Chapter 8

46 3 0
                                    

Mabilis na tumatakbo si Dreigh habang sinisipa ang bola papunta sa goal. Nasa unahan nya sa bandang kanan si Blyther at naghihintay na ipasa nya dito ang bola.  Nagfake move si Dreigh na aktong sisipain ng kanang paa nya ang bola papunta sa goal pero kay Blyther ito tumalsik na agad nakapagfollow up kick. Goal!

Napalundag si Zandreaj mula sa kinauupuang sofa nang makagoal si Blyther. Tuwang-tuwa syang yumakap sa kanyang daddy habang lumulundag-lundag in celebration.
Muli syang umupo at masayang bumalik sa panunuod. Nagyayakapan na ang mga teammates ni Blyther at Dreigh celebrating victory.

Kasalukuyang nanunuod ng live streaming ng laban ni Dreigh at Blyther ang mag-ama sa sala ng bahay nila sa Cavite. Zinoom in ng camera si Blyther na buhat-buhat ni Dreigh at ng isa pa nitong kateam mate.

"I love you Mine." Nabasa ni Zandreaj sa buka ng bibig ni Blyther ang sinabi nito. Nagflying kiss pa ang binata sa camera. Kinikilig na napatili si Zandreaj at napatingin sa ama.

Nakangisi naman si John na nanguokray ang pagkakatingin sa anak. Inirapan ito ni Zandreaj.

"Ouch! Humawak sa dibdib si John na parang nasasaktan. Agad napalingon dito ang dalaga at nagaalalang lumapit agad sa ama.

"Dati ako lang ang nagpapakilig sa'yo, ngayon may iba ka nang tinitilian." Nakangising sabi nito sa anak.

"Tse!"  Nagdadabog na tinalikuran ni Zandreaj ang ama at bumalik sa panunuod.

Kasalukuyang ininterview si Blyther at nakatitig sya sa binata sa tv screen.

It's been six months. Six months na si Blyther sa America. Dalawa na sila ni Dreigh na pride ng DonHigh in sports abroad. Dalawa na silang pinapanuod ngayon sa giant LED sa gymnasium via live streaming kapag may laban sila.

Si Zandreaj naman ay nandito sa Cavite at nagaaral ng education major in English sa Cavite State University. Simula bata sya ay pangarap na nyang maging guro tulad ng kanyang mommy.

Miss na miss na nila ang isa't isa. Though araw-araw silang nagbivideo call ay hindi matighaw nun ang pagkasabik nila pareho na muling makasama, mayakap at mahagkan ang isa't isa.

Napapaluha si Zandreaj habang pinapanuod ang boyfriend. Masayang-masaya sya para dito. Mamula-mula ang pisngi ni Blyther. Hiyang ito sa klema sa America. Mas tumangkad pa ang lalaki na halos kasing taas na ni Dreigh at mas malaki na din ang katawan nito. Napatayo si Zandreaj at napatingin sa life size mirror na nasa dingding. Parang ang liit-liit nya nang lalo ngayon kapag itinabi kay Blyther.

Pagbalik nya sa sofa ay commercial na ang nakaflash. Tapos na ang live coverage ng laban nina Blyther. Wala na din si John na hindi namalayan ni Zandreaj na lumabas ng sala.

Umakyat si Zandreaj sa kanyang kwarto at nadatnan na nagbivideo call sa Blyther. Dali-daling sumalampak sa kama nya ang dalaga at sinagot ang call ng boyfriend.

"Hey! Did you see that?! We won!" Excited na bungad ni Blyther. Bakas sa mukha nito ang saya. Kita sa background ang pagkakasiyahan ng mga teammates nito. Kumaway si Dreigh na nakatayo ilang agwat sa likuran ni Blyther.

"Of course I've watched it! I saw you did your job really great! You're amazing!" Tuwang-tuwa din si Zandreaj.

First game ni Blyther mula ng maenrol sya sa University na pinapasukan. He left the country 2 months after their graduation. Pagdating dun ay focus na agad ang binata sa trainings at pag-aaral nito. He's taking Professional and Educational Management.

Each day na magkalayo sila the more their love grows. Pinapatindi ng pagkamiss nila sa isa't isa.

Ang bawat araw na natitira bago ang flight ni Blyther was painful for the two of them. Hindi nila masulit-sulit gaano man nila pilitin na masulit.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Where stories live. Discover now