Chapter 24

45 3 0
                                    

Bakasyon na ulit. Umuwi na ng Cavite si Zandreaj at Zanther. Kasama ang lola ni Zandreaj dahil alam nyang malulungkot ito kung biglang maiiwan mag-isa sa probinsya.

4months old na si Zanther. Malikot at dumadapa na ang bubbly little patotie ng pamilya. Malaking bata ito, mas malaki sa normal na haba at laki ng 4months old. Very social active din ito na parang gustong-gusto nang magsalita at makipagkwentuhan. Namana nito ang mata ng ina, maliban doon ay si Blyther na ang makikita sa buong physical characteristics nito maging ang hubog ng katawan. Napapansin rin ni Zandreaj ang mga facial gestures ng anak na namana nito sa ama.

Inenrol ni Zandreaj ang tatlong naiwan nyang subjects ngayong bakasyon para next choolyear ay normal ang schedule nya at makakagraduate sya kasabay ng mga kabatch. Hindi sya hirap sa pag-iintindi sa anak kahit pa hands-on sya dito dahil laging nakaalalay sa kanya ang kanyang lola at ang yaya ni Zanther na kasama nilang umuwi dito sa Cavite mula sa probinsya.

Araw-araw ay baliw na baliw si Zandreaj sa mga antics ng anak. Maraming pagkakataon na nahirapan syang pigilan ang sarili na wag isend sa boyfriend ang mga precious moments ni Zanther. How she wished they're together watching their son's growth progress kaya araw-araw ay sinisiguro nya na patuloy nyang narerecord ang detalye tungkol sa anak. Kahit sa videos, pictures and baby journey album nito manlang ay makabawi sya sa panahong ipinagdamot nya sa kanyang mag-ama.

Gusto man ni Blyther na magbakasyon ay hindi maaari, mas mahigpit ang commitments nya ngayon dahil graduating na sya this year. He is now working with his thesis at the moment. May summer classes sya gaya ni Zandreaj. Pero unlike her na naghahabol. His summer classes ay part ng kanyang curriculum course.

Blyther struggles now triple than his struggles during his earlier years in the university. Maging ang strict sleep hours na nasusunod nya dati ay apektado na ngayon para lang mameet nya ang mga responsiblities and dues nya as varsity, athlete and graduating student. Sobrang limited na din ang panahon nya para makipagusap kay Zandreaj. And what makes his days really hard is June whom from nowhere, again appeared and is back pestering him.

First day ng summer class nya ay kaklase nya si June sa first subject nya. Nagulat pa sya ng pagpasok nya ng classroom ay nandun ang babae na agad lumapit sa kanya at umangkla. Kumukuha daw ito ng units sa course nya dahil plano din nitong umuwi ng Pilipinas at magwork sa education institution.

Hindi na umalis si June at laging nakasunod sa kanya. He can't help but feel irritated sa mga trying hard gestures nito but he kept his cool and tried his best to be nice to her. Lagi nyang nireremind ang sarili nya to be always nice kahit kanino.

Natapos ang bakasyon na para nyang anino si June. But the more she tries to get his attention and fall for her, the more he just gets irritated and impatient. He is losing his temper to her. He's afraid he'll explode one of these days. Sa dami ng pressure sa mga requirements nya ay hindi nya mapigilang wag mairita kapag kailangan nyang mag-isa at magisip tapos nasa tabi nya si June na feeling girlfriend ang ganap.

Nayayamot sya dito na inaagaw nito ang posisyon na para kay Zandreaj lang kahit pa hindi naman nya ito pinapansin. Para sa kanya only Zandreaj has the right to act as his girlfriend.

Nakahinga si Blyther na tapos na ang summer classes sa pag-aakalang mawawala na din si June. Pero when the school year started again ay nandyan na naman ang babae. Napabuntong-hininga ng malalim ang lalaki ng pagbungad nya sa pinto sa kanyang first subject ay mabungaran nya itong nakaupo sa isa sa mga unang hanay ng upuan at matamis na nakangiti sa kanya.

Wala pa ang kanilang professor kaya inilabas nya ang kanyang cellphone para magVC kay Zandreaj. Matagal bago sumagot ang babae at may naririnig syang batang umiiyak mula sa malayo. Saktong nagappear ang mukha ng girfriend sa camera ay pumasok ang kanilang professor kaya agad nyang kinancel ang VC at swinitch off ang kanyang phone. Nasaan ang girlfriend nya bakit may batang umiiyak? Nagkibit balikat si Blyther ng maisip na baka nasa public place ang girlfriend. May pasok na din kasi ito ngayon.

Napapailing si Blyther habang iniisip ang girlfriend.  Ang swerte nya dito malawak ang pang-unawa at hindi demanding. Wala syang natatandaan na nag-away na sila ng girlfriend. Hindi dahil mas marami ang panahong hindi sila magkasama kundi dahil pareho silang mature mag-isip.

Andami na nyang pagkukulang dito dahil sa pangarap nya. Pagkagraduate nya ay talagang uuwi agad sya at babawi sya sa girlfriend.

Gaya ng mga nakaraang araw ay bubuntot-buntot sa kanya si June. Pinababayaan na nya ang babae dahil ilang beses na nya itong pinakiusapan na tigilan sya pero mukhang wala itong plano.

Ayaw nyang umabot sa puntong mapapagsalitaan nya ito ng masakit o kaya'y madisrespect nya ang dalaga. Hihintayin na lamang nya na mapagod ito kahit pa naiirita sya sa presence ng babae dahil the more na padikit-dikit ito sa kanya ay mas namimiss nya si Zandreaj na nawiwish nya na sana ay si Zandreaj si June.

Wala syang panahong iappreciate ang mga trying hard gestures ng babae. Maliban sa sobrang busy ang utak at oras nya sa mga responsibilidad nya ay walang laman ang isip at puso nya kundi si Zandreaj lang.

Si Zandreaj lang ang tanging focus nya kaya kinakaya nya lahat ng struggles. Looking forward sya sa araw na uuwi na sya ng Pilipinas at makakasama na araw-araw ang kanyang girlfriend. Pinagbubuti nya ding lalo ang performance nya sa kanyang commercial team. Wala syang binabawas sa talent fee nya dito. Ang kalahati ay automatic sa debit card ni Zandreaj pumapasok at ang kalahati ay sa kanya na hindi nya ginagalaw para sa kasal nila.

Marami na syang plano sa wedding day nila ng girlfriend na alam nyang magugustuhan at siguradong magiging memorable sa kanilang dalawa.

PRETTY LITTLE DEVIL 2 (He's Ours)Where stories live. Discover now