CHAPTER 42

326 11 0
                                    

Third Person

Dinala agad ng Elites at Knights ang dalawa sa kaharian ng Aircelia sa tulong ni Joshua. Hinabilin naman agad ni Alex ang nayon sa mga dumating na mga sundalo ng kanilang kaharian at bigyan ng agarang tulong.

"Kamusta po ang aking mga pinsan. Magiging maayos naman po ba sila?"

"Kailangan nilang magpahinga. Masyadong maraming inerhiya ang nagamit nila" sabay iling ng gumamot sa magpinsan.

"May problema po ba?"

"Nagtataka ako. Masyadong maraming enerhiya ang kanilang nagamit. Sa kanilang lagay ay hindi pa nila gamay ang majika. Pero wag kayu mag alala mabuti naman ang kanilang kalagayan. Alam niyo naman siguro na pag gumamit kayu ng sobrang enerhiya ay maaaring ikamatay niyo o ikawala ng inyong majika at maging normal na tao na lamang." Pero lingid sa kanilang kaalaman. Ang gumamot sa magpinsan ay nakikita din ang hinaharap. May mga bagay na hindi niya pwedi sabihin agad. Dahil maaaring maging mas magulo ang dapat na mangyare.

Agad naman na umalis ang tagapag gamot upang magpunta sa Orakulo upang ipagbigay alam ang kaniyang mga nakita. Sila na ba ang sinasabi ng propesiya.

----------------------

Asan ako? Anong lugar to. Hindi ko matandaan na nagpunta kami dito.

"Mabuti at gising ka na binibini."

"Sino ka? Anong ginagawa ko dito?"

"Heto mag tsaa ka na muna. Wag kang mag alala walang lason yan."

Tinignan lamang ito ni Meri na may pagtataka.

"Kong iyung tinatanung kong nasan ka. Ikaw ay nasa panaginip lamang. Pasensya ka na at pumasok ako sa iyung panaginip na walang pahintulot."

"Mawalang galang lang po. Ano ba pinagsasabi niyo. Anong panaginip."

Tumawa lamang ang kanyang kaharap. "Nais ko lang sabihin na magtiwala ka lamang sa iyung sarili. May darating na tao na susubukin ang tatag ninyo. Wag kayung magpapadala."

Hindi na alam ni Meri ang sasabihin kasi di rin niya maintindihan. Nasisiraan na ata ng bait ang kaharap niya o baka sya ang nasisiraan na.

"Ah baka makalimutan ko. Alam mo bang may nakatadhana na sayung lalaki?"

"Patawa ka naman. Ano to fixed marriage?"

"Hindi yan ang ibig kong sabihin. Ano ba tawag dun sa ingles." Sabi ng lalaki na kaharap niya habang humihigop ng tsaa. "Aaah! Alam ko na. Soulmate. Alam mo ba yun?"

"Uso pa ba yun?"

"Oo binibini uso pa yun. Nasa kakaibang mundo ka. Kaya uso yun dito. Nasa trenta porsyento lang ang may nakakakita sa iyung kapareha. Swerte ka pag nakita mo sya. Dahil kahit na anong mangyare ay magtutulungan kayu."

"Ano ang gusto mo ipahiwatig?"

"Wala naman. Hanapin mo sya at kayung dalawa ang magiging magka-alyansa na kahit anong mangyare ay aanjan sya. Di mo alam ano ang mangyayare mamaya o bukas. Nga pala. Bumalik ka na sa iyung katawan." Tumayo ang lalaki at nag bow kay Meri. "Mag iingat ka Prinsesa. Sa muling pagkikita"

-----------------

Oohhh asang lupalop ako? Ako lang ba aandito. Agad naman na kinapa ni Aurora ang sarili niya. Nakadamit pa sya. Kaya kumpleto pa sya.

"Wag kang mag alala binibini wala akong gagawin na masama sayu. O ginawa sayu." ngiti ng lalaki.

Ay ang gwapo naman na nilalang. Sa isip ni Aurora.

"Asan ako? Anong lugar to?"

"Ganyan din ang tanung sakin ng isa."

"Sinong isa?"

Legendary Water Princess Fairy (Gwethniel Academy)Where stories live. Discover now