Chapter 20

53 3 0
                                    

Nagising si Zandreaj na nasa loob ng kumot at basang-basa ng pawis. Pinakiramdaman nya ang sarili kung okay na ba sya bago kumilos para bumangon. Nang hindi nya nagawang gumalaw dahil sa mabigat na nakadagan sa kanya saka nya lang narealize na nakayakap sa kanya si Blyther at nakadantay ang malalaking hita nito sa kanyang mga hita. Ang mukha nya ay nasa tapat ng leeg nito. Tulog na tulog ang boyfriend at naririnig nya ang mahinang paghinga nito.

Tumingala si Zandreaj para pagmasdan ang mukha ni Blyther. Lagi syang overwhelmed tuwing matititigan nya ang boyfriend sa unaware moments nito. Ngayon nya lang ito natitigan na mahimbing na natutulog.

Wala s'yang ibang pinangarap kundi ang araw ng kasal nila ng boyfriend. Doon nakatutok ang waiting goal nya. Wala itong nabanggit o ipinangakong kasal sa kanya pero alam nyang kasama yun sa mga plano nito.

Pero kahit kailan hindi sumagi sa isip nya na mangyayari yun dahil wala silang choice. Ang gusto nya ay magpapakasal sila dahil wala na silang iba pang gustong gawin kundi ang magpakasal to spend their life time together. No other reason. Not even her possible pregnancy.

Hindi nya gusto yung idea na magpapakasal sa kanya si Blyther dahil baka mabuntis sya nito. Para sa kanya mahalagang ang tanging dahilan sa pagpapakasal sa kanya ay dahil mahal sya  at gustong maging bahagi sya ng buhay nito habang buhay.

Thankful sya na pumayag itong wag silang magpakasal ngayon bago ito bumalik ng America. Naniniwala s'yang may tamang araw at oras ang kanilang pag-iisang dibdib na gagawin nila dahil pareho nilang gusto at pinili dahil mahal nila ang isa't-isa hindi dahil may anak sila o kung ano pa man.

Alam nyang mahal sya ng boyfriend wala syang duda dun, pero alam din nya na papakasalan sya nito dahil sa pangunahing dahilan na baka mabuntis sya. At hindi yun acceptable reason para sa kanya.

Hinaplos ni Zandreaj ang pisngi ng lalaki. Napakaswerte nya na nakatagpo sya ng ganito kagentleman, karesponsable at kaloving na boyfriend. Bonus na lang ang kagwapuhan nito at achievements.

Hindi nya maiwasang mapatawa sa isip sa baliktad nilang sitwasyon sa karaniwang nangyayari ngayon. Na ang mga babae ang naghahabol ng kasal pagkatapos silang maisahan ng kanilang boyfriend. Siya ay siya pang tumatanggi at ang boyfriend ang nagpupumilit na pakasalan sya.

Hindi napigilan ni Zandreaj ang yakapin ng mahigpit ang boyfriend kahit na basang-basa sya ng pawis. One day they will get married and she will get the wife he dreamed in her.

Naalimpungatan ang binata ng dumikit sa kanya ang pawisang katawan ni Zandreaj. Nagmulat ito ng mata at chineck ang girlfriend. Dali- dali itong bumangon ng masalat na basang-basa ng pawis ang buong katawan nito at damit.

Napangiti ito ng makitang nakangiti sa kanya si Zandreaj at punong-puno ng pagmamahal ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.

"I love you Mine." Mabilis na halik ang ginawad nito sa mga labi nyang tuyot saka mabilis na binuksan ang built-in cabinet ni Xinni. Naghanap saglit ng maipupunas sa kanya.

Binalikan sya nito at pinunasan ang kanyang pawis. Kumuha ng bihisan sa kanyang duffle bag saka pinalitan ng  bagong summer shorts and sando ang basa nyang pantulog.

Iniangat nito ang likod nya sa pinagpatong na mga unan at isinandal  sya sa headrest ng kama paupo. Pagkatapos kumutan ang bewang nya pababa ay pinagsalin sya ng tubig sa baso at inilapat sa bibig nya para makainom sya.

Habang umiinom sya ay dinampot nito ang bowl ng corn soup at bahagyang hinalo. Tinikman kung mainit pa saka kumutsara ng isusubo sa kanya.

"Iloveyou Vyb." Sabi ni Zandreaj sa boyfriend bago tinanggap ang sinusubo nito. Hinalikan sya sa ulo ng binata.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Where stories live. Discover now