8

2.6K 102 5
                                    

Azrael

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong para akong dinuduyan. Pilit kong iminulat ang aking mga mata ngunit kaagad ko ding itong ipinikit ng tumama sa akin ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa bintana.

Napakunot ang aking noo ng maalalang walang bintana na katapat ang aking kama.

Sapo ang ulong nagbangon ako. Pinagmasdan ko ang aking paligid at napagtantong wala ako sa aking apartment. Napabalikwas ako ng tayo at nagtatakbo papalapit sa bintana . Nilukob ako ng matinding kaba ng tanging malawak na dagat ang bumungad sa akin.

Inalala ko lahat ng nangyari mula sa school hanggang sa papauwi ako galing trabaho.

Nanlalaki ang mga mata at napaupo ako sa tabi ng kamang tinulugan ko ng magsink- in lahat.

Someone kidnapped me!

Flashback

" Anong nangyare sayo? " Tanong ko kay Troy ng makita ang nakabenda nitong braso.

" Ah wala toh. Nasabit lang sa kung saan. Hindi naman malalim." Nakangiti ito at parang wala lang sa kanya.

" Anong sabi nila Tita? "

" Hindi nila alam. At wala din akong balak na ipaalam sa kanila. I'm not a kid anymore. And also they're are not here."

Napangiti ako sa sinabi nya. Napa unusual kung mamoblema ito sa maliit na sugat na nakuha nya.

Ilang araw din itong nawala at ganundin ang kapatid nito.

" How about your sister? " Kinakabahan man ay pilit kong ipinormal ang aking boses.

" What about her? " Nakakunot ang noong baling nito sa akin.

" I-- ahmm she's not attending in our class. Did something happen? "

" Oh! Yeah right. She's not a professor anymore. Nag-resign na sya. "

Sabi nito at tila malalim ang iniisip.

" Bakit naman? Ilang buwan palang syang nagtuturo di ba? "

Napabuga ito ng hangin at muli akong binalingan ng tingin.

" Marami syang kailangan na tapusin."

" Ah. " Tila naubusan ng letra ang aking isip at pinili na lang manahimik.

" Bakit? Are you going to miss her? " May panunudyo sa boses nito na syang ikinapula ng aking mukha.

" H- hindi ah! Napaka sungit ng ate mo. Pero magaling syang professor, hindi ko itatanggi yun."

Mas lalong nag- init ang mukha ko ng tiningnan nya ako ng nakakaloko.

" Don't you worry. I'm sure she's going to miss you too. " At pabirong ginulo ang aking buhok.

Dahil sa inis ay napalo ko ito sa kasamaang palad ay sa may sugat ito tumama.

Impit na sigaw ang pinakawalan nya kaya taranta ko itong dinaluhan.

" Shit! I'm sorry, Troy. "

" Grabe huh! Sa may sugat pa talaga. But it's okay... Wala lang toh kumpara sa lahat. "

May kung anong emosyong dumaan sa  mga mata nito ngunit saglit lang iyon. Nakangiti itong tumingin sakin.

" You know that everything that I will do is for your own good, right?" Tumango ako dito kahit naguguluhan.
" Please, forgive me if you'll get hurt in the process. But always remember that I'll going to protect you, in anyways."

Binigyan nya ako ng masuyong halik sa ulo bago umalis. Gustuhin ko man syang tanungin ay hindi ko magawa.
Kaya nagkasya na lamang akong panuurin ang pag-alis nito.

Hanggang matapos ang shift ko sa store ay hindi parin naalis sa aking isip ang mga pinagsasabi ni Troy. Kaya hindi ko napansin ang paghinto ng isang sasakyan sa tabi ko.

Isang matangkad na lalaki ang lumabas duon at mabilis na lumapit sa akin. Hindi pa man ako nakakarecover sa gulat ng bigla nya akong takpan ng panyo sa ilong. Pilit kong manlaban subalit sadyang malakas ang lalaki.

Bago pa man sakupin ng dilim ang aking diwa ay isang babae ang lumabas sa kotse...

Miss Samantha?

Hindi ako pwedeng magkamali kahit isang beses ko palang sya nakita ay namukhaan ko sya.

Anong kailangan nya sa akin?

Wala namang tutubos sa akin dahil kahit bali-baligtarin nila ang apartment ko wala silang makukuhang pera sa akin at alam kong mayaman din ito katulad ng mga Anderson. Pero bakit?

" I'm glad you're awake now."

Natigil ang pag-iisip ko ng may magsalita sa may pintuan. Ganun ba talaga kalalim ang pagiisip ko kaya hindi ko namalayang may pumasok na sa kwartong ito?

Naghalo halong emosyon ang bumalot sa akin nang makita ang taong hindi ko inaaasahang makita sa ganitong sitwasyon.

How come? Bakit sya nandito?

"Y-you? Pa-paano?"

Walang gana ako nitong tiningnan at sumandal sa hamba ng pinto bago ipinagkrus ang mga braso sa bandang dibdib nya.

" Let's go. The food's waiting."

Tiningnan ko lang sya dahil wala akong balak na sumunod sa mga sinasabi nya hanggat hindi nya ipinapaliwanag sa akin ang mga nangyayare.

Pigil ang inis na lumapit ito sa akin at tumayo sa harapan ko. Napatingala ako sa kanya at ramdam ko ang madilim nitong aura na tila gustong lumabas sa kanyang katawan.

" Anong kailangan mo sa akin? Bakit nandito ako? "

Kahit kinakabahan ay pinatatag ko ang aking boses.

Umangat ang sulok ng labi nito na mas lalong nagpalitaw sa kanyang kagandahan.

Agad kong iniwaksi ang paghangang naramdaman ko para dito dahil una palang ay kailangan kong malaman kung anong balak nya sa akin.

" It's so simple.  You're my cure. "

Yumuko ito at pinatakan ng magaang halik ang aking labi.


Obsessed With My Brother's Best friend Where stories live. Discover now