EXPI FIVE: THE MAIN AGENDA

42 14 4
                                    

CLYDE RIVAS

Ilang minuto pa muna akong nakatunganga sa kawalan habang di pa nagsisink in sa utak ko ang nangyari. Hindi ko alam kung anong naging maling experiment at ginawa ko kagabi kung bakit tila pumalpak ito.

Hindi na ako nagtagal pa at nag umpisa na akong umayos at itatak sa utak ko na di ko na mababalik pa ang buhay  ng isang pumanaw  na gaya ng pagtanggap ko sa pagkawala ng pinakaminamahal ko.

I started to operate again and take out the brain from the young girl’s body. Binalik ko din sakanya yung brain na kinuha ko sakanya nong ineksperimentuhan ko siya.

Nilagay ko yung utak ni Amira sa isang glass dome at kinonektahan ng mga apparatus para mapreserve ko pa ng mas matagal yung utak niya. There will always be next time.

Napabuntonghininga nalang ako habang tinitingnan ko ang mga katawan ng dalawang babae sa harap ko na wala nang buhay. Ang isa ay katawan ng mahal ko at ang isa naman ay katawan ng taong nadamay lang sa pagnanais kong ibalik yung buhay ng mahal ko.

I wanted to give a proper burial for Amira and to the young girl’s body, di ko pa din alam kung anong gagawin ko sa katawan ng dalaga. Kung ilalapag ko lang siya basta basta sa kalye sa labas, people will know and see the stitches I made in her head. However, I am pretty sure na hinahanap na din siya ng parents niya ngayon although wala pang 24 hours mula nong nawala siya.

Napasabunot nalang ako kasi nasstress na ako sa kung anong gagawin ko. Di ko din naman pwedeng iwan nalang yung katawan niya dito sa lab ko. Hays, ano ba kasi tong gulong pinasok ko.

I will give Amira a proper burial on Sunday together with the young girl but I will keep it secretly with the young girl, no one should know.

For the meantime, nilagay ko muna yung mga katawan nila sa isang capsule para mapreserve at di mabulok dito sa lab.

Nang maayos ko na ang mga dapat ayusin at ligpitin sa lab ko. Lumabas na ako para maligo at maggayak kasi balak ko mag grocery para sa mga stocks ko dito sa bahay.

Napabuntonghininga na naman ako kasi naaalala ko na naman si Amira, palagi ko siyang sinasamahan dati maggrocery kahit gaano ako kabusy sa lab ko, ngayon ako nalang mag isa ang gumagawa.

Nakakapanibago parin  na wala siya dito sa bahay o ni anino niya man lang tho technically nasa laboratory ko siya. Namimiss ko na yung dati naming bonding kahit dito lang sa bahay, mga Netflix and chill or studying acads together. Hays. Iniisip ko nalang na may pinuntahang malayo si Amira at uuwi lang din siya, para makacope up ako sa nangyari at sa buhay ko. Mahirap mag move forward sa buhay kung siya na ang nagsisilbing buhay ko.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, umalis  nalang ako agad bago pa man ako magbreak down ulit.

Sobrang sariwa pa kasi ng mga nangyari. Nakakabigla. Hindi ako handa. Ilangaraw pa lang  ang nakalipas pero parang ilang taon na yung pangungulila ko.
I am driving to the mall kung saan ang grocery store, nong maipark ko na yung kotse ko tumungo na ako sa loob ng mall at dirediretsong tumungo sa grocery section kasi ayoko na muna alalahanin mga memories namin dito na magkasama. Halos sa apat na sulok ng mall nato nakikita ko ang nagkukulitan naming imahe na kahit kelan di na mauulit pa muli.

Instead of sulking in the corner, nag simula nalang ako mamili ng mga kakailanganin ko. Medyo konti lang din naman yung bibilhin ko since may ibang stocks pa sa bahay. Bumili  nalang ako ng mga canned goods, instant noodles, chips at mga beer in case. Habang namimili ako ng gulay, may napansin akong grupo ng mga dalagita na mukhang mga high schoolers pa lang na tumitingin sakin at sumusulyap habang nagbubulungan at  parang kinikilig. Di ko nalang pinansin kasi baka may namumukhaan lang sila sakin o may dumi sa mukha ko. Isa sa tatlong babae don ang  nakakuha ng atensyon ko. Mahaba buhok niya at nakatali ng half ponytail, maganda siya kung ako tatanungin. Pinagtuunan ko nalang ng pansin ang pagpili ng gulay sa may frozen section habang parang nagtutulukan yung mga babae don.

The Prober's Inamorata [On-hold]Where stories live. Discover now