Chapter 33

61 3 0
                                    

Bihis na si Blyther ng office uniform nito paglabas ng kwarto. Kasalukuyang kalong ni Zandreaj si Zanther sa sink at nagtotoothbrush ang bata. Lumapit sa kanila si Blyther at hinalikan sa pisngi ang anak. Pagkatapos ay mabilis syang hinalikan sa noo saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Nangingiting sinundan ito ng tingin ni Zandreaj.

Nag-iimis ng kwarto si Zandreaj at nanunuod ng tv si Zanther sa sala ng maulinigan nya na may kausap si Zanther.

Pagsilip nya ay natanaw nya sa likod ng screendoor si Xienlee at si Dreigh. Napatili sa excitement si Zandreaj at agad binuksan ang pinto para sa dalawa.

"Omigash! I missed you both!" Mahigpit na nagyakapan ang dalawang babae. Si Dreigh ay kinalong si Zanther at nagtatanong ang mga mata na nakatingin kay Zandreaj.

"You introduce your self to them Zan." Nakangiting utos ni Zandreaj sa anak.

"Hi! I am Vyrr Zanther Valentine Sta. Maria del Sol." Tuwid nang magsalita si Zanther ngayon. Tumingala ito kay Dreigh at muling nagsalita. "You are my uncle Dreigh and this pretty lady here is tita Xienlee."

"What the f...!" Nakamulagat na wika ng nabiglang si Xienlee. Hindi ito makapaniwala. "Why? How?" Nakagugulumihanang tanong nito kay Zandreaj. Si Dreigh ay relax lang na umupo sa sofa habang nakikipagkwentuhan kay Zanther.

Hindi matapos-tapos ang kwentuhan ng magkaibigan. Galing sila sa office ni Dreigh sa DonHigh dahil bestman ito at Maid of honor si Zandreaj sa wedding nila next week. At dahil may Zanther na daw sila ay isasama na din ito sa entourage. Si Blyther daw ang nagsabi sa kanila na sa DonHigh na din magtuturo si Zandreaj at dito sya nakatira.

Before lunch ay umalis na ang dalawa dahil iikot pa ang mga ito para magdeliver personally ng kanilang wedding invitation. Sa wakas ay matutuloy na rin ang napostponed na kasal ng dalawa na dapat ay noong nakaraang taon pa. Hindi nya alam kung anong naging problema ng mga ito pero happy sya na naayos at ngayon nga ay tuloy na tuloy na.

Nagsisiesta sila ni Zanther sa kwarto nang may magpopped na message sa messenger nya. Bridal shower ang pangalan ng GC. Si Keyrin ang admin. Inoorganize nito ang bridal shower for Xienlee bukas ng gabi sa The Eaters. Nagconfirm ng attendance si Zandreaj ganun din si Blyther. Lahat ay makakarating maliban kay Randev na nasa Britain.

Naghahapunan na sila ng anak ng dumating si Blyther. Dali-daling bumaba ang bata at kinuha ang tsinelas ng ama sa likod ng pinto bago lumapit at humalik dito. Nagpakandong pa ito saglit sa ama habang naghububad si Blyther ng sapatos. Si Zandreaj ay kumuha ng plato at kutsara para sa boyfriend. Dinagdagan nya ang beef broccoli na niluto nya at naghayin din ng sweet and spicy dried anchovies na specialty nya.

Hinila ni Zanther ang ama sa mesa para kumain. Gaya kahapon ay magana ito. Parang amaze na amaze ito sa sweet and spicy anchovies.

Pinadala muna ni Zandreaj si Zanther sa bahay nina Blyther para iwan kay Xinni para makaattend sila ng bridal shower ni Xienlee. Ayaw nyang sumabay sa kotse ng lalaki. Mas gusto nyang magdrive ng motor nya papunta ng The Eaters.

Pagkaalis ng mag-ama ay saka sya nag-intindi ng sarili. She wore a black v-neck spaghetti strapped loose blouse na maluwag ang laylayan at kili-kili. Nakanipple tapes lang sya at walang bra. Tattered denim short shorts ang pang-ilalim nya na tinernohan nya ng black one finger Flip-flops slides. Her pixie curls were set on the left side of her face showing her undercut and the zigzag design on it. She looks young with her OOTD but sensual and seductive with her facial appearance.

7PM na bago umalis si Zandreaj ng kanyang apartment. Hinintay nyang magmessage si Keyrin na sya na lang ang wala sa venue bago sya lumabas ng bahay at sumakay ng Nmax.

Naglalakad si Zandreaj sa loob ng The Eaters papunta sa paborito nilang KTV room ay nagtataasan ang balahibo nya sa batok at sa braso. Same place same feeling.

Pagpasok nya ay para syang bumalik sa nakaraan. Feeling nya ay noong unang pumasok sila dito. Bigla nyang naramdaman ang pangungulila sa mga masuyong yakap ni Blyther. Gaya noon na kinucomfort sya nito. Kailangang-kailangan nya ngayon ng comforting arms ng lalaki, pero paano kung ito mismo ang dahilan ng heartaches nya? Paano sya tatakbo dito kung ito mismo ang lumalayo sa kanya?

Isang snap sa mukha nya ang nagpagising kay Zandreaj. Saka nya lang napansin na ang lahat ay sa kanya nakatingin at mga nakangiting nakakunot-noo. Nagtataka ang mga ito na parang wala sa sarili ang babae. Si Dolf ang nasa tabi nya at gumising sa naglakbay nyang diwa.

"Deja vuj?" Nakangiting bulong nito sa kanya. Yumakap si Zandreaj dito at isa-isang nilapitan at bineso ang lahat.  Hindi sana nya papansinin si Blyther at lalayo dito pero magtataka ang mga kaibigan na laging nakaabang sa sweetness nilang dalawa.

Casual na lumapit si Zandreaj sa boyfriend na hindi maitago ang paghanga at pagnanasa sa mga mata. Sinalubong sya nito ng masuyong yakap at hinalikan sya sa ulo gaya ng ginagawa nito dati. Ipinikit ni Zandreaj ang mga mata habang nakahilig ang pisngi sa dibdib ng boyfriend.

Miss na miss na nya ang makulong sa mga braso nito at maramdaman ang comfort na sa mga yakap lang nito nya natatagpuan. Nagpapanggap man o hindi si Blyther same pa rin ang effect ng yakap nito sa kanya, He's still her comfortzone.

May short program na inihanda si Keyrin para sa bridal shower ni Xienlee. Gaya ng dati they played their favorite song game sa videoke na talaga namang nagpasaya ng husto sa magkakaibigan. And just like deja vuj, nakayakap si Blyther sa kanya habang nagvivideoke sila. At sya, savouring the true comfort of his fake hugs offers her.

Next sa program ay ang symbolic gift kay Xienlee. Mas malakas ang halakhakan ng lahat sa mga regalo ng mga kalalakihan. Pinakanakakaloko ang regalo ni Demi na lubricant. Itabi lang daw yun ni Xienlee, hindi daw yun para sa honeymoon. Para daw yun sa golden wedding anniversary nila at nagrenew sila ng vow at honeymoon.

Ang last part ay ang speech ni Xienlee. Kinuwento nito ang dahilan kung bakit napostponed ang wedding nila ni Dreigh. It was her who cancelled the wedding because she was uncertain of her feelings for Dreigh. She thought it was unfair to Dreigh that she'll marry him unsure.

"Anyway guys kala nyo ba ako lang ang may sekreto?" At tumingin si Xienlee kay Blyther at Zandreaj na nakangisi. Napatuwid ng upo ang dalawa.

"Do you know that Blyther and Zandreaj has a 2-year old boy named Vyrr Zanther Valentine Sta. Maria del Sol?" Tuloy-tuloy na chika ni Xienlee na may tama na ng wine na iniinom nila kanina pa.

"Whaaaaattttt?!" Sabay-sabay na reaksyon ng lahat.

"Oh yeah! Dreigh and I just met yesterday the bubbly little boy na super smart and carbon copy ng daddy nya." Dagdag pa ni Xienlee pagkatapos muling lumagok sa hawak nitong kopita.

"And why did you keep it from us?" Tanong ni Demi sa kanilang dalawa.

"Oh no! Even Blyther didn't know about it. Just like the old days, Zandreaj here is expert in pulling surprises." Tumatawang sabi ni Xienlee na hindi aware sa totoong sitwasyon ng magboyfriend tungkol kay Zanther.

Naghalakhakan ang lahat na walang kaalam-alam na offending sa part ni Blyther ang kanilang reaksyon. Nanigas si Zandreaj sa pagkakaupo na kanina pang kabang-kaba sa mga sasabihin pa ni Xienlee. Biglang tumayo si Blyther at lumabas ng KTV room. Naiwang nakatulala ang lahat lalo na nang humabol si Zandreaj at tinatawag ito pero hindi ito lumingon.

























PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora