"Oh siya, tayo na at baka mahuli pa kami ni Penny," sabi ng Daddy niya kaya sumakay na sila pareho sa sasakyan. Pinagbuksan siya ni Rocky ng pintuan pero inirapan lang niya ito. Nainis siya dahil nakangiti pa ito kahit na inirapan niya ito. Nang-aasar ba talaga ang isang ito? Well, wala pa nga itong ginagawa kanina ay naaasar na talaga siya at kumukulo na ang dugo niya dito.

Nang makarating sila sa eskwelahan ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Rocky ng pintuan. Nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan upang magtungo sa classroom niya. Si Rocky naman ay agad siyang sinundan. Naiinis na naman siya.

Maya-maya ay narinig niya na may kumpulan ng kababaihang pinagbubulungan si Rocky.

"Ayan yung bodyguard ni Ms. Crisostomo na magaling mag-basketball, totoo nga pala na ang gwapo niya!" sabi ng isang babae.

"Oo nga, may girlfriend na kaya siya?" tanong pa ng isa.

"Sa tingin ko wala pa. Mukhang suplado pero gwapo!" bulong pa ng isa. Hindi pala bulong iyon dahil dinig na dinig niya.
Napabuga na lang siya ng hangin at napailing. Wala pa bang klase ang mga haliparot na ito at nakakalat dito sa hallway? Tsk!
Narinig niya na nag Hi si Rocky sa mga babae.
Ang yabang talaga ng lalaking ito. Siguro ay proud na proud ito sa sarili porket pinag-uusapan ito ng mga kababaihan sa campus.

Nilagpasan na niya ang mga ito at tuloy-tuloy siyang nagtungo sa classroom niya. Binuksan niya iyon at pumasok sa loob saka naupo sa upuan niya.

"Hay, saan kaya ako mauupo today?" nakangising sabi ni Rocky nang makapasok sila sa loob ng room.

"Pwede ba Rocky? Ayaw kong masira ang araw ko kaya wag kang mauupo dito sa loob," inis na wika niya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Sige, sabihin mo muna sakin kung anong nagawa ko," sabi nito sa kaniya at humila ng upuan sa harap ng table niya saka kumalumbaba. Ngayon ay magkaharap silang dalawa at magkalapit ang mukha nila.

"Kasi nakaka-distract 'yang mukha mo," inis na wika niya. Bigla naman itong ngumisi. Kumunot ang noo niya. Baliw na yata ang lalaking ito. Natutuwa pa sa sinabi niya.

"Talaga? Nadi-distract ka sa mukha ko? Alam mo bang iba ang dating sa akin niyan?" anito sa kaniya.

"H-huh? Anong pinagsasasabi mo?"

"Nagu-gwapuhan ka sakin," sagot nito at ngumiti.
Sumimangot siya at umirap.

"Kaya hindi ka makapag-focus kapag nandito ako sa loob ng classroom mo ay dahil nagugwapuhan ka talaga sakin. Hay! Sabi ko na nga ba eh! May lihim kang pagnanasa sakin," nakangising sabi nito. Pinamulahanan siya ng mukha dahil sa sinabi nito.
Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito!

"What? Ang kapal talaga ng mukha mo no? Hindi ako nagugwapuhan sayo, excuse me!" inis na wika niya.

"Hmm talaga? Mamatay?"

"Ka!"

"Hahaha! Nagugwapuhan ka sakin. Wag kang mag-alala Penny, nagagandahan din naman ako sayo..."

Natigilan siya sa sinabi nito. Akala niya ay may kasunod na pang-aalaska ang sinabi nito pero wala na itong sumunod pang sinabi. Tama ba yung narinig niya? Nagagandahan ito sa kaniya? Sa isang mataba at baduy na katulad niya?

Natigil ang pag-uusap nilang dalawa nang pumasok ang mga estudyante niya. Tumayo si Rocky sa harapan ng table niya at nakipag-high five pa sa mga estudyante niya na kasundo na nito.

Parang may mga kabayong naghahabulan sa dibdib niya sa mga oras na ito.

Bakit ganito ang epekto ni Rocky sa kaniya? Alam naman niya na malamang sa nantitrip lang ito. Baka hindi lang talaga nito nasabi ang dapat ay sasabihin pa nito na joke lang talaga iyon at hindi ito totoong nagagandahan sa kaniya.
Nagsimula na siyang magklase at si Rocky naman ay tumayo sa labas ng classroom niya. Hindi na niya ito pinansin. Malamang ay magha-hunting na naman ito ng magagandang chicks na dadaan. Tss! Halata namang playboy eh.

I'm Inlove With My Bodyguard (Completed)Where stories live. Discover now