CHAPTER 33

378 18 7
                                    

Aurora

"Girls your already here"

"Ms pinatawag niyo kaya kami."

"Haha yeah. Buti nga at nakausap kita. By the way kamusta yung pakiramdam niyong dalawa?"

"Still alive and kicking ms." Sagot ni Snow sa kanya habang kumakain ng cookies. Andito kasi kami sa office ni Ms.

"By the way Ms bat niyo kami pinatawag?" Tanung ko sa kanya. At binigay niya naman sakin yung red tea.

"Oh about that wait may ibibigay ako sa inyo" at lumapit sya sa desk niya at may kinuha syang dalawang box.

Binigay niya samin at sinabing "here take this. Gamitin niyo yan. Wag niyong ihihiwalay sa katawan niyo yan"

Ano to? Ribbon? Yung parang sa gymnastics na ribbon. Pero ang ganda ng kulay. Navy Blue sakin. Habang Sky blue naman kay Snow. At may nakalagay na initials namin. Tinignan namin sya ng nagtataka.

"Pwedi niyong gawing sandata yan. Hindi sa lahat ng oras nakadependi kayu sa mga abilities niyo. At kailangan niyo din mag-ingat"

Weew sandata. Gusto ko ng bow and arrow "woooahhh ang cool!"

"Ms if you dont mind bat niyo kami pinag iingat? Kahit sa main element namin. Hindi mo samin pinagamit." Tanung ni Snow. Kahit ako nagtataka.

Ngumiti sya samin sabay sabing "maiintindihan niyo din ako. Hindi man ngayun pero sa mga susunod na araw"

Kinakabahan naman ako sa pinagsasabi ni Ms. "Grabe Ms ano ba naman yan haha wala naman kaming ginawa na maganda puro nga kami kalokohan haha" tumawa ako ng hilaw.

"Wala nga kayung ginawa na maganda nung nasa mortal pa kayu. Pero dito sa mundo natin na ginagalawan. May gagawin kayung maganda. Sabihin nalang din natin na may utang na loob ako sa inyo. Sa pamilya niyo"

Kilala niya pamilya namin. Magtatanung na sana ako ng biglang may announcement.

"Calling all Elites member please proceed to Hm's office. Again Calling all Elites member please proceed to Hm's office. Thank you"

"Go alis na kayu. Gamitin niyo sa tama ang mayrun kayu. Magtratrain tayung tatlo ulit sa susunod"

Nagliwanag naman mata ko sa sinabi niya. "See you Ms mwuaah" nag flying kiss pa kami sa kanya at napailing nalang sya samin.

----------
At dahil sa katamaran namin ng pinsan ko. Nagteleport nalang kami papuntang office. Actually bawal talaga gumamit ng abilities pag nasa loob ka ng premises ng Academy. Pero dahil pasaway kami. Gagawin namin ang bawal.

"Girls alam niyo bang bawal ang gumamit ng abilities?" Tanung ni Hm samin.

"Tanda. Este Hm ang layo kasi ng office mo." Geez dito kami napapahamak sa pananalita ni Snow. Yoko pa mamatay gago.

"San ba kayu nagpunta?"-kuya Liam

"Sa gilid gilid?"-ako

"Why are we here by the way?" Jusko naman Snow dahan dahan naman sa pananalita.

"You have mission"

Ay ito na ito na. Ang pinaka hihintay namin ni Snow.

"Madaming kababaihan ang nawawala sa isang bayan. Sakop ito ng kaharian ng Aircelia" san yun? Diko naman alam mga kaharian dito. Tinuro naman samin yun. Kaso di talaga ako magaling mag memories ng places. Kahit si Snow ganun din. Kaya nga palagi kaming nawawala kasi mahina kami sa mga pangalan ng lugar. Lalo na sa direction.

"Aalis kayu mamayang madaling araw. And by the way excuse na kayu sa class niyo ngayun maghapon. Kailangan niyo din magpunta sa office niyo. At may mga nakatambak na papeles dun nagrereklamo na yung President"

At lumabas na kami agad katapos ng meeting. Pagkarating namin ng office kuno namin ay may mga papeles nga sa isang table? At ang dami nga.

"Ano sinasabi ni hm kanina na may mga papeles daw? Yun ba sinasabi niya?" Sabay turo ko sa mga papeles. At tumango naman si Aiden.

"Ganito kasi yun bebs. May mga student council naman dito katulad sa mortal world. Ang pinagkaiba nga lang. Ay everytime na may mga kailangan silang approval ay dumadaan samin. Dumadaan din naman sa tatlong special class. Kaso nga lang. Samin pa din pinasa nung tatlo. Kaya napagkasunduan namin na samin nalang ididiretso at kong may mga dapat hingan ng suggestions ay dun kami magpapatawag ng meeting kasali na yung tatlo pang special class." Paliwanag niya naman samin ni Snow.

"So ibig sabhin sa inyo pa din ang huling halakhak ganun ba yun?" Tanung naman ni Snow.

"Hmm parang ganun na nga. Pero syempre pinagbobotohan namin pag may mga discussion kami. Hindi naman maiiwasan yun. Pag natapos kami sa meeting at napagkasunduan na namin lahat. Si School President na yung magdadala nun kay Hm para sa final na pirma. Pero may mga times na hindi na kailangan ng pirma ni hm kasi may basbas na kami ganun"

Bigla naman pumasok si Von at may kasamang lalaki. Ay gwapo naman. Bat ba ang gwagwapo ng mga tao dito jusmeyo wala pakong nakikita na panget.

"Bebs andito ka pala" sabay lapit agad sakin ni Von. "Ay nga pala isa sa mga kagroup ko sa Knights. Magpakilala ka"

"Joshua Kobe Allen. Special Class Knights"

Ay tatlo pangalan niya. Magsasalita na sana ako ng may nagsisigaw. Boses babae ah.

"Juswaaaaaa!" Bigla naman sya pumasok at "here you are lang pala Juswa" hahaha ang cute naman sa Juswa

"Its JOSHUA not JUSWA" pinag didiinan niya talaga. Nakatingin lang kami sa kanya ng bigla syang bumaling samin.

"Lexie ginagawa mo dito?"

"Bawal ba?" At lumapit sya agad at nagpakilala "hi Im Lexie Mia Elliot. You can call me Lexi nalang. From Knights." Magpapakilala na sana kami ng "you must be Aurora Natasha and you must be Meri Louise Ty?" Sabi ko nga kilala niya kami. Kaya napatango nalang kami.

"Ms Elliot if you are here just to be noisy. You are free to go out. Mag iingay na naman kayung Knights dito. At alam kong susundan naman to ng dalawa pa. Kaya please lang" sabi ni Damon habang nakatingin pa din sa papeles. Ay wait bat nakasalamin na sya. Hala bat ang gwapo naman.

Pabuntis ng sampo. Nagkakasala talaga ako ng tunay. Landi landi kasi Aurora. Manahimik ka. Bawal mabuntis. Kong nakakabuntis lang ang pagtitig baka nabuntis naku ng lalaking to. Pero bawal. As in bawal. Kasi nag promise kami kay mommy na bawal na muna ang mga ganung bagay.

------------

Legendary Water Princess Fairy (Gwethniel Academy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon