9

2.5K 88 2
                                    

11 years ago...

Masayang naglalaro ang siyam na taong gulang na si Azrael sa kanilang bakuran ng may pumarada na isang mamahaling sasakyan sa tapat ng kanilang gate. Agad napasimabgot ang kanyang mukha ng makilala nito ang mga taong lulan nito.

Wala siyang sama ng loob sa mag-asawang malawak ang mga ngiting nakatingin sa kanya kundi sa anak na lalaki ng mga ito. Kahit na anong pagkadisgusto nya rito ay pinilit parin nyang gantihan ng ngiti ang dalawang nakakatanda ng lumapit ang mga ito sa kanya.

" Hi... Hija. " Bungad na bati ng ginang ng salubungin nya ang mga ito.

" Hello po, Tita Trisha. "

" Your parents ? " Tanong ng asawa nito na kahit nakangiti ay halata parin ang pagkaseryoso.

" Nasa loob po sila. " Kiming sagot ng batang Azrael at pasimpleng inirapan ang batang lalaki na nakangisi sa kanya. " Tara po sa loob."

Nagpatiunang naglakad ang batang habang tahimik na nakasunod sa kanya ang mga bisita ng magulang nya.

" Mama... Papa."  Napalingon sa batang babae ang mag-asawang nanunuod ng tv sa kanilang salas. "Sila tito Laurent po."

Napatayo ang dalawa at sinalubong ng ngiti ang kanilang bisita at masayang nagkipagkamustahan sa mga ito.

" How's Loraine, is she getting better?" Tanong ni Israel, ang tatay ni Azrael kay Laurent.

Masuyong hinawakan ni Mrs. Anderson ang kamay ng asawa ng bumaling ito ng tingin sa kanya.

Marahang umiling ito bago magsalita.

" That's the reason why we're here... to discuss her case. She's getting worse, Israel and it's getting out of hand. Nagbabakasakali kami na baka matulungan mo kami."

" Where is she now? " Tanong ni Belle na galing kusina na may dalang meryenda katulong si Azrael. Naupo narin ito pagkatapos ilapag sa center table ang mga dala.

" In her way here. " Tipid na sagot ni Laurent.

Maya-maya pa'y tunog ng doorbell ang nagpatigil sa kanilang pagku-kwentuhan.

" I guess that's her. " Bumaling si Bell sa anak at masuyo nya itong nginitian at bahagyang hinaplos ang buhok.
" Pwede bang ikaw ang sumundo sa kanya sa gate, Elle? "

Tumango lang si Azrael at sumunod sa pakiusap ng ina.

Isang katangkarang dalaga ang bumungad sa kanya ng buksan nya ang gate. Malamig ang mga mata nito at tila walang buhay pero hindi nakakabawas sa ganda nitong taglay. Sa mura nyang isipan ay doon umusbong ang una niyang paghanga. Sa tantya nya dito ay marahil nasa edad desi-otso ito o kaya ay mas bata pa.

" Ahmm kayo po ba si ate Loraine? " pinasadahan sya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Azrael dahil sa paraan ng tingin nito sa kanya.

" Yes. My parents... Where are they?" Kung malamig ang mga mata nito ay ganundin ang boses nitong taglay, nakakapangilabot.

" N- nasa loob po sila. Kasama po sila Mama at Papa. "
Nanatili pa din syang nakayuko dahil sa hindi nya kayang salubungin ang mata nito.

Bahagyang umangat ang sulok ng labi ng dalaga at yumuko para magpantay silang dalawa. Masuyo nitong hinawakan ang kanyang baba at sinalubong ang kanyang tingin.

Matamis itong ngumiti sa kanya na syang nagpainit sa kanyang mukha. Totoo nga ang sabi ng iba nyang kalaro na kapag nagkagusto ka sa isang tao ay mag iiba ang pintig ng iyong puso.

"Let's go? " Tanong nito sa kanya habang  inipit nito ang ilang hibla ng kanyang buhok sa gilid ng kanyang tenga. " Finally, i found you..." May kung anong kislap ang gumuhit sa malamig nitong mata.

" No! Are you out of your mind?! She's just a kid for Pete's sake! " Dumagundong ang boses ni Mr. Anderson sa loob ng office nito.

" I don't care. Now that I finally found the meaning of my existence... No one can take her away from me. " Balewalang sagot ni Loraine sa kanyang ama at walang pasabing umalis ito ng silid.

Nasa loob sya ng sasakyan ng may tumawag sa kanyang telepono. Agad nya itong sinagot ng makita ang caller id.

" Yes? Samantha?" Nag-umpisa na sya pagmamaneho kaya nilagay nya loudspeaker ang tawag.

" Where are you? We're already here ikaw nalang ang kulang. Tuloy pa ba ang plano?" Nahimigan nya ang pagkainip nito na syang nagpaikot sa kanyang mata.

" Of course. I'll be there in a minute. Just keep an eye on her. " Hindi na nya ito hinintay pang sumagot at pinutol na nya ang tawag.

Ipinarada nya ang sasakyan sa isang lumang bahay na napapalibutan ng matataas na damo at puno.

" Finally... " Salubong sa kanya ng isang lalaki na galing sa loob ng bahay at may malaki itong ngisi sa labi.

" Octane... Where is she? "

Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay naglakad ito pabalik sa loob at sinenyasan syang sumunod.

Agad nandilim ang kanyang mukha ng makita ang batang babae na nakapiring at may tali ang mga kamay at paa. Nilapitan nya ito ang siniyasat ang buong katawan habang pinapanuod sya ng tinawag nyang Octane.

Walang pasabing inilabas nya ang nakatagong baril sa kanyang bewang at balewalang itinutok sa lalaki. Nanlalaki ang matang itinaas nito ang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko.

"T-teka lang naman. A-anong problema?!" Hindi sya kumibo at pinaputok ang baril sa paanan nito.

Tila tinakasan ng dugo ang lalaki at nanghihinang napaupo habang nanginginig ang katawang nakatingin sa kanya.

Iyak at sigaw ang bumalot sa buong lugar na syang nagpabalik sa kanyang ulirat.

" Shhhh baby... It's okay. I'm here. " Tinanggal niya ang pagkakapiring nito at ngumiti dito ng matamis.

" A-ate L-loraine?..." Nangingilid ang luhang tanong ng bata sa kanya.

Tumango sya dito at niyakap ng mahigpit habang hinahaplos ang buhok nito. " Everything will be alright. Trust me." Ramdam nya ang pagtango nito.

Binuhat nya ito at dinala sa kanyang sasakyan.

Lingid sa kanyang kaalaman ay may pares ng mata ang nanunuod sa kanila.











Obsessed With My Brother's Best friend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon