Chapter 14

46 3 0
                                    

Pagbaba ni Zandreaj ay kasalukuyang inaabot ni Blyther ang mga pasalubong nito sa bawat isa. Napapangiti ang babae habang pinapanuod ang boyfriend sa ginagawa nito dahil hindi kung anu-ano lang ang pasalubong ni Blyther. Sigurado syang pinaglaanan nito ng oras ang pamimili dahil personal na gusto ng bawat isa ang pasalubong nya. Kilalang-kilala ni Blyther ang mga kaibigan.

Isang may kabigatan at malapad na pouch bag ang iniabot sa kanya ng lalaki. Hindi nya muna ito binuksan dahil gusto nyang silang dalawa lang ni Blyther ang magkasama kapag tiningnan nya ang laman ng pasalubong nito.

Almost midnight na at hindi na namalayan ni Zandreaj na nakaidlip na sya sa mga braso ng boyfriend habang nakikipagkwentuhan sila sa mga kaibigan. Ng makita ng mga ito na nakatulog na si Zandreaj ay sumenyas ang mga ito kay Blyther na umakyat na sila. Walang kahirap hirap na pinangko ni Blyther si Zandreaj at binuhat paakyat sa kwarto nila sa third floor.

Nang maihiga nya sa kama ang babae ay nagmulat ito ng mga mata at ngumiti saka iniyakap ang mga kamay sa kanyang leeg.

"You tease. Pinahirapan mo akong buhatin ka paakyat dito gising ka naman pala." Nakatawang pinisil ni Blyther ang ilong ng girlfriend.

"Nagising lang ako when we're halfway here. Hindi na ako nagpababa kasi ang sarap pag kalong mo. Saka hindi ka naman nahirapan ah. Ang gaan ko kaya." Lumabi ang dalaga.

Tumayo si Blyther at naghubad ng jacket. Si Zandreaj ay pumasok ng banyo. Paglabas nya ay kasalukuyang naghuhubad ng pantalon si Blyther. Nakapaghubad na ito ng sapatos at tshirt.

"Did you come here directly from the airport?" Kumuha si Zandreaj ng night dress sa kanyang duffle bag.

"Yep."

"How?"

"Dreigh picked me up then we drove directly going here."

"Where is he? Wala sya kanina sa baba." Nagtatakang tanong ni Zandreaj.

"I don't know, maybe he left right away."

"But why? Xienlee is here."

"I think something is wrong with those two. Dreigh didn't talk much about them and he even avoided talking about the wedding on our way here."

Nalungkot si Zandreaj sa narinig.

"That's sad, I hope they'll get through it and settle things before their wedding."

"Of course they'll get through it. They love each other so they can fix it." Tiwalang sagot ni Blyther.

Pumasok ito ng banyo pero lumingon kay Zandreaj bago isinara ang pinto.

"Wait for me Mine, madali lang ako. Don't sleep yet." At ngumiti ito ng pilyo sa girlfriend.

Naiwan si Zandreaj na kumakabog ang dibdib sa anticipation. What will happen tonight? Is she ready for this? Nagkibit balikat ang dalaga. Blyther won't take advantage on her, unless she provoked him. She will just behave herself and nothing unplanned will happen.

What about the last time? She didn't tease him then but they'd crossed their limitations. Muling pangungulit ng isip ni Zandreaj. Because she allowed him. If she'd said no or stop he would have stopped. Sagot nya sa kanyang sarili. So tonight, she will just say no. But can she say no? Pinilig ni Zandreaj ang ulo nya para maalis ang makukulit na isipin.

Narinig nyang nagsashower si Blyther. Dinampot nya ang pouch bag na inabot nito sa kanya kanina. Binuksan at sinilip kung anong laman. Mga maliliit na boxes at sigurado syang keychains ang laman non. Ilang pirasong kahon ng pabango at isang set ng curly hair products. Dalawang pares ng ternong Victoria's secret na super sexyng lace underwear na itim at midnight blue.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Where stories live. Discover now