74 - The Getaway Plane

Start from the beginning
                                    

"Sabi niya," kibit-balikat na sagot ni Aiah.



"How did he treat you through all those years?"



Sandaling natigilan ang dalaga bago napayuko. Muli, tipid siyang napangiti. "Like his little sister," tumatango-tango niyang sabi. "Tuwang-tuwa ako no'ng nalaman ko na magkapatid kami kasi dati ko pa gustong-gusto na magkaroon ng kuya... matagal na nga palang meron."



Ngumiti rin si Yuan. "I don't know him and what he did to end up like that, but brothers never leave us, Aiah."



"Seems like you have yourself a nice big brother."



Lumawak ang ngiti sa mga labi ni Yuan, tila proud. "I got myself the best one."



"Everything you need is here." Naputol ang usapan ng dalawa nang muling pumasok si Rina sa kwarto bitbit ang isang travel bag. Alam nilang pareho na pilit ang ngiti nito. "And Gian's already outside."



"Rina," mahinang pagtawag ni Aiah sa dalaga.



"Why do you look so sorry for me? Ikaw ang namatayan," bahagya pang tumawa si Rina. Iniabot niya ang bag kay Aiah saka huminga nang malalim. "I'm okay," aniya, tila kinukumbinsi ang lahat, maging ang sarili niya. "Do what makes you happy."



Ngumiti si Aiah.



*****



"How about you?" tanong ni Yuan nang mawala na ang sasakyan ni Gian sa paningin nilang lahat. Nilingon niya si Rina na nauna nang lumingon sa kaniya. "You still love Gian, you don't have to lie to us. You're not okay."



Maging sina Mariz, Kenzo, at Jet ay napatingin kay Rina, nag-aabang sa sasabihin nito. Alam naman nilang lahat ang sitwasyon, at sa ilang taong pagkakaibigan, alam na rin nila ang nararamdaman nito. Wala nang nagulat noong mabilis na kumislap ang mga mata ni Rina kasabay ng isa nanamang pilit na ngiti.



"It was a story of love, but not a love story, I guess."



"Marami pang iba," sabi ni Jet noong tuluyan nang tumulo ang mga luha ng dalaga. Hinila niya ito para yakapin at bigla na lamang itong humagulgol. "Isang case sagot ko," sabi niya pa na nakapagpailing na lamang kina Yuan, Mariz, at Kenzo.



*****



"Gian, you don't have to come with me," ani Aiah habang nakaupo sa waiting area ng airport, hinihintay ang kasunod na flight patungong Batanes.



"Nandito na 'ko," sagot ng binatang diretso lamang ang tingin sa harapan. Nabawi niya lamang ang tingin doon nang marinig ang sunod na sinabi ni Aiah.



"Do you like me?"



Natigilan si Gian nang makitang seryoso ang dalaga. Matagal bago siya nakasagot. "I wanna know."



Napaangat ang mga kilay ni Aiah na maya-maya ay nagsalubong din. "What do you—"



"I wanna know why I'm hurting Rina, but I'm okay," seryosong sabi ni Gian habang bakas sa mga mata ang tila pagkalito. Para bang hindi rin makapaniwala sa sarili na magagawa niya iyon. "Gusto ba kita, o gusto ko lang makaganti? Inuuna ko ba ang sarili ko, o gano'n lang talaga ako kasama? I wanna know."



"Gusto kita," diretsong sabi ni Aiah. Halata niyang nagulat ang binata pero nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Am I just assuming things or it's you who haven't accepted your feelings yet? I wanna know too." Huminga siya nang malalim. "Nang-aagaw ba ako o akin ka talaga?"



Nakatitig pa ang dalawa sa isa't isa nang tawagin na ang flight nila. Walang kibo na tumayo sila at mabibigat ang mga hakbang na naglakad hanggang sa makarating sa eroplanong tila magdidikta ng susunod na mangyayari sa kanilang dalawa.



*****



"I lost," mahinang sabi ni Rina habang ibinababa ang bote ng alak na ininuman niya. Nanatili siyang nakatingin sa boteng iyon hanggang sa muling nag-unahan sa pagtulo ang mga luha niya. "Him. I lost him."



Nakatingin lamang sa dalaga ang mga kaibigan niyang may kani-kaniya ring bote ng alak. Naroon din at katabi ni Yuan si Lucas—na nagulat na lamang na naroon sila at nag-iinuman sa unit nito.



"Pre, ireto mo kaya sa mga teammates mo?" suhestiyon ni Jet kay Lucas habang isinesenyas si Rina. "Para mabilis makalimot."



Bahagyang napakunot ang noo ni Lucas noong lumingon din sa kaniya ang dalaga, tila payag sa narinig. "There are better men."



Tumawa si Rina saka muling uminom. "I found one," aniya saka muling umiyak. Iniangat niya ang mga tuhod saka sumubsob doon. Saglit lang ay muli siyang nag-angat ng tingin. "He's on that plane!"



Binatukan ni Kenzo si Jet. "'Wag ka na ngang mag-suggest!"



"Dapat kasi 'di ka na lang nagsasalita," saway din ni Mariz kay sa binata na nagtaas lamang ng mga kamay bilang pagsuko.



Sa puntong iyon ay muling bumukas ang pintuan, at napabuntong-hininga na lamang si Lucas nang mag-sink in sa kaniya na wala nang silbi ang lock ng pintuan niya dahil alam na rin naman ng lahat ang passcode. Pumasok si Andrew na agad na natigilan nang makitang umiiyak si Rina. Kasunod niya si Hanna na wala pang ideya sa nangyayari at masaya pang nagtanong.



"I haven't seen Aiah today, do you guys know where she is?" Mula sa inosenteng ngiti habang nagtatanong, tila nagimbal ang sistema ni Hanna noong muling humagulgol si Rina. "W-Why—"



"She's on that plane too!" iyak ni Rina.



;





Labas mga umaway sakin sa previous chapter ano ano 😡
Tatlo ang Warren natin diba, itinira ko manok nyo 😌 #ThankScitusnim

2025: RLWhere stories live. Discover now