"Ano pa ba ang kulang? Hindi pa ba sapat na namatayan ako ng magulang para ipasintabi ang inaakusa niyo sa amin na panlalason? At wala sa atin ang may gusto na malugi ang hacienda! Hindi ko ginusto at hindi naming ginusto na mawalan kayo ng trabaho!"

"Ako din nawalan, nawalan ako ng dalawang tao na 'yun lang ang meron ako, tapos ganito pa ang mangyayari?"

"Ayaw kong tanawan niyo kami ng utang na loob pero tinuring naming kayong parang isang pamilya na, hindi naging masa si mama at si papa sa inyo! Wala kayong narinig na masama galing sa mga bunganga nila. Hindi ko kayo maintindihan sa totoo lang! hindi ko maintindihan."

Sunod-sunod kong utas, walang matapang na nagsalita sa kanila habang binibigkas ko ang mga salitang iyon.

Halos hingalin ako dahil sa lakas ng aking pagkasabi dahil gusto kong inuknok sa kanila ang gusto kong maintindihan nila.

"Pero hija, hindi sapat ang dalawang libo para sa kanila."

My lips parted.

"Ano pa ba ang gusto niyo? Pera? Ilan? Dahil hindi ko na maatim na makita kayo dito, hindi niyo na ginalang sila mama at papa!"

"Kalahating milyon para sa lahat ng nagtrabaho sa inyo."

Halos lumuwa ang aking mga mata at malaglag sa sahig ang aking panga sa narinig. Hindi ko alam kung tama ang pagkakarinig ko.

"A-ano?!" hindi makapaniwala kong utas.

"Kalahating milyon para sa lahat ng nagtrabaho sa inyo."

"Kalahating milyon? Tangina! Saan ako kukuha ng ganyang kalaking pera? Ni hindi pa ako nakakita at nakahawak niyan! At masyadong mataas ang kalahating milyon para sa perwisyong nangyari!" ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo at pagtaas ng presyon ng aking katawan.

"Kung hindi maibigay ang perang hinihinga, suhewisyon ng mga nagreklamo na kunin ang ekstensyon ng iyong hacienda, kung iyon matatandaan, may biniling lupa ang iyong papa bago sila mamatay."

Napatulala ako at inisip kung ang kanilang tinutukoy.

Ang naalala ko lang ay ang neregalo sa akin na lupain ni papa.

Nag-isip pa ako at natanto na may proyekto pala si Arthuro at si papa. Ang bagong biling lupa.

Pero hindi ko maaring ipagbili 'yon, isa iyon sa mga huling pundar ni mama at papa bago sila mawala.

"Wala po bang palugit? Ni hindi ko alam kung may naiwang ganoong kalaking pera si mama at papa," halos magmakaawa na ako. Humahapdi nadin ang aking mga mata dahil sa nagbabadyang bagong luha.

"Hindi maaari, dahil ang gusto ng mga nagreklamo ay hanggang ngayon nalang." Wika noong taga barangay.

"Sige. Binibigyan ka naming ng palugit hanggang bukas, para magkaroon ka ng oras para kumuha ng pera." Matigas na utas nong isang magsasaka sa likuran ng taga-barangay.

Naningkit ang aking mga mata dahil doon.

"Hindi madaling kumuha ng kalahating milyon! Saan ako kukuha?!" Halos sigawan ko sila pero wala na akong lakas para hiyawan pa sila ng malakas.

Ang alam ko lang ay nag-iinit ang galit sa aking dibdib.

"Kung hindi mo magagawa ay dadalhin ito sa korte lalo pa at madaming napahamak..."

"...mauna na kami." Paalam nalang nila ng basta-basta.

Naiwan akong nakatulala sa kawalan sa aming pintuan kung saan tanaw ang mayayabong na bulaklak ni mama at banda roon pa ay malawak na kalupaan.

Palubog na ang araw at ramdam ko na ang labis na kapaguran dala ng nangyari kahapon at ngayong araw.

Hindi ko namamalayan na tila gripong luha na pala ang umaagos sa aking mga mata. Hindi ko na inabalang punasan ito.

Guilty Pleasure 01: Pain After VodkaWhere stories live. Discover now