Chapter 4

713 8 1
                                    

"My gosh! Dalian niyo na ngang dalawa. Kanina pa naiistress ang kagandahan ko sa inyo, alam niyo ba 'yon? Napaka-arte!" reklamo ko habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng na sa harapan ko at panay hila pababa sa suot na dress. Goodness!

"Gago! Charlette, ang ikli kasi masyado at ang kati," angal ni Shailyn na panay kamot na rin sa braso.

I rolled my eyes which exposed my Simple Day-Look eye makeup with the use of Giorgio Armani La Mia Milano Eye and face makeup palette.

"Do we really need to wear this? Ang fitted masyado, Charlette," malambing ang boses na singit ng isa pa.

Nalipat naman ang maririkit kong mga mata kay Lorraine na sobrang lukot na ang pagmumukha.

Magsasalita na sana ako nang sumingit naman ang isang manang. Na walang ibang ginawa kung hindi ay ang magsuot ng mala maria clara clothes!

"Tsaka ang unfair! Kami kita ang legs namin tapos ikaw naka-rubber shoes lang!" Agad akong napahawak sa dibdib ko. Napa-react nang parang na murder ni Colt ang puso ko -este nasira ang bag ko dahil sa sinabi niya.

"Excuse me?! These are dazzling diamond crystal-embellished sneakers from Jimmy Choo! 'Wag mong tinatawag na rubber shoes 'to dahil mas mahal pa 'to sa'yo!" balik kong saad.

"Tangina! Gusto ko na umuwi," bulong na lang niya sa sarili

Napakamot si Shailyn sa ulo niya na agad kong hinampas dahil masisira ang ayos ng buhok niya. Jusko! Ang careless. Si Lorraine ay napahinga nang malalim habang pinagmamasdan ang suot niya. Ngayon lang ba sila nakasuot ng ganiyan?

Pumasok na kami sa loob ng Le Train Bleu dito sa Paris. We just have to deal with someone.

I purposely forced them to wear a good dress to slightly seduce someone, unintentionally and without the consent of my two girls. Err- walang alam ang dalawa rito at hindi ko sinabi. Dahil una't sa huli ay tatanggi agad sila. Sasabihin nila na tinatamad sila at marami silang gagawin.

Mamaya na lang ako hihingi nang sorry dahil sa hindi ko pagsabi. Anyway, nag-iinarte lang naman sila kahit na ilang beses na sila nakasuot ng dress sa mga missions nila. Konyatan ko 'tong mga 'to eh.

This is an unplanned mission so I wasn't able to inform them beforehand. May nasagap lang kasi ako na chismis kaya't agad ko sila hinatak at pinagbihis para makapunta agad dito.

"Asan na ba siya?" tanong ni Shailyn habang nililibot ang tingin.

Once again and again and again, I rolled my eyes.

"Gaga! May reservation tayo rito. Psh," singhal ko sa kaniya bago bumaling sa babaeng nakaabang sa pinto. "Charlette Reiss," sabi ko.

Agad niya kaming dinala sa table namin. See? Pangalan pa lang 'yan, napapasunod na agad sila. Iba talaga ang karisma ko!

"Bathroom lang ako, Charlette," paalam ni Lorraine.

Napahinto kami ni Shailyn at hinintay na bumalik si Lorry. Nakita ko pa ang isang lalake na papunta sa gawi namin.

Nang makabalik si Lorry nang nakangisi ay agad na kami dumeretso sa table.

Tatlong lalake na mukhang talampakan ang bumungad sa'min doon. Halos kaedaran lang at mukhang matatangkad, base sa postura ng legs. Nakaupo sila sa couch habang may wine sa lamesa.

"Miss Reiss, nice to finally meeting you." Tumayo ang lalakeng na sa gitna. Si Jonathan Cruz.

Binigyan ko siya nang isang pamatay na ngiti at inisang sulyap ang kamay na nakalahad sa harapan ko.

"Nice to meet you too. I don't do shake hands, just so you know. Anyway, let's start this dahil may mas importante pa akong gagawin mamaya."

Naupo na ako sa gitna which is katapat ni Jonathan. Pinagmamasdan ko sa peripheral vision ko ang dalawang gunggong na titig na titig kay Lorraine at Shailyn.

Echoes Of The UnknownWhere stories live. Discover now