2

3.6K 119 7
                                    

Azrael

Mag-isa at tahimik akong kumakain sa isang table dito sa loob ng cafeteria nang biglang may umakbay sa akin. Gustuhin ko mang bigwasan ay hindi ko magawa dahil nakilala ko kaagad ang pabango nito.

" What do you want this time?"

Tanong ko dito nang umupo ito sa katabi kong silya at nanghalumbaba at pinagmasdan ako habang kumakain.

Napapalatak nalang ako at hindi pinansin ang tingin nito.

" I just want to see you. " Malaking ngiti nito at saka inabot ang bote ng coke ko bago uminom dito.

" Nakita mo na ako, maaari ka nang umalis. " Malamig na saad ko at  ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. Wala akong pakealam kung ubusin nya ang inumin ko bastat papalitan nya iyon ng bago.

" Why so grumpy? "

Pabiro pa nitong ginulo ang buhok ko na agad kong pinalis.

" Stop it, Troy! "

Suway ko sa kanya at sinamaan sya ng tingin.

Natawa lamang ito ng malakas na syang ikinalingon ng ibang kumakain.
Nagsimula naring nagbulungan ang mga ito kaya nagtungo nalang ako ng ulo.

He's popular in this school. Bukod sa varsity player ng men's basketball team ay hindi rin maipagkakaila na may angking kagwapuhan ito at may pagka-friendly.

" Ano ba kasing kailangan mo? "

He cleared his throat before he speaks.

" Ahmm i just want to invite you sa bahay. Family dinner parang pa-welcome home dinner para kay Ate Loraine. At sinabihan din ako nila dad na papuntahin ka. "

Napaisip ako sa sinabi nya. Alam kong may ate sya na nasa ibang bansa dahil malimit nya itong maikwento sa akin. Sa totoo lang dun palang sa bawat kwento nya ay parang naging crush ko na ang ate nito pero ni minsan ay wala itong naipakitang picture sa akin.

Yung tungkol naman sa mga magulang nya ay kilala na ako ng mga ito. Malimit din kase akong mapagawi sa kanila para sa ilang school projects na pinagtutulungan namin. Sila din ang may- ari ng convenience store na pinagtatrabahuhan ko at isa rin sila sa mga stock holders ng school na ito.

" Okay. " Tipid na sagot ko at marahan pang tumango. Tila naman nagliwanag ang mukha nito sa aking sagot at agad akong niyakap ng mahigpit.

" Uyy! Ano ba?! Bitaw nga! " Pilit kong inilalayo ito sa aking katawan ngunit daig pa nito ang tuko kung makakapit.

" Tekk! Naman Troy! Layo sabi! Isa! " Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko dahil sa hiya at inis.

Nang marinig nyang nagbilang na ako ay dali-dali itong kumalas at nagtatakbo palayo. Huminto din ito pagkuwan at pumunta sa counter at may sinabi sa nagbabantay duon. Kita ko kung paano tumango ang kausap nya habang itinuturo ang pwesto ko.

Nang papalabas na sya ay bigla itong sumigaw. " Kita tayo sa Saturday, sunduin kita sa apartment mo!." Malaki ang ngiti nito sa akin bago nag-flying kiss na tinaasan ko lang ng kamao at kilay.

Hindi nagtagal ay dumating ung kausap nya kanina dala ang bagong coke at cheesecake na binili nya para sakin kapalit ng inubos nyang coke.

TAPOS ang maghapong schedule ko sa school kaya nandito ulit ako sa likod ng counter at naghihintay ng mga darating na customer.

Kagaya ng mga nagdaang shift ko ay inip na inip kong pinagmasdan ang orasan. Pagod ako sa totoo lang pero hindi naman ako pwede um-absent nakakahiya sa parents ni Troy.

Ilang minuto nalang at malapit nading matapos ng shift ko ay muling bumukas ang pinto indikasyong may pumasok. Nag-angat ako ng tingin dito at ganun nalang ulit ang kaba ko ng malamig na pares ng mga mata ang bumungad sa akin. Kagaya kagabi ay naka sports wear ulit ito ngunit naka- messy bun ang blonde nitong buhok.

Kinuha ko ang pinamili nito at inilagay sa supot at nag-abot ng nagkakahalagang 474 sa kanya. Natanong ko din kase kung bumalik ito para sa kanyang sukli ngunit hindi naman kaya ibabalik ko na sa kanya.

Nakakunot ang nuong tiningnan nya ako.

"What's this? " Malamig pa sa aircon na tanong nito. Kahit na may kung anong kilabot ang bumalot sa aking katawan ay pilit ko pading pina- tatag ang aking boses.

" Your change, ma'am. " I answered after swallowing the lump in my throat.

" But I haven't paid you yet. " Mas lalong kumunot ang noo nito.

" Naiwan mo po yung sukli mo kagabi. Ibinawas ko dun yung bayad para sa binili mo ngayon. " Kinakabahang paliwanag ko sa kanya.

" Tss. Whatever. " Kinuha nito ang kanyang pinamili at tumalikod na. Iniwan nya ulit ung sukli kaya hinabol ko ito. Buti nalang at kaagad ko itong nahabol.

" Miss,! Wait-teka lang. "

Huminto ito at malamig na tumingin sa akin. Magkasalubong pa din ang kilay nito.

" What?! "

" Yung sukli mo po." Inabot  ko sa kanya yung pera na tiningnan lang nya bago muling ibinalik sa akin ang kanyang tingin.

" Keep it."

"H-huh? " Ako naman ang kumunot ang noo.

Napapalatak ito bago muling nagsalit na sana hindi nya ipinarinig sa akin.

"Stupid!"

Muli itong naglakad papalayo habang naiwan akong naguguluhan at pabalik balik ang tingin ko sa hawak kong pera at sa kanyang likod. Wala sa sariling napakamot nalang ako sa aking sintido at naglakad pabalik sa loob ng store.

Unbelievable!






Obsessed With My Brother's Best friend Where stories live. Discover now