Kabanata 46

11.5K 270 7
                                    


Ang plano ko ay paaminin si Jenefe at Regie sa isa't isa pero hindi ko naman alam na magagamit ang plinano ko for proposal. Ayon at nagkaaminan na pala sila at agad-agad, gusto na ng pinsan ko na mag-propose.

'Yon pala ang sinasabi ni Regie na pag-uusapan namin kanina. Nagpapatulong si Regie sa pagp-propose and since may plano na nga ako, 'yon na lang ang isinugest ko. Sayang rin. Laki ng bayad ko roon.

"So kailan gagawin?" tanong ko.

"Ngayon. I cannot wait any longer. I want to hear her yes before this day ends."

"And yes, he is that in a hurry." Humalakhak si Kuya Jake.

Napailing ako. "It takes time. Pero sige, gawin na natin ngayon."

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang parents ko. Siyempre kasali sila sa plano. Gusto ko saksi ang lahat.

"Thank you, Dess." Ngumiti si Regie sa 'kin habang nasa sasakyan na kami.

Kaya pala ganito ang suot ko. Nasa utak na pala nila na ngayon ang proposal. Kung wala pa akong plano, siguro napaka-simple lang no'ng proposal na gagawin nito.

Tumigil kami sa isang mall. Gusto ko crowded ang proposal para makita ng lahat kung gaano katamis ang pagmamahal nila. Nirentahan ko ang buong mall for a day pero pwedeng may mga bumili, nirentahan ko lang para mamaya, kapag nag-propose na itong pinsan ko ay hindi makakagulo ang mga tao at mags-stay lang sa gilid.

Tinawagan ko na kanina ang mall na sabihan ang mga tao. I also hired some dancers to start the proposal. The music is already set.

Actually, hindi ko alam magiging successful ba pero sana. Pumasok na kami sa mall. Agaw pansin kami. Kuya Jake, Regie, Diego and yours truly is wearing a maroon colored dress and polos.

The two babies are readying themselves. Pinakuha ko at isasabay na lang nina Mommy mamaya. Nag-iisang babae ako kasama ang tatlong lalaki na 'to.

Pagkapasok sa mall ay inilagay agad ni Diego ang braso sa bewang ko. Napairap ako. Inaasahan ko na 'yan.

"Walang aagaw diyan," bulong ni Regie pero narinig namin.

Diego didn't made a move. His face right now is actually emotionless. Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Galit ba siya sa 'kin o hindi.

"Ayaw mo bang sumama sa plano na 'to? You can go home naman," bulong ko habang naglalakad kami.

Wala sa 'kin ang paningin niya at nasa daan.

"Uuwi lang ako kung kasama ka. Ayokong umuwi mag-isa. Baka may magtangka pa rito na ligawan ka ng wala ako. No way, Selena."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Si Regie ay panay tikhim, halatang nang-aasar. While Kuya Jake's face is serious and focused.

Nang makarating kami sa isang boutique kung saan kami magtatago. Dito kami tatambay habang nasa first floor si Jenefe later.  This better work or I'll go back to Korea dahil sa kahihiyan ng pagp-plano.

Tinawagan ko si Mommy at parating na raw silang dalawa ni Jenefe. Inaya niya 'to ng malling at pumayag naman agad si Jenefe. We know Jenefe can't say no to Mommy.

Everything is set. Narito na rin sina Daddy at ang mga bata. Ang hinihintay ay si Jenefe at Mommy.

"Calm down, dude. She will come."

"I know," asik ni Regie sa kapatid.

Natawa ako. Napipikon na siya sa kakatawa ni Kuya Jake kasi inaasar siya.

"She will come. She better come," bulong niya at pabalik-balik sa paglalakad.

Ako na nakaupo lang sa sofa ay natatawa rin. Si Diego ay imposibleng wala sa tabi. Hindi matanggal sa bewang ko ang kamay niya. Kahit nakaupo kami sa sofa. Waiting area talaga 'to ng boutique pero dahil nirentahan ko, okay lang na tumambay kami rito.

Her Ruthless HusbandWhere stories live. Discover now