Kabanata 36

11.3K 274 23
                                    


Jenefe's POV

Kanina pa ako hindi mapakali sa kalagayan ni madame Selena. Hindi pa rin siya nagigising simula kahapon. Si Sir Diego ay hindi na rin mapakali, halata sa mukha niya. Si Glenda ay nasa gilid lang at mukhang walang pakialam.

Hindi ko pa sinabihan si Regie maging ang mga magulang ni madame Selena dahil gusto kong makapag-usap muna sina Sir Diego at madame Selena kapag nagising siya.

Inaasahan ko na may darating problema sa kanila pero hindi ganito kalala na mabubuntis si Glenda ni Sir Diego.

"Diego, iuwi mo muna ako, please? Kagabi pa ako walang tulog," malambing na ani ni Gleda kay Sur Diego.

Parang ang dugo ko ang kumulo sa ginawa niya. Kita na ngang hindi na mapakali si Sir Diego rito sa labas ng kwarto sa hospital, siya naman ay panay take advantage sa nangyari.

"Stop pestering me, Glenda!"

Ang sigaw ni Sir Diego ay hindi sapat para patigilin si Glenda sa pangungulit at ang dugo ko ay sobra na talagang kumukulo sa galit.

No'ng hindi ko pa nakikilala ng lubos si madame Selena ay nasabi ko talagang mas boto ako kay Glenda pero nagbago ang lahat ng 'yon no'ng nakasama ko siya sa bahay at sa kahit saan. Pati na rin sa kwento ni Regie sa 'kin tungkol sa kaniya.

Madame Selena is such a nice and innocent girl. At kahit bata pa siya kumpara kay Glenda at kay Sir Diego ay mas boto ako sa kaniya. Ni katiting, wala ng natitirang paghanga sa 'kin para kay Glenda.

"Glenda, umuwi ka na. Hindi ka naman pamilya ni madame Glenda para makisali rito," singit ko sa kanina pa niya pangungulit.

Napatingin silang dalawa sa 'kin. Sinenyasan ko si Sir Diego na pumasok na sa kwarto at doon na lang bantayan si madame Selena. He nodded and went in.

"Diego!" Nguso ni Glenda.

Akmang susunod siya nang harangan ko siya. Katulong lang ako pero may karapatan akong ipagtanggol ang mga amo ko, lalo an si madame Selena. Basta't nandito ako, walang makakapanakit sa kaniya. Tinuturing ko na siyang nakababata kong kapatid.

"Excuse me, Jenefe? Place yourself right. Umalis ka riyan kasi dadaan ak—"

"Baka gusto mo 'yang sabihin sa sarili mo, Glenda?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Get out of my way kung ayaw mong ipatanggal kita sa trabaho. You know, Diego will follow whatever I say." Ngumisi siya.

"Ah kaya pala pinapauwi ka niya kasi hindi ka niya kialangan? Kaya pala itinataboy ka niya kasi sumusunod siya sa lahat ng gusto mo?"

Nanlisik ang mata niya sa galit at akmang sasampalin ako ng umilag ako kaya ang palad niya ay napunta sa dingding.

"Aw!" reklamo niya.

Malakas-lakas iyon kaya masakit ngang talaga pero wala akong pakialam. Ipupusta ko lahat ng meron ako, hindi ang katulad ni Glenda ang magsasabi ng totoo.

"Deserve!" Humalakhak ako.

"How dare you—"

"How dare..." Dinuro ko siya. "You!"

"Stay out of this! Katulong ka lang! Kung ayaw mong ipatapon kita sa malayong lugar ay umalis ka riyan at padaanin ako. You know how rich I am, Jenefe, in just one click of my fingers, you'll be nothing but a poor girl."

"Teka, nanginginig ako sa takot. Wait." Umaktong akong niyayakap ang sarili sa takot.

Mukhang lalo siyang nainis sa ginawa ko kaya sinampal niya ako at hindi ako nakailag. Napangisi siya ng matagumpay niya akong nasampal.

Her Ruthless HusbandWhere stories live. Discover now