Kabanata 48

10.4K 226 6
                                    


Diego's daughter.

Hindi ko na inisip ang mangyayari basta ay nilapitan ko ang bata sa gilid na umiiyak. Nakita niya ako na paparating kaya umatras siya. Natatakot yata.

"A-Ah, h-hi..." marahang bati ko sa kaniya.

"D-Don't talk to me. You're a stranger."

Napatawa ako ng mahina. Bahagya akong yumuko sa harap niya. Kuhang-kuha niya ang ugali ni Glenda. Strikta rin.

Alam kong posible na maalala siya ni Diego kapag nagkita sila pero kawawa naman. Bahala na kung anong mangyari. I can't leave this kid here.

"Where is your Mommy? Why are alone?"

"I-I don't know. She said she will just to the comfort room but that was 30 minutes ago." Nagsimula na naman siyang umiyak.

"Dito ka ba niya iniwan?"

"N-No."

Kaya pala nawala. Siguro hinahanap rin siya ni Glenda ngayon.

"Sumama ka na lang sa 'kin. Hahanapin natin si Mommy mo."

"No. You're a stranger."

"I am Selena. Now, I am not a stranger anymore." Ngumiti ako sa kaniya.

"Will you give me back to my mother?"

"Of course. I won't kidnap you."

Tumango siya at dahan-dahang tumayo. Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya at dinala malapit kina Diego na naghihintay pala sa 'kin.

Kumalabog ng mabilis ang puso ko ng makitang tinitigan ni Diego ang bata. Nakilala niya ba ang anak niya?

I wanna be selfish but I cannot do it right now. Hahabulin ako ng konsensiya ko kapag iniwan ko mag-isa ang batang 'to rito. Anak pa naman siya ng lalaking kinikilala akong asawa.

"Hi, I am Giene. What's your name?" magiliw kaagad na salubong ni Giene.

"I-I am Dieda."

"Nice to meet you. Are you somehow Mommynanaps friend?"

Hindi sumagot ang bata at umiwas ng tingin. Si Jacob naman ay nakatitig lang sa hawak kong bata.

"Let's go," aya ko sa kanila. "I still need to find her mother. She's lost."

Tumango silang lahat at nagsimula kaming maglakad. Hawak ni Diego ang dalawa kong pamangkin at hawak ko naman si Dieda.

"Do you know that kid?"

Napaigtad ako ng magtanong si Diego sa gilid ko. Napatingin ako sa kaniya, nakaawang ang bibig.

"H-Hindi m-mo siya kilala?" gulat na tanong ko.

"No. Why would I know here?" kumunot ang noo niya.

Imbis na matuwa ay nasaktan ako. He cannot remember his own daughter. At nakakapagtaka rin dahil hindi rin siya nakilala ng bata. What is happening?

Hindi man lang nag-react ang bata nang magkita sila ni Diego. Pasakay na kami sa escalator ng may sumigaw sa likuran namin.

"Dieda!"

Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses at mas lumakas pa yata ang tibok ng puso ko ng makita si Glenda na tumatakbo papunta sa direksiyon ng anak  niya. Nang makalapit siya ay agad niyang niyakap ang bata.

"Baby! I'm so worried about you! Where have you been!"

Hindi niya yata kami napansin ni Diego sa pag-aalala niya sa anak niya. Nakatitig lang kami habang niyayakap niya ang anak hanggang sa kumalas na siya sa yakap at nagtaas ng tingin sa 'min.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon