Chapter 3

25.8K 440 6
                                    

CHAPTER 3

MAG-IISANG LINGGO na since that encounter with Lester. I was expecting him to call and confront me about what Jason said pero kahit text wala akong natangap galing sakanya. 

Siguro nga tama si Jason. Siguro wala na talaga siyang pakealam saakin; maybe he's really moved on like what the people around me has been trying to tell me for the past months. Siguro nagpapakagaga nalang talaga ako kakahintay sa wala; kakaasa na magkakabalikan pa kami at magiging masaya sa piling ng isa't-isa.

Naka-upo ako sa stool sa tapat ng kitchen counter when my phone rang, mabilis pa sa alas kwatro kong napulot yun hoping na si Lester na ang tumatawag. 

Jason Calling

I sighed, inilapag ko ang mug na may lamang hot tea na kanina ko pa iniinom bago sinagot ang tawag ni Jason.

"Hello" I rasped out, masakit ang lalamunan ko ngayon at feeling ko din ay nilalagnat ako. Thankfully it's my day off at nakakapagpahinga ako.

"Hey. Okay ka lang?" I can hear the worry from his voice

"Y-yeah. May flu lang siguro ako" I took a sip of my tea, "Bakit ka napatawag?"

"A-ah, I was planning to ask you out on a date." date? there was pause from the other line, "Uminom ka na ba ng gamot? Ilan ang temperature mo?" napailing ako sa mga tanong niya

"Don't worry, I'll be fine." I took another sip of my tea, "Umiinom na ako ng tea, at baka nakakalimutan mo na doctor din ang kausap mo" I heard him chuckled "Sige na, matutulog na muna ako." I ended the call, saka nilagay sa lababo yung mug bago pumunta saaking kwarto

Habang nakahiga ako at hinihintay na dalawin ng antok, I decided to scroll through my gallery na halos selfies ni Jason ang laman. While staring at one of his selfies, it made me think; bakit hindi ko nalang bigyan ng chance si Jason? I know it's probably wrong, basically ginagawa ko siyang rebound but he is one of the greatest guys I know and I think he will be able to help me move on and mend my broken heart.

Ready na nga ba ako? No. That's not the question, the question is am I willing to move on? I shook my head, hinila ko yung kumot pataas hangan saaking baba. Bakit ba ang lamig ng kwarto ko? Asan ba yung remote ng aircon?

I was on the verge of falling asleep when my phone rang

Jason Calling

"H-hey" I answered with a sniffle

"Andito ako sa labas ng bahay mo" 

"Huh? A-ano ginagawa mo dito?" I try to stand up but my feet wobbled making me sit back down on the bed "Hindi ko kayang bumangon, Yung pinto siguro sa kitchen open" I heard him say okay before the call was cut off. I laid back down at dahil sobrang lamig.

"Lorryyyyy-bear!! Sorry natagalan ako! Namili ako ng Panggawa ng soup e" Jason explained as he burst in to my room, "Bakit hindi mo nilolock lahat ng doors ng bahay mo? Delikado na ang panahon ngayon, magisa ka pa naman!" 

"O-okay lang naman, safe naman ang subdivision na 'to" I watch him as he place a lunch box and a paper bag on my bedside table "Ano yan?"

"I made you chicken soup at bumili na din ako ng medicine" he walked towards where the remote control for my AC is "Bakit nakaturbo pa itong aircon mo? Haist!" I can see irritation on his face.

Naupo siya sa gilid ng kama ko saka binuksan yung lunch box na dala niya

"Here, susubuan kita." ngumanga ako nang itapat niya ang kutsara na may soup sa may bibig ko "Sabi na kasing susunduin nalang kita kahapon! Hay nako!"

"Sorry, ayoko lang namang makaabala sayo. Ma-out of way ka kaya." umiling iling siya saka patuloy akong sinusubuan, walang nagsalita saming dalawa hangang maubos ko iyong soup. 

"Inumin mo to saka ubusin mo ang tubig sa basong to" I observe him as he open the medicine. Kung tutuusin wala ng hahanapin pa ang babae kay Jase eh, gwapo, matalino, mayaman, mabait, maalaga; lahat na nasakanya pero bakit kahit ilang taon na kaming magkakilala, kahit ilang buwan na na dapat ay mahulog na ako sakanya eh hindi pa din? 

Kasi masyado kang focused doon sa taong wala ng pakealam sayo

"Eto, inumi-"

"Jase, help me." Napatunganga siya sa sinabi ko "Help me move on and learn to love you"

"A-ano? s-seryoso ka ba?" tumango ako sa tanong niya

"Tama ka, maybe I was too caught up on my own dream na babalik pa siya at mamahalin niya pa ako ulit, when in fact it may not ever happen. So, please..." I took a pause "I know this is wrong. Basically ginagawa kitang rebound pero, I really want to move on now. Gusto ko na siyang kalimutan at matutong magmahal uli"

Nakatitig lang siya sakin, walang sinasabi at hindi gumagalaw. I took the medicine in his hands and drink it. 

"Jase, ayos ka lang?" Bigla akong nagulat when he suddenly hugged me. 

"F^ck! Ang saya ko!" Sinapo niya ang mukha ko sa kanyang mga palad "Please sabihin mong seryoso ka at hindi lang to epekto ng sakit mo, Lorry-bear." Nagmamakaawa ang mga mata niya habang sinasabi iyong mga katagang iyon

"Hindi, I'm giving you a chance. Promise."

"Thank you."

Maghapon niya akong inalagaan, mag-gagabi na ng bumaba ang lagnat ko.

"Ano ang gusto mong dinner?" Tanong niya habang buhat niya ako papunta ng kusina, sabi ko ng maglalakad nalang ako pero ayaw niya kasi baka raw mabinat ako

"Lasagna! Please!" Nagpacute pa ako sakanya. Kay Jase na siguro ang pinakamasarap na lasagna na natikman ko

"Sure, may ingredients ka ba?" Umiling iling ako. 

"Fine, lalabas muna ako para bumili" 

Nasa kusina pa rin akong nakaupo ng naramdaman ko ang sakit ng balakang ko, siguro dahil maghapon akong nakahiga kaya sumakit iyon. Mabuti pa't magpabili na din ako kay Jase ng Salonpas at Vicks

Hey, can you go buy me Salonpas at vicks?

I was scrolling through instagram ng makita ko yung latest post ng isang favorite bakery namin ni Jase, haaay, nakakatakam naman.

Please buy me Carrot cake din. Dun sa fave bakery natin.

Few minutes later dumating na uli si jason na madaming bitbit na eco-bags pero walang dalang carrot cake or supot ng pharmacy. Oh well, baka di niya na nabasa.

"Magluluto na ako. kamusta pakiramdam mo?" sinapo niya ang noo ko, "Hindi ka na gaano ka init"

"So, hindi na ako hot?"May panguyam sa boses ko, nakita ko ang pamumula ng tenga niya

"Hot pa din. Kasing hot ko, para bagay tayo" nagulat ako ng bigla niyang halikan ang tungki ng ilong ko, kasabay noon ay ang pagpasok ng isang tao na ilang araw ko ng hindi nakikita

"Eto na yung pinapabili mo L-" Natigilan siya ng makita niya ang pwesto namin ni Jason, pero nakatuon ang mata ko sa box ng cake ng favorite cake shop namin at maliit na supot ng pharmacy.

"L-lester" 

The Mistress WifeWhere stories live. Discover now