I sighed. Alam ni Jeremy ang tungkol sa nakaraan ko. Malapit na kaibigan siya sa akin at sa mga nakalipas na taon, siya lang ang palagi kong nakakausap bukod kay Nay Shirley.

"Hindi ko rin alam, Jeremy. Hindi ko kasi inaasahan na makikita ko pa siya matapos ang ilang taon. Kahit na nangungulila ako sa kaniya, hindi na rin ako umasa na magkukrus pa ang landas namin. Pero ang tadhana, nagsimula na namang maglaro."

"Halata sa mga mata mo na masaya kang nakita ulit siya. May nararamdaman ka pa sa kaniya?"

That's a heavy question, I admit. But so was easy to answer.

Malungkot akong ngumiti. "Hindi naman nawala."

Lumalim ang bawat titig ng kulay itim niyang mga mata sa akin. Ramdam kong may gusto siyang sabihin ngunit nagdadalawang isip pa.

"Basta, Isha, huwag ka nang papayag na masaktan ulit. Huwag mo ipilit makisama sa mga taong ayaw sa'yo. Nariyan naman ang anak mo at si Nay Shirley. Nandito rin ako bilang k-kaibigan mo."

Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya. "Kung magsalita ka naman ay akala mong makikipagbalikan pa ako sa kaniya. Kahit mahal ko pa siya, kuntento na ako sa buhay ko rito kasama ang anak ko."

Isa pa, malabong magkabalikan kami dahil hindi ba at matindi nga ang galit niya sa akin? Naiintindihan ko naman 'yon. I would truly understand if he won't be able to forgive me even after all those years. May mga taong... matindi kung magtanim ng sama ng loob.

Isa si Nero doon.

"Kung ganoon ang iniasta niya matapos niya makita si Skyler, maaaring wala pa siyang alam, Isha. May posibilidad na hindi sinabi ng kapatid niya."

Umiling ako sa sinabi ni Nay Shirley. Nasa terasa kami habang si Skyler ay pinatulog ko na muna.

"Hindi ko na po alam ang dapat isipin, Nay. Inaasahan ko na po na hindi sasabihin ni Ania ang tungkol sa pagbubuntis ko noon. Hindi ko rin po siya masisisi dahil alam naman po natin kung gaano katindi ang galit sa akin ng mga Monasterio." sabi ko habang nasa kawalan ang tingin.

"Paano na ngayon iyan? Nakita niya ang bata at nasisiguro na iisipin niyang kaniya ang bata. Aba'y pinagbiyak na bunga ang dalawa—"

"Sa tingin ko po ay hindi iisipin ni Nero na kaniya ang bata dahil... nakita niya si Jeremy na hawak si Skyler. Maaarin niyang isipin na hindi sa kaniya ang bata kahit pa magkamukha sila."

"Malabo iyang iniisip mo, Isha. Kilala mo si Nero at alam mong malakas ang pakiramdam noon. Baka sa mga oras na ito ay nag-iisip na 'yon ng paraan para makausap ka. At huwag kang magkakamali na gumamit ng ibang tao para lang itago ang tungkol sa anak mo, Isha. Hindi maganda 'yan. Mabait na bata si Jeremy."

Wala naman akong balak na gamitin ni Jeremy. Ang sa akin lang ay mabuti na lang rin at nakita ni Nero si Skyler at Jeremy. Baka nga sakaling isipin niya na ito ang ama ng bata.

Nagsabi si Nay Shirley na siya na muna ang bahalang magtinda sa pwesto. Parang noon lang sa Santa Fe, kapag alam niyang may mali sa akin... pinagpapahinga niya muna ako.

Pagkapasok sa loob ng kwarto ay nahiga ako. Hanggang ngayon a ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko kahit pa may ilang oras na ang nakalipas simula ng aksidente kaming magkita.

Nakatitig sa kisame, bumalik sa ala-ala ko ang magandang mukha ni Gwyneth.

"Baka lumipat na rin kami ng probinsya pang samantala kasi aayusin daw ni Papa 'yung lupain na naiwan ni Lolo Esmer doon. Doon na rin ata ako mag-aaral."

Ngumuso ako habang naglalakad kami sa malawak na field sa university namin. Makulimlim na dahil papalubog na rin ang araw. We were both hugging our books while bags on our back. This is the usual routine for the both of us and I would never complain. Kahit siguro habang buhay kami maglakad na magkasama, ayos lang sa akin.

Unfortunately, that won't be the case for the two of us now.

"May communication pa rin naman tayo kahit doon ka na mag-aral, hindi ba? Saka baka magbago pa ang isip ni Tita Naida." tukoy ko sa Mommy niya.

"I'm not really sure. Pero kung sakali man na doon na kami manirahan sa probinsya na 'yon, hindi naman ako makakalimot na kontakin ka."

Bumuntonghininga ako at nilingon ang kaibigan. She was staring ahead us, her brown mermaid curl hair was being blown by the wind.

Gwyneth is really pretty. Hindi na nakakapagtaka na karamihan sa mga estudyante sa university namin ay may gusto sa kaniya. Even the senior college students are into her.

"Where's that province by the way?" I asked.

She chuckled and glanced at me. "Bakit? Dadalawin mo ba ako?"

Maging ako ay natawa rin sa pagbibiro niya.

"Malay mo mapadpad ako kung saan man 'yon."

"Well, I heard from Mommy that it's somewhere in Nueva Vizcaya, Visha." she answered and shrugged her shoulders. "Santa Fe to be specific."

My lips pursed when I remembered those exact conversation between Gwyneth and I many years ago. Kumuyom ang mga kamao ko na nasa ibabaw ng aking tiyan kasabay nang mabilis na pagtaas baba ng aking dibdib.

"Gwyneth... Santa Fe..." I whispered those words as my heart keeps on beating loudly against my chest. "N-Nero."

We're now on Kabanata 65 on Facebook VIP Group. To read the advance chapters, you can slide me a message on Warranj Monasterio. Thank you!

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon