3

3K 121 5
                                    


Azrael


" Kamusta ang school, hija? Balita ko... you're always on the top. "

Nakangiting tanong ni Mrs. Anderson habang nakaupo kami sa kanilang salas. Hindi pa kase dumadating ang dahilan kung bakit may kunting salo-salo. Mabuti nalang at nagmeryenda muna kaming dalawa ni Troy bago magderetso dito sa kanila.

Halos umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha dahil sa sinabi nito.

" Okay naman po, Mrs. Anderson. "

" Yung trabaho sa store, okay naman ba? "

Napatango ako dito at sinuklian naman nya ng ngiti.

" Mabuti kung ganun. Kase kapag nagkaroon ng problema sa pag-aaral mo ay mapipilitan akong alisin ka sa trabaho para sa school ka nalang naka focus. Ako na ang bahala sa lahat ng mga expenses mo." Seryosong saad naman ni Mr. Anderson.

Nakakaunawang tumango ako dito. Yun kase ang kasunduan namin. Papayagan nila akong magtrabaho habang nag-aaral kung mapapanatili kong matataas ang aking mga grades na sa awa ng Dyos ay nami- maintain ko.

" Dad, please wag mo namang takutin si Elle. Baka hindi na yan magpakita sa inyo. " Pagbibiro ni Troy na syang katabi ko sa sofang kinauupuan ko.

Mula sa akin ay nabaling ang kanilang atensyon dito.

" How about you, Troy. Kelan mo ba liligawan itong si Elle? Baka maunahan ka kung babagal-bagal ka." Pilyang tanong ng Mommy nito na syang ikinapula ng mukha ng aking katabi.

" Mom! You know that we're just best friends. Right, Elle? "

May kung anong emosyong gumuhit sa mga mata nito na kaagad din nyang itinago ng akin itong lingunin.

" Yes po. Ayaw ko pa rin pong pumasok sa isang relasyon. Study po muna. "

Napangiti ulit ang ginang at tila satisfied ito sa aking sagot.

Mataman lang na nakatingin sa amin ang Daddy ni Troy nang biglang may sumigaw mula sa pintuan na syang dahilan para mabaling ang atensyon namin duon.

" Oh my gosh! Is that you, baby Elle?! "

Napatayo ako bigla ng makilala ko ang boses na iyon. It's ate Bianca, sya ang pinaka-ka close ko sa mga pinsan ni Troy. She's very sweet and napaka- caring din nya.

Mabilis itong lumakad papalapit sa amin at agad akong niyakap ng mahigpit.

" Ate Bianca. " Bati ko sa kanya ng kumalas sya sa pagkakayakap sa akin.

" Gosh. Lalo kang gumaganda sa paningin ko. " Malawak ang ngiti nito sa akin at tila giliw na giliw nang makita ako.

" Ikaw din ate, mas lalo kang gumaganda at sume- sexy. "

" Ay bet! Kaya gustung-gusto kita eh... Pakiss nga." Mabilis ako nitong dinampian ng halik sa gilid ng labi na syang ikinagulat ko. Ngunit tuwang tuwa pa ito sa naging reaksyon ko.

" I really love you, being too innocent, baby Elle. " At bahagya pa nitong pinisil ang magkabila kong pisngi na ikinangiwi ko.

Isang tikhim ang nagpahiwalay sa akin kay ate Bianca at tumingin mula sa pinanggalingan nito. Hindi ko alam na may kasama pala sya dahil halos sa kanya ko na naibaling ang atensyon ko.

Ang tuwang naramdaman ko kanina ay napilitan ng kaba at samu't saring emosyon ng magtama na naman ang aming mga mata. Kung nung una naming pagkikita ay malamig ang mga iyon ngayon ay tila bagyo itong handang maghasik ng lagim sa sobrang dilim.

Tiim-bagang pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa pamamaraan ng pagtingin nito.

Okay naman ang damit ko. Simpleng above the knee na floral dress ang suot ko na pinarisan ng beige color sandals. Nakailang ulit din akong tanong kay Troy kung ayos lang ang damit ko na sinagot nyang, " okay na okay".

" Let's eat already, I'm tired. I want to rest early. " Malamig na turan nito bago nagpatiunang maglakad papuntang dining room.

Hindi agad nagsink in sa aking utak ang mga nangyayare.

Ang babaeng maganda ngunit ma- attitude na laging iniiwan ang kanyang sukli at ang ateng sinasabi sa akin ni Troy ay iisa.

Kung hindi pa ako hinila ni Troy ay baka hanggang ngayon ay nakatayo ako sa gitna ng kanilang sala.

" SO ATE... Kelan ka magsisimulang magturo sa university? " pangbabasag ni Troy sa katahimikan.

" Monday. " Tipid na sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain.

" Bakit pa kase mas pinili mong magturo kesa maging member ng board of directors, couz? " Tanong ni ate Bianca dito habang patuloy sa paglalagay ng kung anu-anong pagkain sa plato ko.

Sa totoo lang hindi ko malasahan ang mga nakahandang pagkain. Parang namanhid ang dila ko at ayaw ding makipagtulungan ng aking utak.

" I just want to. " Dun lang ito nag-angat ng tingin at saka ako tinaasan ng kilay ng nahuli nya akong nakatingin sa kanya kaya agad kong ibinaba ang aking tingin sa platong puno ng pagkain.

" Ah Elle, hija? " Muli akong napaangat ng tingin at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Mrs. Anderson ganundin ang ibang kasama namin sa lamesa ngunit hindi kabilang ang babaeng nasa harapan ko kase walang emosyon itong nakatingin sa akin.

" P- po? "

" Are you okay? Hindi mo ba gusto yung pagkain? "

" Po? Ahmm okay lang po ako. Masarap po yung pagkain. " tarantang sagot ko dito.

" Really, baby Elle mukhang hindi mo pa nababawasan yung pagkain mo oh. Look." Halata din sa mukha ni ate Bianca ang pag-aalala.

" Paano naman hindi mauubos yung nasa plato ni Elle, ate... Lagay ka kase ng lagay. " Natatawang salo sa akin ni Troy na lubos kong ipinagpasalamat at kumindat pa ito sa akin. Gustuhin ko man itong tarayan ay hindi ko magawa dahil sa pagligtas nito sa akin ngayon.

" Opsss, sorry baby Elle. My bad." Nakangiwing sabi nito na ikinatawa lang ng aming kasama.

" Okay lang, ate."

"Tssk , stupid! " Mahinang bigkas ng nasa harapan ko at pasimpleng inirapan ako.

Stupid na naman

Nakakailan na ito ah.















Obsessed With My Brother's Best friend Where stories live. Discover now