“Close the door.” malamig na utos niya sa akin.

Sinunod ko ang gusto niya. I silently closed the door and turned around. Nanatili ako sa tabi ng pintuan. He was still standing near the edge of the bed. His hands were both leaning against his hips, shoulder moving up and down as if he’s now having deep breathing. 

Tumungo siya, umiling saka marahas na bumuntonghininga.

“Are you happy?” he asked, his voice was stern.

“Sa kinalabasan ng plano? Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na hindi?”

“Why? It’s your plan, right? You wanted me to fall in love with you and you succeeded.”

Tumungo ako at hilaw na natawa. Itinuon ko ang mga mata sa sahig habang ang mga kamay ay halos manglamig na sa tensyon na bumabalot sa amin.

“It was the main plan, Nero. To make you fall for me. Tama ka. Naging successful ang plano. But it’s also my downfall. Natalo ako sa kabila ng pagkapanalo ng plano na ito...” humikbi ako, mariing kagat ang aking labi. “Natalo ako kasi nahulog ako sa’yo...” nanginig ang mga labi ko. “Kasi m-minahal rin kita.”

Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Nagpatuloy ako sa tahimik na pag-tangis, hindi na gusto pang maglikha ng ingay dahil ayaw kong isipin niya na nagpapaawa ako sa kaniya.

“Hindi ko naman inasahan na mamahalin kita nang ganito, e. Ang sabi ko noon sa sarili ko, kapag nahulog ka na sa akin, titigil na ako. Pero habang tumatagal, g-gusto na kita palaging makita at makasama. Gusto ko na rin ibalik ‘yung pagmamahal mo sa akin kasi...” humikbi akong muli, halos magbuhol buhol na ang mga salita. “Kasi, Nero, ang dali-dali mong mahalin.”

I can feel my breathing getting uncontrollable each passing time. Itinakip ko ang mga palad sa aking mukha at humagulgol. This time, it’s already hysterical.

“Tang ina naman, Isha. Mahal na mahal kita, e.”

Hilam ang mga mata, nag-angat ako ng tingin. Nakatayo na si Nero sa harapan ko, titig na titig sa akin. His eyes were already bloodshot and glassy, jaw clenching tightly.

“I was fucking ready to marry you and build my own family with you...” he lowered his head. Nag angat rin siya kaagad ng tingin sa akin, ang luha ay sumisilip na. “Alam kong hindi ako nagkulang ng paramdam sa’yo no’n.”

Tumango ako. “I’m s-sorry. Wala akong puwedeng sabihin sa’yo kung hindi sorry. Hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa utos sa akin ni Mommy na gantihan kayo. Kasi akala ko... kayo ang mali... na si Auntie Sigrid ang naagrabyado ng Papa mo...”

Pumikit siya nang mariin matapos marinig ang pangalan ng babaeng sumira ng buhay niya noon. Tumungo ako, hindi pa rin mahinto sa paghikbi.

“Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko, Nero. Niloko kita... kayo ng pamilya mo. Kahit saang anggulo tingnan, mali kami. Naiintindihan ko kung muli n’yo kaming pababagsakin. Malaki ang naging nagawa ko kaya s-sige. Nakahanda kami sa kung ano mang mangyayari—”

“Minahal mo ba talaga ako?” putol niya sa sinasabi ko na tila ba wala siyang pakialam doon.

Nag angat ako ng mga mata at sinalubong ang sa kaniya. Sa kabila ng pagiging malamig noon, pinilit kong maging matapang.

“Pagkatao ko lang ang inilihim ko sa’yo... hindi ang nararamdaman ko. Lahat ng galaw ko noon sa tuwing magkasama tayo, lahat ‘yon totoo.”

Pain danced in his eyes.

“Were you serious about marrying me then?”

Malungkot akong ngumiti. “That idea excites me... even until now. Sino ba namang hindi gugustuhin maikasal sa taong mahal niya, hindi ba? Pero hindi, Nero. Hindi ako magpapakasal sa’yo kahit pa hindi mo pa alam ang katotohanan. I’m not that evil to lure you into marriage knowing the plans I have. Hindi rin ako patatahimikin ng kunsensiya ko.”

Hindi siya sumagot. Titig na titig lang siya sa akin na para bang pinag-aaralan niyang mabuti kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

“I won’t ask you anymore how you all found out the truth because I know how powerful your family is...”

I took a deep breath and filled my lungs with air for I am already lacking of it. I stared into his merciless eyes — those eyes that I know are incapable of forgiving me. Sinubukan kong ngumiti kahit pa patuloy sa paglaglag ang mga butil ng luha sa aking pisngi.

“This is the last time you’ll see me again. I’m sorry for all the mess. I know we won’t get away from it that easy but I’m ready...” tumungo ako at mabilisang pinahid ang basa kong pisngi at tiningnan siyang muli. “Falling in love with you is the best thing that ever happened to me during my stay here, Nero. You don’t deserve this but I’m still happy that I got the chance to meet you. Thank you.”

Tumalikod na ako at hindi na sinubukan pang magbalik ng tingin. Lumabas  ako ng kwarto niya at nagmamadaling bumaba ng hagdan.

I guess that’s how it all ends between us. Kung ano man ang magiging ganti nila sa amin, maghihintay na lang ako at hindi magrereklamo.

Pagkababa ay kusang dumapo ang mga mata ko sa dining area. Ramdam ko ang matinding paninikip ng aking dibdib, gusto nang mapagsarili at umiyak nang ako lang ang makakakita. Pero alam kong kailangan ko silang harapin lahat.

Huminga ako nang malalim at tinunton ang gawi ng dining area. Naabutan ko silang seryoso at nag-uusap usap. Napatuwid ng upo si Ma’am Adrianna habang masama ang titig sa akin. Ania even stood from her sit as if she’s ready to do something against me. But Alas was there to stop her.

Huminto ako sa direksyon ng silya ni Nero kanina. Iginala ko ang mata sa kanilang lahat. Dreya was staring at me, sadness was all over her eyes. Si Tate ay nasa baso lang niya ang atensyon. The rest of them were all looking at me.

“N-Nandito po ako para...” iyon pa lang ang nasasabi ko pero halos mabasag na ang boses ko. “Para humingi ng tawad sa inyo. Mali po ang ginawa ko. Nagsinungaling po ako sa inyo. Hinayaan kong kontrolin ako ni Mommy para gumanti sa isang tao na una pa lang ay agrabyado na. I will accept all your wrath towards me. Kung magkaroon man po ng balak ulit si Mommy laban sa inyo, ako po mismo ang magsusumbong sa inyo—”

“Do you really think we are that fool to believe you? Unang kita ko pa lang sa’yo, alam ko nang may itinatago ka. You are lucky my son trusted you too much. But I don’t!” natawa si Ma’am Adrianna. “You’re unfortunate to have our eyes on you since the very beginning, Montezor.”

I was being followed all this time then. Hindi na ako magugulat pa kung pinaimbestigahan rin nila ako.

“Naiintindihan ko po. Alam ko po na walang kapatawaran ang ginawa namin. We will fully accept your punishment, Ma’am. I’m really sorry for all the trouble. I’ll make sure that my mother won’t do any harm against Reon—”

“Did you really love my brother?” tanong ni Zadriel sa malamig na tono.

“You may think that it’s part of the lies I fed you but it’s not. Mahal ko ang kuya mo...” buong tapang na sabi ko. “Walang halong kasinungalingan.”

Walang sumagot ni isa sa kanila. Tumungo ako at huminga nang malalim. Nang mag-angat ako ng tingin ay tiningnan ko sila... partikular si Ma’am Adrianna at Sir Zion. They are both staring at me... stern and merciless.

“M-Mauna na po ako.”

Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at tumalikod na. I was about to exit the doorway when Nero welcomed me with his arms wrapped around my body. His face resting against the side of my neck. Tila ako naestatwa sa kinatatayuan ko, literal na hindi nakagalaw.

“Stay.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon