Chapter 12: Half-brother

5.5K 118 6
                                    

Chapter 12



"Half-brother mo siya?"

Pumwesto siya sa harapan ko at tiningnan ako nang nakakunot ang noo. Tumango lang ako habang iwas ang tingin.

"Umuwi na tayo." Hinawakan ko ang kamay niya at inakay na siya papunta sa escalator.

Mabagal siyang maglakad kumpara sa akin kaya mas mabuting hawakan ko na siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto at umikot ako sa kabila.

"How come na kapatid mo siya?" tanong nito habang naiipit kami sa traffic.

My grip on the steering wheel tightened. Naka-focus lang ang mata ko sa harapan, hinihintay ang go-signal.

"Anak siya ng Nanay ko sa ibang lalake."

"You mean sa totoong nanay mo? What's her name again?"

"Sanari." Nakapa ko ang pait sa dulo ng aking dila. "My mom cheated on my dad. Nabuntis si Mom ng ibang lalake habang nagsasama pa sila ni Daddy. I was too young that time kaya hindi ko pa alam kung gaano kabigat at kung gaano kasakit ang nangyari. Pero habang lumalaki ako, unti-unti ko ng naiintindihan ang lahat."

"Galit ka ba sa kaniya?"

"Nah." Umusad na ang sasakyan kaya umabante na rin ako.

"Kahit ganoon iyong ginawa niya, hindi ka pa rin galit. Sana lahat ganiyan."

"Mommy Namirah taught us na masama ang magtanim ng galit sa kapwa. Palagi niyang sinasabi na anuman daw ang nagawa nito sa nakaraan, ito pa rin ang ina namin."

"Kumusta naman pala ang relasyon nila Tita Namirah at Tita Sanari?"

"They are not okay but not an enemy too. Sadyang hindi lang sila nag-uusap. Sa kabila ng ginawa ng mom ko never akong nakarinig ng kahit ano mula sa kaniya na may sinabi siyang hindi maganda sa taong iyon."

"Bakit ano pa ba ginawa niya maliban sa niloko niya ang dad mo at nagpabuntis sa iba?" puno ng kuryusidad nitong tanong.

"Let's not talk about it. Hindi naman worth it pag-usapan."

"But I want to know." Hinawakan nito ang isa kong kamay. "Ang tagal na nating magkaibigan, Travis, pero hanggang ngayon wala pa rin akong masyadong alam tungkol sa bagay na iyan. I'm your bestfriend, 'di ba? Pwede ka namang magsabi sa akin ng kahit ano. I will always stand in your side no matter what. You know that right?"

"She tried to ruin my dad and Tita Namirah's relationship. And she ended up into committing a sinful crime."

"W-What crime?"

"She tried to kill my step-mom using her own car. Mommy Namirah was pregnant that time to their first child. And yes she survived... but not the baby in her womb. I supposedly have a baby brother but that happened."

"Grabe naman pala iyong nangyari." Umayos siya ng upo at tumingin na lang sa harapan, mukhang hindi rin alam kung anong sasabihin.

"Although humingi na siya ng sorry, pero para saan pa, 'di ba? Hindi na maibabalik ng sorry niya ang kapatid ko."

"I'm sorry kung in-ask ko pa. Naalala mo pa tuloy."

"Don't say sorry. Wala ka namang kasalanan sa nangyari. After all, you deserve to know it. Sorry rin kung hindi ko nasabi kaagad."

Niyakap ako nito mula sa gilid. Maybe to make me feel not alone. Hinagod ko ang buhok niya gamit ang kanang kamay ko.

"It's okay, I understand," she said in a soft voice.

When we got home we never talked about that topic again. She really know when to talk and not. If she feels like I'm not comfortable with the topic, she won't force me to talk about it. We're so closed but still we respect each other's privacy.








Endeavoring the Blaze Sky (Conzego Series 2✓)Where stories live. Discover now