EXPI NINE: THE MASK

28 6 3
                                    

HANICA CLIFFORD

Isang linggo na ang nakalipas mula nong naging prof namin sa science si Clyde … err Sir Clyde, nakakailang na tawagin siyang Sir knowing na kinausap at nilapitan ko siya sa bar nong unang pagkikita namin na parang casual lang at parang friends lang kami. It’s really awkward.

Sa loob ng isang linggo na yun, di niya naman ako gaanong pinapahiya kaso lang lagi niya ako tinatawag sa mga recitations nakakainis parang sinasadya niya pa. Buti nalang lagi ako prepared at nasasagot ko naman mga questions niya kaya medyo lang yung pressure.

Buti din di niya ako gaanong kinakausap at binubunyag tungkol don sa pagkikita namin sa bar nong gabing yun, like why would he even do that? Di naman ako closely attached sa kanya at walang namamagitan samin hays. Eto na naman ako binabara ang sarili.

“Heyyyy, earth to Hanica?” Kia snapped her fingers in front of my face habang nasa starbucks kami at nagchichill lang since Saturday at walang pasok.

“Sorry, may iniisip lang.”

“You were spacing out. What’s bothering you?” tanong din ni Chloe.

Si Alice naman ang wala ngayon kasi may errands pa daw siya na bigay ng Mommy Lola niya.

“Nothing, stressed lang sa acads.”

“Yeah, I totally get you. Ikaw ba naman walang mintis tawagin sa recitation natin tuwing Science period eh.” Natatawa tawa pang sabi ni Kia.

“Pinagtitripan niya yata ako o baka naghihiganti siya or something.”

“Girl, bakit naman siya maghihiganti sayo? May nagawa ka bang iba na hahantong sa ganun?” pang-iintriga ni Chloe

“OMG, don’t tell me you kissed him that night?”

“Hey, no! of course not. Bakit ko naman gagawin yun?”

“Yo, chill down. Masyado ka namang defensive.” Tatawa tawa pang asar ni Kia.
Hays minsan di ko talaga alam kung bakit o pano kami naging magkaibigan nitong mga to.

Habang napapailing ako sa mga pang-aasar nila. Nahagip ng mata ko si Sir Clyde na papasok sa loob ng starbucks at dumiretso sa counter.

Since medyo nakaharap ako sa counter at nakaharap sakin ang dalawa kong kaibigan. Napalingon din sila sa kung ano tinitingnan ko.

Bago ko pa sila mapigilan, nakita na nila kung sino tinitingnan ko.

Uyyy ikaw ah. Pasimple mo pang sinusulyapan si Sir.”

“Di mo man lang sinabi na andito din pala si Sir, kaya pala gusto mo magstarbucks kahit di ka mahilig sa kape.”

“Hoy, hindi ah! Sadyang stress lang talaga ako kaya parang feel ko magkape at tsaka di ko naman alam na andito siya o pupunta siya dito.”

“Aysusss defensive ka talaga”

Hindi ko nalang sila pinansin at ininom ko nalang yung drink ko. Alam ko kasi pag papatulan ko pa sila, mas lalo lang sila mang-aasar.

Nakita ko sa peripheral vision ko na papaalis na si Sir Clyde sa counter at mukhang papalabas na.

Muntik na ako huminga ng maluwag nang biglang tawagin siya ng mga taksil kong mga kaibigan.

Sinasamaan ko sila ng tingin pero ang mga gaga ayaw patinag at tinawag pa talaga.

Napadasal ako sa lahat ng santo na lamunin na sana ako ng lupa nong naglalakad palapit si Sir sa table namin.

The Prober's Inamorata [On-hold]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu