1

6.8K 138 3
                                    

Azrael

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko ng makita ko kung anong oras na. Mag-aalas- onse na pala. Malapit nang matapos ang shift ko sa pinagtatrabahuhan kong convenience store.

Isa akong working student. Estudyante ako mula 8 ng umaga hanggang 4 ng hapon. Pagsapit naman ng 5 pm hanggang 11 ay isa akong cashier.

Mabait ang may-ari nang pinagtatrabahuhan ko kaya maluwag na schedule ang ibinigay nya sa akin.

Tahimik kong pinagmamasdan ang orasang nakasabit sa dingding at inip na inip sa bawat pagkumpas ng kamay nito.

Hindi ko namalayang may pumasok na palang customer kung hindi pa ito tumikhim. Nag-angat ako ng tingin at tila huminto ang oras ng sumalubong sa akin ang mga mata nitong napakaganda.

Naghahalong asul at berde na may pagka-abo ang kulay ng mga ito. Pwede ba yun? At tila nang hihipnotismo ang walang buhay nitong mga mata.

Nakapang workout clothes ito at talagang pawisan pero mas nangingibabaw ang mabangong amoy nito. She's so hot!

Marami na rin naman akong nakitang mga babaeng nagwo-workout na  napapadaan dito sa store pero sya yung bukod tanging nagpawala ng tibok ng puso ko.

Kakaiba ang ganda nya. Bumagay sa hugis ng kanyang mukha ang maliit pero matangos nitong ilong at ang mapupula nitong labi na alam kong natural ang kulay.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa kanya kung hindi pa kumunot ang noo nito at tila nawi-weirduhan na sa akin.

" Staring is rude, missy . "

Napakurap ako ng ilang beses at tarantang inayos ang aking sarili.

" I- ahm I'm sorry, Miss. "

Isang irap ang natanggap ko dito at walang salitang inilapag ang hawak na mineral water at isang pack ng... Gummy bears?

Nag-aalinlangang tiningnan ko ito at ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya ay tinaasan nya lang ako ng kilay. Agad akong nagiwas ng tingin at sinimulang i-scan ang mga pinamili nito.

Ang ganda sana kaso mukhang may attitude si ate nyo.

Ipinilig ko ang aking ulo para iwaksi ang kung anumang tumatakbo sa aking utak.

" 287 pesos, please. "

Nag-abot ito ng buong isang libo kaya bahagya akong napakamot sa aking noo.

" Tsssk! Weirdo. "

Mahina lang ang pagkakasabi nya pero rinig na rinig ko, sa halip na pansinin ito ay itinuon ko nalang ang aking atensyon sa pagbibilang ng kanyang sukli. 

Nahirapan pa akong maghanap ng ipangsusukli sa kanyang barya dahil halos naipang sukli ko narin kanina.

" Here's your change, ma'am--" nabitin sa ere ang sasabihin ko ng wala na yung babaeng customer kaya dali-dali kong tinawag ang isa kong kasama para pansamantalang magbantay sa aking pwesto.

Agad akong lumabas ng store pero tanging tail lights nalang ng kanyang sasakyan na papalayo ang nakita ko.

Nanlulumong bumalik ako sa loob at nagtatakang mukha ng kasama ko ang bumungad sa akin.

" Anyare? Bakit bigla ka nalang nagtatakbo sa labas?" Salubong ang kilay na tanong nito.

"Ah ano kase--"

" Ano? " Taas kilay na tanong nito

" Naiwan nung customer yung sukli nya kaya hinabol ko kaso, nakalayo na eh." Kamot ang pisnging sabi ko dito.

" Ah ganun ba. Sasabihan nalang natin si Ma'am Me-ann, kung sakaling babalik yung customer." Sagot nito at tinapik ang braso ko. " Uwe na ikaw, tapos na din naman na yung shift mo."

" Okay. Sige. Salamat ulit. " Tinungo ko na ang locker room para magpalit ng damit at para makauwe na din.

Pagkadating ko sa apartment na aking tinutuluyan ay agad akong sumampa sa kama. Pakiramdam ko parang sobrang stressful ang buong araw na ito. Kaya kahit gusto ko pang kumain ay hindi ko na nagawa dahil sa sobrang pagod, pero bago pa man ako sakupin ng antok ay isang pares ng mga mata ang lumitaw sa aking utak.

Magandang mga mata pero napakalamig at walang emosyon.

Obsessed With My Brother's Best friend On viuen les histories. Descobreix ara