para tulungan sila. Dahil baka hindi nila makaya ang mga bandido.

-----------------

*8yrs survivor of Typhoon Yolanda. Pero ito pa din still alive and kicking. Dpat kanina pako nag update. Kaso nagpadasal kami. Nabusy yung ganda ko. Hahaha char

Legendary Water Princess Fairy (Gwethniel Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon