EXPI TWO: THE NIGHTMARE

49 13 6
                                    

AMIRA LEWIS

Bugnot na bugnot ako habang naglalakad pauwi mula sa park kasi may usapan kami ni Clyde na date ngayon dahil Anniversary namin pero di niya ko sinipot.

Sabi niya hahabol siya kasi tinatapos niya pa yung case study daw na ginagawa niya.

Kakagaling ko lang sa Med School na pinapasukan ko nong tinawagan ko siya para sana iinform yung date sana namin.

Flashback

“Babeeee! Tapos na class ko. May binigay lang na seatwork kasi busy yung Professors namin. Wanna go on a date?” Bungad ko agad sa kanya.

“Ngayon na ba babe? May tinatapos pa kasi ako ngayon eh. Di ba pwedeng bukas nalang? Kakalabas lang din natin nong isang araw diba? Promise, babawi ako.” Sabi niya habang may nagkakalansing na mga glass sa background. Probably his test tubes and flasks.

“Babe naman, nakakalimutan mo ba kung anong meron ngayon?”

“No, Babe of course not. Hindi ko nakalimutan. Wait babe, I gotta go. Kita nalang tayo sa park mga 4:30 pm. Hahabol ako promise” Sabi niya na parang nagmamadali. Saka niya pinatay ang tawag.

Hays. Tiningnan ko ang oras sa relo ko. Kaka-2:30 pm pa lang. Hintayin ko nalang siya sa park na sinasabi niya. Di naman ganun kalayo, malapit lang sa school ko kaya nilakad ko nalang.

Hinihintay ko si Clyde habang kumakain ng dirty ice cream na binili ko dito sa park. Ang tagal naman niya. Pupunta pa kaya yun?

Nang maubos ko ang ice cream, kinuha ko nalang yung libro ko for Abnormal Psychology. I am Psychology major and I am taking my Doctorate’s degree na. While si Clyde, tapos na siya sa studies niya a year ago pa lang tho medyo matanda lang siya sakin ng 1 year.

Genius kasi eh kaya advance siya natapos. He is a Medical Laboratory Scientist. Kahit mas nauna siyang natapos kesa sakin. Wala akong naramdamang inggit o kung ano. I am very proud of him. And I love him that much.

Medyo dumidilim na pero wala parin kahit anino ni Clyde ang nagpakita sakin. I was expecting na kakain nalang kami sa labas kasi sabi niya 4:30 kami magkikita. Kala ko magdidinner kami pero wala parin siya.

Chineck ko ulit yung oras sa relo ko, 5:30 na pala. Wala parin siya. Iniisip ko nalang na baka busy lang siya kaya nalate at baka papunta na rin yun.

I decided to call him, di ko siya tinatawagan kanina kasi baka maistorbo ko siya at para rin matapos na niya agad kung anong ginagawa niya ng walang interruptions pero late na kasi siya ng isang oras kaya tatawagan ko na siya.

His phone is ringing but no one’s answering. Ilang missed calls na nagawa ko pero wala paring sumasagot.

I’ll wait until 6 pag wala parin siya uuwi na ako. Ganun kasi ako eh, I tend to put deadlines on things haha. Medyo dumidilim na kasi malapit na mag-6. Kumukonti na din ang mga tao sa park.

Ginala ko ang mga mata ko sa mga taong nag-aalisan habang nakaupo ako sa bench.
Habang ginagala ko ang aking mata, may nahagip akong kakaiba sa di kalayuan sa bench na inuupuan ko.

Behind a big tree, there are two eyes peaking and looking at me.

Natakot ako pero tinitigan ko ng mabuti kung sinong nakasilip at nagmamanman sakin. Pero di ko talaga maaninag gawa ng padilim na din at medyo madilim na talaga sa bandang yun. Di na ako nagdalawang isip at tumayo na ako at handa na umuwi.

End of Flashback

Halos patakbo kong nilandas ang daan papuntang sakayan. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng nakarating na ako at nakasakay na.

The Prober's Inamorata [On-hold]Where stories live. Discover now