CHAPTER 22: Framed

6 2 0
                                    

CHAPTER 22:


Zhat's POV:

Pumunta ako sa ospital na ito nang hindi ko alam ang aking pakay. Iisa lang ang nasa isip ko, 'yon ay gusto kong patayin si Renz. Pagkapasok ko sa loob ng kuwarto ni Renz ay naabutan ko itong nagkaka-seizures.

Ito na ang pagkakataon mo, Zhat.

Lumapit ako sa kaniyang pwesto at kinuha ang unan na nasa tabi nito; ipinatong ko ito sa kaniyang mukha hanggang sa hindi siya makahinga. Habang hinihintay ko itong mawalan ng hininga ay nakaramdam ako ng malakas na pagsampal sa aking batok.

"Zhat! Zhat!" naririnig kong pagtawag ni Kaizer sa'kin; tila ay natauhan ako at napako sa aking kinatatayuan.

Intrusive thoughts lang pala...

Nang tignan ko ang taong nasa harapan ko ay nakita ko si Kaizer.

"Pre, anong tinatayo-tayo mo diyan? Aish!" nakukunsumeng lumabas ng silid si Kaizer; ilang segundo lang ay may dumating na doktor at mga nars.

Kian's POV:

Pabalik na ako sa kuwarto ni Kuya nang makita kong nagtatakbuhan ang mga nars at doktor papunta sa silid ni Kuya.

Anong nangyayari?!

Kumaripas ako ng takbo papunta sa silid ni Kuya at nakita ko itong nagkaka-seizures.

"Kuya!" sigaw ko; pasugod sa kinalalagyan ni Kuya nang may brasong pumigil sa'kin.

"Kian!" hinablot ako nito palayo sa loob ng silid ni Kuya.

"Pharsa?" Takang tanong ko.

"Shhh!" sumenyas siya na ako'y tumahimik.

"Bakit? Anong kailangan mo?" masungit kong tanong.

"Sumama ka sa'kin," bulong niya saka niya ako hinila palabas ng hospital; tumayo lang siya sa harap ko habang nakangiti siya ng nakakakilabot.

"B-bakit?" kinakabahang tanong ko. Akmang aatras ako nang makaramdam ako ng hininga sa aking likuran.

Nang tignan ko ito ay wala akong makitang mukha tanging itim na maskara lang na tumatakip sa kalahati ng kaniyang mukha ang aking nakikita.

"S-sino-" tinakpan niya agad ang aking bibig saka siya naglabas ng isang hugis baril na may kulay pulang ilaw.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa'kin; tinutok ang kaniyang baril sa'kin at naglabas ito ng kulay pulang ilaw. Nang tumapat sa'kin ang liwanag nito ay pakiramdam kong para akong hinihigop nito.

Unti-unting nanghina ang katawan ko; bumigat ang aking mga mata hanggang sa dumilim na ang aking paningin.

Other Person's POV:

Tuluyang nawalan ng malay si Kian samantala si Renz ay hindi maagapan ng mga doktor ang seizures nito.

Alam kong hindi na magigising si Renz sa tinurok ko.

"Ikaw na ang bahala sa iba. Alam mo na gagawin kay Zhat maliwanag ba?"

"Masusunod po," tugon ni Pharsa.

Sumakay na ako sa aking sasakyan para hanapin si Pearl sa address na binigay sa'kin ng aking mga tauhan.

Pagkarating ko sa apartment ni Pearl
tila ay wala ng tao sa loob. Bumaba ako ng sasakyan upang pasukin ang loob ng apartment nang may kumalabit sa aking likod.

"Anong ginagawa mo, hijo?" tanong ng matandang babae.

"Nasaan na po 'yung huling nakatira dito?"

"Ay, nag-impake siya ng mga gamit niya kaninang hapon. Ang sabi niya ay mawawala muna siya pansamantala," pagsasalaysay niya.

"Sige po, maraming salamat po," tugon ko. Pinagmasdan ko muna ang apartment bago umalis.

Habang nasa aking laboratoryo ay biglang tumunog ang aking tablet. Sinubukan kong i-hack ang system ng Cyberzone at natuklasan na nandito sila Pearl at Renz.

Naglagay ako ng mga viruses sa Cyberzone, naka program ang mga ito na patayin ang karakter ni Renz at kung sino man ang tutulong dito.

Nakaupo lang ako sa swivel chair nang tumunog ang aking selpon.

"Anong balita?"

"Manood po kayo ng balita ngayon."

Kinuha ko ang remote at binuhay ang telebisyon.

"Dinakip ngayon ng mga pulis ang isang lalaki na sangkot sa pagpatay sa isang binata na nagngangalang Renzargus Castaneda."

"Wala akong kasalanan! Pramis, pumasok ako ng kuwarto niya na gano'n na ang kondisyon niya. Maniwala kayo sa'kin!"

Samu't saring tao ang nakapalibot sa kaniya habang sinasakay siya sa sasakyang pang pulis.

"Tama ang ginawa mo, ipapadala ko na lang ang suweldo mo," ibinaba ko na ang linya.

Kian's POV:

Pag gising ko ay nakagapos ang aking mga kamay at paa. Nilibot ko ang aking paningin ngunit wala akong makita tanging dilim lang.

"Nashaan ako?"

Biglang pumasok sa aking isip ang alaala bago ako mawalan ng malay.

"Pharsha! Impakta ka, pakawalan mo 'ko!" sigaw ko habang sinusubukang alisin ang mga kadena na nakagapos sa'kin.

"Walang silbi 'yan," dahan-dahan lumalapit ang kaniyang mga yabag.

"Pharsha impakta, pakawalan mo 'ko ngayon din!" utos ko.

"Paano kung ayoko?" nasilaw ako nang buksan niya ang hawak niyang flashlight.

"Ano ba kailangan mo?" Nayayamot kong tanong.

"Ikaw lang naman kailangan ko. Wala na kasi ang kuya mo," natutuwa nitong tugon.

"Ano? Wala na shi Kuya? Ano ginawa niyo sha kaniya?!" asik ko habang nagpupumiglas parin sa pagkakagapos.

Narinig ko siyang humahalakhak palabas ng silid saka binuksan ang ilaw subalit nakakapaso ito sa balat.

"Hoy! Bumalik ka dito!" inalog-alog ko ang upuan upang kumawala ngunit mahigpit ang pagkakagapos sa'kin.

Kuya, shana hindi totoo 'yung shinabi niya.

Ilang oras din ang nagtagal nang bumalik si Pharsa at may mga kasama itong mga nakamaskara na itim. Tinanggal nila ang pagkakagapos sa'kin sa upuan habang hawak-hawak ako mga balikat ko. Lumapit sa'kin si Pharsa na may dalang syringe; nagpupumiglas ako at sumisigaw ngunit walang ibang tao dito maliban sa kanila. Matapos iturok sa'kin ni Pharsa ang syringe ay unti-unting nanghina ang aking mga binti hanggang sa bumagsak ako at unti-unting dumilim na ang aking paningin.

Unknown Person's POV:

Nasa harap ko ngayon si Kian at wala parin itong malay habang nakahiga.

"This is what you're family deserves," bulong ko.

"Boss! Handa na po ang lahat," pagtawag sa'kin ng tauhan ko.

"Umpisahan niyo na ang proseso," utos ko.

Sinuksukan nila ng kuryente ang dalawang kamay ni Kian at ang magkabilang sentido nito. Nilagay ko ang helmet sa ulo niya na mayroong pang-kontrol ng kaniyang utak.

"Siguraduhin niyong gumagana ang lahat. Kailangan natin magtagumpay sa planong ito para tayo ang unang-makapag-imbento ng gadget na tatangkilikin ng mga tao dahil kahit mamatay ka ay buhay ka parin sa ibang mundo. Ang mundong kung saan puwede mo gawin ang lahat, ang mundo kung saang payapa, ang mundong hindi ka na maghihirap sa pera, ang mundo kung saan hindi ka na magdurusa dahil puwedeng-puwede mo saktan o burahin ang memorya ng mga taong nang-aapi-sayo!" humalakhak ako ng malakas matapos sabihin 'yon. Nagpalakpakan naman ang mga taong nasa paligid ko.

'Yan ang nababagay sa inyo na nang-aapi kay Renz. Maghintay ka lang Renz, mapapasakin ka rin anak.

****

Inside of the Online WorldWhere stories live. Discover now