Chapter 13: Live Bonds

5.2K 121 36
                                    


Chapter 13


"Hoy gago! Awatin n'yo!"

Itinulak niya ako kaya itinulak ko rin siya. Sinubukan niya akong suntukin pero naiwasan ko iyon. Hindi ko na halos alam ang ginagawa dahil sa galit. Sinipa nito palapit sa akin ang lamesa kaya pinalipad ko iyon sa kaniya.

"Tumawag na kayo ng teacher!"

"Kuya, tama na!"

"Hey, stop!"

"Tangina ka epal ka!"

"Ikaw ang epal! Away babae sumasali ka."

Isinandal ko ito sa pader sa gigil ko. Dumudugo na ang kaniyang labi dahil suntok ko kanina.

"Hoy! 'Wag kayo tumunganga d'yan! Awatin ninyo."

"What's happening here?"

"Hala si Ma'am! Guys tabi na. Nand'yan na iyong teacher."

Pinakawalan namin ang isa't isa at hinihingal na tumingin sa bagong dating. Nagpalipat-lipat ang istriktang tingin ng guro sa aming dalawa.

"Mr. Azcarra at Mr. Conzego, sumunod kayong dalawa sa office." Binuksan nito ang pamaypay at naglakad na paalis.















"Kuya, does it hurt ba?" puno ng pag-aalalang tanong ng kapatid kong si Hope.

Nasa sala kami ngayon dahil ginagamot nila ang sugat ko. Na-guidance kami kanina at binigyan ng demerit. Mahaba-habang sermon ang inabot namin kanina. Pero ayos lang din at least nasapak ko iyong gagong iyon. Kahit naman hindi ko siya saktan ng matindi, guidance pa rin abot ko.

"I can handle it. Awts," daing ko nang mapadiin ang bulak sa gilid ng labi ko. "Mikaella, dahan-dahan lang naman."

"Ikaw kasi nakikipag-away ka. Nasaktan ka pa  tuloy. Akala ko ba umiwas palagi sa gulo?"

"Not all the time. May mga times na kailangan mo ring lumaban."

I used to stay away from chaos but if they hurt my little sister or anyone important to me, then I won't hesitate to fight back. As long as tama naman ang ipinaglalaban ko. And after all, I can't just stand there watching my sister and my bestfriend being bullied by those assholes na hindi gumagawa ng task tapos ang galing mag-demand.

"You're right, Kuya. Hindi naman tayo pinalaki ni Mom para api-apihin lang. Saka tama naman ipinaglalaban natin so why not? Sila rin naman pati nagsimula. Nananahimik kami ni Mikaella kanina tapos sinugod kami ng babaeng iyon pagka-dismissed sa amin, right Mika?"

"Oo, ang kapal ng mukha. Lakas ng loob magalit na bakit hindi siya nilista. Ni hindi nga siya nahiya na wala siyang ambag sa grupo. May pasumbong-sumbong pa sa boyfriend. Tsk, edi magsama sila."

Si Mika ang gumagamot ng sugat ko sa labi habang si Hope naman ang nagdadampi ng eyepack sa pasa ko sa may sintido. Nakaluhod ang kapatid ko sa sofa, sa gilid ko at marahang idinadampi iyon sa akin. Nasa kabilang gilid naman ang bestfriend ko na habang ginagamot ako ay parang nanay na nagsesermon.











"Oh my gosh! Are you guys okay?" our mom worriedly asked when she entered the house. 

She put down her bag in the single sofa and checked on me. My mom held my chin and tilted it to the side.

"Don't worry, Tita. Malayo 'yan sa bituka."

"I heard what happened kanina. Sorry kung hindi ko na kayo napuntahan sa Guidance. Panelist kasi ako sa isang Thesis Defense noong nangyari ang insedente. So kumusta? Masakit ba?"

Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Where stories live. Discover now