Kabanata 50

11.5K 268 12
                                    


"I thought you forgot about your husband."

Parang tinambol ng malakas ang puso ko pagkarinig ko sa boses niya.

"Akala ko 'di mo na ako uuwiin."

"D-Diego..." Napalunok ako.

"I wanna punish you for hurting me this much, Selena. You let him hold you. You let him open the door for you. You let him treat you for a dinner."

Napasinghap ako sa narinig ko. He was there? He saw everything? Nasapo ko ang bibig ko. Hindi ko na kinaya at papailawin ko na sana ang ilaw ng maunahan niya ako at umilaw ang buong condo.

Napasinghap ako ng makita ang kabuuan. Hindi ilaw na ginagamit namin ang umilaw kundi iba't-ibang kulay ng ilaw na nagkalat sa buong condo. Ang daming series lights na nagkalat sa dingding, sa sahig, sa sofa.

My condo looks like a beautiful scenery dahil sa kumukutitap na mga ilaw na iba't-iba ang color. And then my eyes was fixed in the table near the veranda. It was beautifully arranged. Ang veranda ay pinapalibutan rin ng iba't-ibang kulay at may pagkain na. May dalawang upuan.

Sa sala naman ay nawala na ang center table, ang natira ay isang carpet na maraming unan at isang comforter. May malaking tv sa harapan nito. It is now a movie place. Kahit walang ilaw, kita ko lahat dahil sa mga series lights.

The whole condo is clean and neat. Ang mga natira ay ang mga series lights na talaga namang ang ganda. Nagmukhang movie room na pinagplanuhan talaga.

I cannot explain what I am feeling right now. Naiiyak ako na nangingiti.

"I guess this is all useless anymore since you have already enjoyed eating outside with your lover."

And my eyes settled on the most handsome I knew. He was standing right next to the door of my room.

"D-Diego..." Binitawan ko ang bag ko at tinakbo ang distansiya naming dalawa.

I hugged him. So tight. I cried into his chest when I realized how stupid I am. I know in myself I am married but I still said yes to Sir Xeus' invitation. I felt so guilty.

"Sorry. Sorry. Sorry, Diego."

"Akala ko buong gabi kayong magkasama at maghihintay ako rito." Humalakhak siya ng pilit.

"N-No. N-No, I don't like him if that is what you're thinking."

"I endured the whole day on not texting and calling you because I want to surprise you since hindi natuloy ang natin. Pero ako ang ginulat mo ng makitang magkahawak kamay pa talaga kayong lumabas ng campus. Magkahawak kamay ulit habang papasok sa restaurant."

Lumayo ako ng bahagya sa kaniya at tumingkayad para mahalikan siya ng mabilis.

"I don't like him. It's only you, Diego. Sumama lang ako sa kaniya kasi kaibigan ko siya—"

"Pero hindi 'yon ang tingin niya sa 'yo, Selena."

"I know. I know." Ayoko mag-assume pero ramdam ko naman at ayokong mag bulag-bulagan.

"Alam mo naman pala then bakit ka sumama? You are giving him hopes na pwede kayo!"

Hindi ako umimik at yumuko na lang.

"I don't know if you're just innocent or you are just acting like you are. Matanda ka na, Selena. You know what is right from wrong. You should know na kapag sumama ka sa kaniya, aasa siya. Men are men, Selena. They will hope if you give them something to hold on to. Kahit pinakamaliit pa 'yan na bagay."

"D-Dinner lang naman 'yon."

"And this is not just about him, Selena. This is also about us. Tama bang sumama ka sa kaniya kahit may asawa ka?"

Her Ruthless HusbandWhere stories live. Discover now