Chapter 37

18.6K 557 103
                                    

She's starving.

Nakahawak siya sa kanyang tiyan, gutom na gutom. Pinilit niya talagang huwag lumabas. 'Yung pundo niyang canned goods at biscuits ubos na. Takot din siyang lumabas dahil baka naroon ang binata.

At ang pills niya ubos na. Nasa kwarto niya 'yung natira. Mabuti nga at nakakaligo siya eh dahil may maliit na banyo naman sa loob.

Napaiyak na siya sa gutom hindi na talaga niya kaya. Naiinis rin siya dahil hindi niya alam kung anong oras na, matantya niya sana kung kailan siya lalabas, kung kailan wala ang binata para makalabas siya.

Lumapit siya sa lagusan. Nilapat niya ang tenga pero wala siyang marinig na ingay. Mukhang wala naman siguro ang binata.

Dahan-dahan niyang itinulak ang aparador. Sobrang tahimik ng penthouse mukhang wala ang binata.

She tiptoed all the way to refrigerator. Pagbukas na pagbukas niya ay agad niyang kinain ang lahat ng naroon.

She drank the milk from its container. May pizza doon kaya kinuha niya iyon at inubos ang laman ng box. She also get the all the fast food and beverages inside and get herself inside her secret room again.

Saktong pagpasok niya ay ang pagbukas ni Sais ng pinto papasok sa penthouse.

Nakabuga siya ng hangin at saka tumungo sa kama. She enjoyed eating her meals until she falls asleep.

Nang magising siya ay muli siyang kumain. Nabilaukan siya at doon niya napantanto na wala na pala siyang maiinom.

Lumapit siya sa aparador pero natigilan siya ng marinig ang boses ng binata.

"She's really here. Nabawasan na naman ang laman ng ref." Sabi ng binata.

"Baka kasi dahil sa daga?" Narinig niya ang boses ni Quatro.

"Bobo, may daga bang nagbubukas ng ref?" Palatak ni Cinco.

"Si Jerry?" Patanong na sagot ni Quatro.

The triplets are here. Kinakabahan siya dahil baka nagpatulong itong halughugin ang buong bahay.

"Hiningi ko pa ang blueprint, unfortunately it would take time before I can get a copy. 'Yung original kasi meron kay Crosette." Sais said.

Nakahinga siya ng maluwag 'dun. Hawak niya talaga ang blueprint, itinago niya sa ilalim ng kama sa secret room.

"Bilib talaga ako sa katalinuhan ni Crosette." Anas ni Quatro.

"Fuck off, she's mine." Galit na asik ni Sais.

"Luh. Hindi ko naman siya inaagaw, bhie." Sabi ni Quatro.

"Bakit hindi ka na lang magpakabit ng  camera dito?" Suhestiyon ni Cinco.

Her eyes widen in shock. Camera...no. Baka malaman nito kung nasaan siya.

"I already did. I put camera in every corner except for the kitchen." Sagot ni Sais.

Her heart is beating so loud in nervousness. Hindi niya alam kung ikakahinga niya ng maluwag na walang camera sa kitchen o hindi. Dahil ibig sabihin 'nun, kung hindi siya nahagilap sa mga camera sa ibang sulok ng bahay, nasa kitchen siya panigurado.

"Naiisip niyo ba ang naiisip ko?" Singhap ni Quarto.

Nangatog ang tuhod niya sa kaba.

"That's she's probably here in the kitchen?" Tanong ni Cinco.

"Yes. And I know where specifically she is." Quatro said.

No, please.. No...

"Where?"

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon