Chapter 8

60 7 0
                                    


Dumating ang araw ng sabado, alas otso nang gabi, tapos na 'ko maghugas ng pinagkainan, tapos na rin ako sa mga takdang aralin na ang iba'y kinopya ko pa kay Asher. Komportable naman ako sa suot kong malaki at kulay asul na t-shirt at hanggang tuhod na shorts kaya walang pakialam na nakahilata lang ako rito sa gawa sa kawayang kama na sinapinan ng banig, abalang nagsi-share ng mga meme post ng friends ko rito sa Facebook.

'Di ko talaga lubos maisip na kayang gumawa ng lyrics na gano'n ng tahimik at pormal na si Garithel. Although alam kong matalino naman siya, pero 'di ko akalaing kaya niya rin pa lang magcompose ng kanta.

Totoo kaya ang kutob ko na nagkaka-crush na s'ya kay Herza?

Sa ganda ba naman ng kaibigan namin, eh, kung lalaki lang ako'y niligawan ko na 'yon. Tapos masarap pa siyang magluto!

Abala sa pag-iisip ang utak ko kung kaya't 'di ko na maintindihan ang mga post na nakikita ko, panay lang ang scroll ko habang kunot noong nakatitig sa cellphone.

Pa'no kung totoo 'yung kutob ko? Ano nang mangyayari?

Sabi ko nga, eh, kung papayagan ako ng Garithel na 'yon ay tulungan ko pa siya kay Herza. Alam kong matino naman siyang lalaki, halatang may pangarap sa buhay at gano'n na lamang siya kaseryoso sa pag-aaral, pormal din siya at marespeto.

'Di nga lang siya approachable at mahirap siyang i-close, really, sobrang hirap niyang kausapin no'n. I always end up being ignored and I'm easily annoyed because of that.

Natulala ako ng ilang saglit nang may mapagtanto. I dramatically closed my eyes as I released a heavy sigh.

Putek. Buti na lang talaga ay nalampasan na namin ang gano'ng layer ng ugali niya. Ang hirap niyang i-reach, kailangan talagang consistent kang mangulit para lang kibuin ka. Ang seryoso pa kung makatingin, nakaka-intimidate siyang tingnan pero kapag nakilala mo'y napakamahiyain, pormal at mahinahon na parang pang babae rin ang kaniyang boses.

Kung tanungin ko na lang kaya siya?

Mayamaya lang ay natagpuan ko na lang ang sariling nagtitipa na ng mensahe para sa lalaking kaibigan. Hindi ko alam kung bakit 'di ako kinakabahan gayong personal ang itatanong ko, siguro nga ay komportable na talaga 'ko sa lalaking 'to!

Heart Jayle Soriano:

Gud eve! (^O^)/

Makalipas ang limang minuto, lukot na lukot na ang mukha ko kahihintay! Mabuti nga at nag-reply na rin bago pa man ako tuluyang mainip, balak ko na nga sanang i-unsent ang chat ko!

'Good evening,' basa ko sa reply niya.

Nag-type agad ako ng tanong, na kung crush niya ba si Herza, ngunit nang may ma-realize ako, nagsalubong ang mga kilay ko at binura rin 'to kaagad.

Heart Reaching YouWhere stories live. Discover now