Chapter 5

795 7 0
                                    

Natahimik silang tatlo dahil sa sinabi ko. Sinulyapan ko si Sia at hinalikan sa noo kaya napahagikgik na naman siya.

Napakamasiyahin talaga nito. Kahit siguro ihagis ko siya sa pool, hahagikgik pa 'to sa tuwa kahit hindi marunong lumangoy.

"Hm! Yummy! Sia, you want to taste it?" pambabasag ni Salacia sa katahimikan.

Mabilis na lumingon sa kaniya si Sia at masiglang tumango.

"Yesh plish!" Pinagdikit pa niya ang dalawang kamay niya at nagpacute. Tipong kinukurap-kurap pa ang mga bilugan niyang mata.

"Ang cute-cute talaga ng baby ko! Sa sobrang cute, ang sarap itapon!" pang-aasar ko.

Tumigil si Sia sa pagkurap at dahan-dahan lumingon sa'kin habang magkadikit pa rin ang palad. Hindi nawawala ang mga ngiti sa labi niya.

"Gago. Bakit ang creepy tignan nang ngiti ni Sia?" rinig kong bulong ni Shailyn kay Lorraine.

"Syempre, kanino pa nga ba magmamana?" sagot ng huli.

"Mimi..." mahinang tawag ni Sia.

I pursed my kissable lips before slowly looking at her.

"Yes, baby?" malambing kong sagot.

Medyo kinabahan din ako sa itsura ng anak ko. Nakangiti pero iba ang kislap ng abo niyang mga mata.

"Shoo away!" malambing niyang sabi. Nagulat pa ako dahil hindi siya nabulol.

Wow, may isang himala!

Maski ang tatlo ay nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa batang bulol. Miski si Salacia ay tumulo pa sa chin niya ang milkshake na iniinom.

"Baby?" nagtatakha kong tawag.

"You so bad, Mimi! You make away me. I'm just quiet!" Nawala na ang ngiti niya at kumunot na ang noo. Habang kasing tulis ng baril ko ang nguso niya.

"Oo nga! Inaaway mo 'yan. Ang cute-cute tapos hindi ka man lang nakokonsensya awayin. Napakasama mong nanay! Bad parenting!" pang-aasar na saad ni Shailyn.

"Niaaway ka ni Mommy, Baby Sia? Aww. Hindi na 'yan love. Wawa naman si Sia, hindi na love ni Mimi," dugtong na asar ni Lorraine.

Pinanlakihan ko sila nang maririkit kong mga mata dahil alam ko ang balak nila.

"Ohh, 'di na love ang bata na iyan! Wawa naman si Sia!" Salacia exclaimed.

Talagang sumali pa sa kasiraulohan nila Shailyn at Lorraine

Napatingin ako kay Sia na nangingilid na ang luha habang kagat ang mga labi niya. Jusme! Tutulo na ang luha niya niya kaya mas lalong nanlaki ang nga mata ko.

Isa pa nga!

"Tigilan niyo nga ang anak ko!" saway ko sa dalawa.

Humagalpak nang tawa ang dalawa pero mas nangibabaw ang tawa ni Shailyn kaya talagang tumili na si Sia sa inis.

"Uy, 'wag nga kayong ganiyan!" saway ni Lorraine. "Sige nga, isa pa," dugtong naman niya.

Sabay-sabay na sila tumawa na maski ako ay muntik na humagalpak. Kung hindi lang masama ang tingin ni Sia sa'kin at binabantayan ako kung tatawa ba ako.

I bit my kissable lips that has a chanel les beiges lipstick. Pinipigilan kong tumawa dahil baka itakwil ako ng anak ko.

Alam kong maganda ang anak ko pero dahil sa itsura niya ngayong matapos tumili at umiyak nang malakas, ay pinipigilan niya na umiyak. Lukot na lukot ang mukha niya na parang ngangasim.

"Bakit ninyo ba pinapaiyak ang paborito kong anak?" pagalit kong saad. "Isa pa nga!" At doon, humagalpak na kaming apat sa tawa.

Wala kaming pakielam kung pagtinginan kami ng iba pero nakakatuwa lang talaga asarin si Sia.

"May mga ex ka na ba noon, Charlette?" tanong ni Shailyn. "Maliban sa tatay ng anak mo!" dugtong niya.

After a few hours of spending in that cafe, we left and went home. Inihatid nila kami ni Sia pauwi at balak pa nila tumambay rito hanggang gabi.

Sia wiggles her legs so I let her go down. Tahimik siyang tumakbo papasok ng kwarto.

I feel bad. Nagtampo tuloy si Sia dahil sa kalokohan namin apat.

"Malamang mayroon 'yan! Sus, sa ganda ba naman ng babae na 'yan!" sagot naman ni Lorraine.

I removed my shoes as I sat down. I crossed my legs which exposed my slender and sexy thighs.

"Ay, ahihi. Meleet ne begey!" ani ko. I even put my hair strands behind my ears.

Nalukot ang mga mukha nila na hindi umabot sa kalingkingan ko.

Asan na ba ang plantsa ko at nang maihampas sa kanila?

"Sabi sa'yo, hindi dapat pinupuri 'yan. Bumabaluktot 'yong dila!" aniya ni Shailyn.

"Ano na, Ate Charlette? May ex ka na ba? Mga ilan?" pagtatanong ni Salacia, na kumakain naman ng blueberry cheesecake.

Nalukot ang maganda kong mukha habang nagtatakha sa hawak niya. Akin 'yon, ah? Ang bilis talaga ng kamay nitong bata na 'to!

"Wala akong naging ex. Ano ko lang sila, uh— pagsubok sa buhay," I said as I flip my hair. "Teenage mistake kumbaga!"

I took out my Smith & Wesson .380 EZ Shield under our coffee table. I checked the magazine and when I saw it had bullets, I put it down beside me.

Tahimik lang sila na parang nagloading ang utak sa sinabi ko. Madalas kasi ay kasing bagal ng pldt ang utak nila.

"Teenage mistake, amp. Pinaganda mo pa, ha?" Si Shailyn ang unang bumalik ang connection sa utak. "Pagkakarinig ko kay Chesca, may ex ka raw dati na hirap na hirap kang iwan," dugtong ni Shailyn. She even raised her brows at me.

But when she saw my intense gaze, she pursed her lips as her eyes wandered around the living room. Nagpapanggap na walang sinabi.

"Ay, oo nga! Kuma-comeback ka pa raw kahit na puro mura at halos isumpa mo na si mysterious guy, binalikan mo pa rin." Isa pang chismosa na nagngangalang Lorraine ang lumapit pa sa kagandahan ko.

"Duh? Uso naman ang second chance sa lovelife at syempre, hindi niyo alam 'yan kasi isa lang naman kayong mukhang squammy at hampaslupa na walang lovelife!" sagot ko sa kanila.

Nagugulat silang humawak sa dibdib nila habang nanlalaki ang mga mata at bibig.

Pasukan sana 'yan ng langaw from Paris.

"Ay, second chance? Nakakain ba 'yon? Nabibili ba? Tsaka, hello? Mas okay na maging squammy at mukhang hampaslupa na walang lovelife kaysa sa katulad mo na isa lang ang ending, katangahan," rebut ni Shailyn.

"Hoy!" saway sa kaniya ni Lorraine matapos niya sikuhin. "Boss natin 'yan!"

"Huwag ka magulo! Lasing pa yata mula sa madilim na kahapon ang ating magandang dilag na boss," bulong na sagot ni Shailyn at humagikgik.

Wow. Akala mo naman hindi ko naririnig mga pinagsasabi nila. Aba?!

"For your information pwet mo walang dove lotion, hindi ako tanga. Mapagpatawad lang. Magkaiba 'yon," sagot ko. I roll my eyes at them and crossed my arms.

Echoes Of The UnknownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon