Kabanata 45

12.5K 235 10
                                    

Hindi pa ako tapos umiyak sa ilalim ng shower nang marinig ko ang boses ni Diego.

"Selena!"

Mabilis kong naramdaman ang mga braso niya na pumalibot sa katawan ko.

"Hey, what happened to you. Come on, stand up."

Umiling ako at nanatiling nakayuko.

"Hayaan mo muna ako, Diego. Naliligo ako."

"Don't give me that excuse. Come on, tumayo ka na." Hinawakan niya ang likod ko at pinipilit akong itinayo. "Wife, come on."

"Kaya ko na, Diego. Lumabas ka na." Nagtaas ako ng tingin sa kaniya at basang-basa na rin siya.

"Tumayo ka na," marahan ngunit mariin niyang sabi.

"Hayaan mo muna ako. Gusto ko mapag-isa."

"At sa ilalim ng shower mo napiling mapag-isa? Gusto mong giniginaw habang mag-isa ka? Bibigyan naman kita ng panahon na mapag-isa, huwag lang dito sa ilalim ng shower."

Napailing ako. May isa pa palang bagay ang hindi nagbago sa lalaking 'to. At 'yon ay ipaglalaban niya ang gusto niya.

Tumayo na ako at gano'n rin siya. Inalalayan niya ako palabas ng shower pero pinatay niya muna ang shower.

Kahit basa siya ay ako ang inuna niyang bigyan ng towel. Inasikaso niya ako. Siya ang kumuha ng mga damit ko, pati na rin undies. Pinagbihis niya ako.

Pagkatapos ko sa lahat ay siya naman. Mas mabilis siya sa 'kin nagbihis dahil mukhang nagmamadali naman talaga siya sa kilos niya.

Nakaupo ako sa gilid ng kama at tinutuyo ang buhok ko. Nang lumabas siya ay dumiretso siya sa 'kin at kinuha ang towel sa kamay ko.

"Ako na. Turn around."

Hindi na ako umimik at tumalikod lang rin. Sinimulan na niyang patuyuin ang buhok ko.

"Is it okay like this? Or this is rough?"

"Ha?" takang tanong ko.

"I am asking kung okay lang ba 'tong pagpapatuyo ko sa buhok mo o rough?"

"Ah. Hindi naman. Ang suyo nga." Tumawa ako ng mahina.

Hindi ko na siya narinig pang magsalita at patuloy lang sa pagpapatuyo sa buhok ko.

"You can use a blower, Diego," suhestiyon ko.

"No. I better do this. I like it like this."

Wala na akong sinabi. May paninindigan siya. Huwag nang pilitin. Pagkatapos ng mahabang panahon na ginugol niya para sa pagpapatuyo ng buhok ko na may kasama pang humming ay natapos na rin.

"Done."

Tumango ako at humarap na sa kaniya. Kukunin ko na sana ang towel nang iniwas niya ito at inilagay sa gilid.

"Magpahinga ka na muna. Gusto kong makipag-usap pero magpahinga ka muna," aniya.

Ramdam ko rin 'yon, kanina pa. Na gusto niya akong makausap. Siguro dahil sa nangyari kanina at sa naabutan niya sa ilalim ng shower.

"Sige." Tango ko at umusog para makahiga ako sa kama.

Bago ako pumikit ay nginitian ko muna siya. Ilang sandali pa ay naramdaman kong lumubog ang kama at ang katawan malapit sa 'kin.

Hinaplos haplos niya ang buhok ko ng ilang segundo.

"I love you, wife."

Umusog ako palapit sa kaniya at yumakap.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon