Chapter 13 (Part 1)

17.1K 279 3
                                    

CHAPTER 13 (Part 1)

"I-I.." F^CK! Hindi ko kayang sabihin. Ang hirap, halos ayaw lumabas ng mga salita sa bibig ko. I can't tell her how disappointing of a husband I am.

She made me look at her; urging me to speak, but how? How can I speak when I know that if I let out those words I'm about to say nothing'll change. She might still go on with the annulment and I'll be left alone. Might, a small voice in my head whispered. Might, 50-50 chance pero Bakit saaking palagay is 75-25? Come on Lester! She'll most likely see you as someone na walang kwenta!

"Lester" I look at her eyes. It gave me hope. Lorraine. She's different from every girl I know. She's selfless and maybe if I confess now, she'll understand.

"Lorraine.. I.. I love you. Mahal na mahal pa rin kita. Kahit kailan, I never stopped loving you, it has always been you from the start." I just had to let her know, so that if this ends the way I think it will, she knows that I love her.

"8 years ago, I met this girl I never thought I'd fall in love to. She's a geek, she wears baggy shirts and pants and her eyes are covered with a pair of huge dark rimmed glasses, she always had her hair in a bun. But the first time she smiled at me, she captured my heart. She's more than beautiful. Her eyes lit up when she smiles and her nose wiggles when she frowns" I chuckled when I see her pout, namula din ang kanyang mga pisngi

"That girl is you, Lorraine. I've been in love with you for eight years. Natotorpe pa nga ako noon e. Who am I compared to you? Playboy, palaging bagsak and happy go lucky, I don't even have dreams or goals kasi alam ko, kahit hindi ako mag aral mayaman pa din ako. May mamanahin akong businesses. And you, you are a med student and a Summa Cum Laude in BSN for your pre-med. Professors adore you, while they hate me. You're starting your 2nd year in med school and I'm on my 2nd time to retake my 4th year business ad. " I held her hands, and the spark I felt before is still there. It connects us both

"I kept my feelings. Natatakot ako na kapag sinabi ko sayo, babastedin mo ako dahil baka iniisip mo ang bobo ko at di ako makagraduate. But then, that time came. I was practicing soccer and I broke my ankle. Ikaw lang ang nandoon, dahil pagabi na. Your on your way home at nakita mo akong namimilipit doon sa soccer field. You helped me. Pero hindi mo alam na halos kumalabog na iyong puso ko ng hawakan mo ako. I felt like a f^cking pussy! That's where it started, we became acquaintances. Hindi mo alam kung gaano mo pinapasaya ang araw ko kapag nagkakasalubong tayo at ngumingiti ka o kaya'y kinakamusta mo iyong paa ko. You made me fall inlove with you even more." I wiped her tears. She's crying but there is a smile on her lips

"Two months after that moment on the soccer field, I knew I just had to ask you out or else I'll lose my mind. Inabangan kita noon sa labas ng College of Medicine, and I don't even know kung pumasok ka ba o may pasok ka. I waited 8 hours," her eyes widen at that, but I continued "ang sama na nga ng tingin noong guard sakin, akala ata tumatambay ako, pero hindi niya ako mapaalis dahil alam niya na ang Dad ko ay isang influential na tao. Then at around 6pm, there you were walking out laughing with a guy na ang alam ko is one of the running for summa also. Na insecure ako. Narealize ko, siguro pinapakita na ng tadhana na I don't deserve you and I should just forget about you. Maglalakad na ako noon paalis, but then I heard your voice. Tinawag mo ako."

<Flashback>

"Lester!" Sh!t! nakita niya ako!

"A-ah! Lorraine!" Napadaan ka lang lester, napadaan ka lang. P^ta! Para akong babae!

"Anong ginagawa mo dito?" Hinihintay ka

"N-napadaan lang ako" Sh!t, Lorraine! Don't look at me like that, baka atakihin ako sa puso.

"Napadaan? Ang Layo ng College niyo dito ah." Oo nga naman, ang bobo mo talaga. 20 minutes ang layo nito sa CBEM!

"A-ah? Nagiikot ikot kasi ako" tumango tango siya saka tumingin sa relo niya

"alas sais na pala. Kaya pala gutom na ako!" Tumingin siya sakin bigla, "Tara kain tayo kina Mang Nestor!" bago pa ako maka angal ay hinila na niya ako

Saan ba kami pupunta? Mang Nestor?

Bigla siyang tumigil sa isang parang.. kubo? at may karatula 'The Best Batchoy'. Hindi pa ako nakakakain dito or kahit saan na kainan dito sa school. Umuuwi ako if my schedule permits or sa restaurant ako kumakain na malapit.

"Oh! Lorraine! Dati uli?" tanong ng isang matandang lalake na naka apron, I assume he is Mang Nestor

"Opo! Saka padamihan ng Sabaw ha saka dagdag na isang itlog! Ay! Mang Nestor, Si Lester po pala, Kaibigan ko" Kaibigan. Ouch. Friendzoned na ba?

"Lester, anu gusto mo hilaw yung itlog o laga?" Ano daw?

"Ay! Anak mayaman pala ito! Mang nestor, Isa pang batchoy ung hilaw lang ang itlog isa din" Tumango iyong matanda saka umalis

"Di ka pa nakakakain ng batchoy?" I shook my head at bigla siyang tumawa. Her laugh mesmerized me. Ang ganda niya talaga.

Bigla siyang napatigil sa pagtawa ng nakita niya akong nakatitig. Inayos niya iyong salamin niya.

"Sorry," Para saan? gusto kong itanong pero di ako makapagsalita, dahil alam ko may tendency na mabulol ako

Ilang minuto pa ay sinerve na iyong.. Batchoy.

"Kain na" Linagyan niya ng kung anu anu yung kanya, saka hinalo habang ako nakatingin lang sa batchoy na nasa harapan ko. May hilaw na itlog. Di kaya magka sakit ako nito?

"Haist! Masarap yan, Ipiga mo iyong calamansi at lagyan mo netong special Sauce ni mang nestor saka mo haluin naku! the best!"ginawa ko iyong sinabi niya saka tinikman. Masarap nga! pero, maanghang ng onti, maybe because of the sauce

"Ay! Di ka ba busy? Basta basta nalang kita hinila e. Gutom na kasi ako" I shook my head as an answer saka nagpatuloy kumain.

We ate in silence. Siguro this'll be the first date and the last one we'll have. Hindi nga ito date ata e. Pero para saakin, date na ito.

"Ihatid na kita!" Pagoffer ko after we ate

"Hmm? nakakhiya naman."

"Sige na"

"S-sige na nga" Naglakad ako kun saan nakaparada iyong kotse ko at sumunod siya

Naka upo na kami ng bigla siyang magsalita

"Akala ko ba naglalakad lakad ka? Bat nandito kotse mo?" Patay! OO nga naman, Lester!

"A-ah"

"Lester?"

"H-hinintay kita" nakatingin lang ako sa manibela

"b-bakit?"

"A-a-a"

"a-a-a-e-e-e?"

"Ano, kasi, Lorraine" Haist! Panu ba to?!

"ano?"

"Pwedebangmanligaw?" ayun na! nasabi ko din! sh!t!

"a-ano?" e?

"a-ah.. wala" saka ko inistart iyong kotse saka nagdrive. Tahimik uli kami pwera sa pagturo niya ng daan

"Salamat Lester ha, doon sa batchoy na ako nanhila pero ikaw nagbayad, saka sa paghatid"

"Wala yun, sige" Lalabas na sana siya ng kotse ko ng hawakan koniyong pulsuhan niya "Lorraine, sabi ko kanina, Pwede ba mangligaw?" Wew! Naayos ko din!

"m-manligaw? sa-saakin?" tumango ako "Sige" saka niya madaling isinara iyong pinto at pumasok sa loob ng gate nila.

sige?

SH!T!Ang saya ko!

<End>

"That was the happiest day of my life that time. Grabe ang inipon kong lakas ng loob just to ask you that bago ka bumaba. I courted you, and because of you I learned na hindi ako Bobo."

The Mistress WifeWhere stories live. Discover now