Chapter 4

88 9 0
                                    


Napakunot ang noo ko sa reply niya, mayamaya pa ay halos maubusan na ako nang hininga sa katatawa habang nagtitipa ulit.

Heart Jayle Soriano :

Balita ko anak ka ng nanay mo? Totoo ba? (ღ˘⌣˘ღ)

Garithel Ram Montixerde:

Definitely.

Heart Jayle Soriano :

Kapag it is raining ba umuulan? ~(⁰▿⁰)~

Garithel Ram Montixerde:

Undoubtedly.

Mariing ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagkadismayang nararamdaman. Ang kaninang excitement at gana ko sa kalokohan ay tila pinalayas ng lalaking 'to mula sa katawan ko.

Ang hahaba ng mga reply niya, ah? Halata mong pinag-isipan lahat bawat letra! Nakakaputek lang!

Sa yamot ko ay nagsend ako ng maraming like emoji bago ako umalis sa convo namin.

Dahil gusto kong ilabas ang pagkapikon ko at tamad na rin akong mag-chat pa sa dalawa, sa group chat na naming tatlo nina Asher ako nagchat.

HHA GROUP CHAT

Heart:
Guys putek kaasar (-_-#)!!!

Asher:
bakit?

Herza:
4Noh pRob MwO Bhi3?

Heart:
Putek kaka add friend kulang kay Garithel. Kaasar kahit reply nun tipid? Putek!

Asher:
HAHAHA.

Heart:
His so teribol to talk (ˋ︿ˊ)!!!

Herza:
Nd n4M4n kY4h bhi3

Heart:
Anong hindi? Putek nayun! I have should talk to him dont!!! <(`^')>

Asher replied to you:
gogu LT english mo HAHAHAHAHAHA

Heart:
Ang tipid nun magreply putek kala kopa naman sa personal lang mahiyain!

Ramdam na ramdam ko ang pagkadismaya ko sa lalaking 'yon. Akala ko talaga ay nahihiya lang siya na magsalita at makipag-usap sa personal at sa chat ay makibo naman— pero hindi!

Napairap na lang ako at nagpakawala nang malalim na buntonghininga. Akmang titipa na naman sana ako ng panibagong mensahe sa group chat namin ngunit nanlaki ang aking mga mata sa aking biglaang nabasa!

Asher added Garithel Ram Montixerde to the group.

PU... PUTEK?!

Ilang beses akong kumurap, hindi makapaniwala at nilapit ko pa talaga ang aking mga mata sa screen ng cellphone ko pero— totoo ang nababasa ko! Nakita ko rin maging ang agarang pagseen nito sa chats naming magkakaibigan!

Heart Reaching YouWhere stories live. Discover now