Chapter 3

21.3K 585 48
                                    

"Nandito na ang high class pokpok."

Hindi niya pinansin ang bulungan ng mga kaklase niya at umupo na lang sa upuan niya.

Kung normal pa lang na araw ay pinatulan na niya ang mga ito pero ngayon ay pagod siya at wala sa mood. Mayroon na rin siyang warning sa Dean kung saan masusupende siya kung susuot pa siya sa panibagong gulo.

Pangisi-ngising lumapit sa kanya si Maegan. She's her mortal enemy. Ito rin ang palagi niyang makaaway at kahit na hindi siya ang nagsimula sa gulo ay siya lang ang pinaparusan dahil teacher ang Nanay nito.

"Late ang pokpok natin, ah? Ano pinuyat ka ba ng naging lalaki mo kagabi?" Pang-aasar nito.

Everyone knows that she's working in EAI Bar. There's really stereotype about staffs in the bar, lalo na ang waitress, na may special service sila.

But the EAI Bar owner won't allow them to have 'extra service'. Khit may consent ay mahigpit talagang pinagbabawal.

Hindi niya pinansin si Maegan at kinuha na lang ang notebook para basahin nag nakasulat dahil may nalalapit na pasulit.

"Ah, so hindi mo na ako papansinin? Parang hindi naman tayo friends, ah?" Nakangising pang-aasar nito.

Napatayo siya at tinapatan ang titig nito. Dahil sa tangkad niya ay biglang nanliit ito, napalunok na rin ang babae pero nagtapang-tapangan pa rin.

"Matapang ka lang dahil back-up mo Nanay mo. But you should watch your back as you exited this university later, Maegan. Baka bigla na lang kitang saksakin sa likod." Bulong niya rito.

Nakita niyang namutla ang babae at agad na umalis. Nabitawan pa nito ang notebook niya.

Napailing na lang siya.











SHE'S waiting outside the Benjamin University. Ito ang katabing University sa university na pinapasukan niya. Hindi kasi siya makapasom dahil isa lamang siyang hamak na ordinaryong tao. Wala siyang koneksyon para papasukin siya

And she's here for one thing. She wanna see that man who took her virginity last night.


Nagsilabasan na ang mga estudyante. May ibang naglingunan sa kanya. Siguro dahil pamilyar ang mukha niya, madalas kasi ang mga ito sa EAI Bar.

"Hi, Miss. Bakit ngayon ko lang nakita ang ganyang kaganda mong mukha?"

Hindi niya pinansin ang grupo ng mga kalalakihan. Nanatiling nasa gate ang atensyon niya.

Nang makita niya ang mukhang 'yun ay agad siyang naglakad papalapit pero may humawak sa braso niya dahilan para agad na umigkas ang palad niya sa pisngi nito.

Napasinghap ang mga kaibigan ng lalaki. Agad niyang hinabot ang braso mula rito at sinamaan ito ng tingin.

Agad niyang tinahak ang daan papunta sa lalaking tumatawa habang kausap ang medyo kamukha nito.

"Naku, Dos, parang palagi ka na lang nakatunganga. Iba na 'yan." Pang-aasar nito.

Ito ba ang lalaki kagabi?

Buong tapang siyang humarang sa dinaraanan nito. Nagulat ang lalaki sa ginawa niya.

"Miss?" He asked in confusion.

"Pwede ba kitang makausap tungkol sa nangyari kagabi?" Diretsang tanong niyang tanong dito.

Nagkatinginan ang dalawa, parehas naguguluhan sa nangyari.

"Anong nangyari kagabi, Miss?" Seryosong tanong nito.

"Hala ka, Cinco. Baka sa sobrang kalasingan mo may nagalaw ka kagabi." Pananakot ng kasama nito na pangalan ay Dos base sa narinig niya kanina.

Nanlaki naman ang mata ni Cinco sa pananakot ng katabi.

"H-ha? Wala akong alam, Miss. Kasi lasing na lasing ako kagabi at nakatulog ako sa sofa. Baka siguro 'yung kambal ko kasi kamukha kami." Sabi nito.

"Ganoon ba?"

Tumango ito.

"May nangyari ba kamo? Imposible namang si Sais 'yun dahil wala namang amor 'yun sa pangbabae. Baka si Quatro? 'Di ba, Dos?" Baling nito sa kasama.

Napaisip naman ito.

"Pero nawala si Sais kagabi. Nakita ko si Quatro na naninira ng relasyon." Bulong ni Dos kay Cinco.

"O baka naman si Quatro nga? Kasi hindi naman siguro sex ang nangyari kagabi? Baka ito ang babaeng nasira ang relasyon dahil kay Quatro." Bulong pabalik ni Cinco.

Kumunot ang noo niyang nakatingin sa dalawang nagchi-chismisan sa harap niya. Lumingon si Cinco sa kanya at ngumiti.

"Papalabas na si Quatro, hintayin na lang natin."

Tumango siya. Wala pang limang minuto ay may pangisi-ngisi ng lalaki na lumabas sa gate. Kamukhang-kamukha ito ni Cinco at maaring ito nga ang lalak kagabi.

"Quatro, hali ka nga!" Tawag ni Cinco.

Lumapit naman si Quarto sa kanila. Naguguluhan lalo na 'nung tinuro siya ni Cinco.

"Naghahanao sa 'yo, gusto kang makausap sa nangyari kagabi." Sabi ni Cinco.

Napakunot naman ang noo ni Quatro at dumukwang papalapit kay Cinco para bumulong.

"Anong nangyari?" Bulong nito.

"Aba, malay ko. Baka ito 'yung babaeng siniraan mo ng relasyon kaya hinahanap ka. Hindi ka pa ba sanay? Palagi namang may maghahanap sa 'yo." Bulong pabalik ni Cinco.

Kunot ang noo ni Crosette na nakatitig sa dalawang nagbubulungan sa harap niya. Hindi niya rinig ang pinag-usapan ng dalawa.

Napaisip si Quatro, mukhang inalala ang nangyari kagabi hanggang sa nagkibit balikat ito.

"'Yung nangyari ba kagabi? Wala 'yun, kalimutan mo na. Hindi naman kita gusto." Diretsang sabi nito ng hindian lang kumurap.

Napaawang ang labi niya sinabi nito at sa isang iglap lang ay lumagapak ang palad niya sa pisngi nito.

Nakita niyang napangiwi si Cinco at Dos lalo na ng bumakat ang palad niya sa pisngi ni Quatro.

"Putangina mo." Anas niya saka tumalikod.

Her heart feels heavy. Tila inapakan ang pagkatao niya sa sinabi nito! Wala 'yun? Kalimutan ang nangyari? She treasured her first and that's what she get from return?

Bakit ba parang iba ang nakasiping niya kagabi? Alam niyang hindi si Cinco 'yun at wala naman ibang pwede kung hindi si Quatro dahil sa narinig niyang walang amor si Sais sa mga babae.

Napabuga na lang siya ng hangin. Hindi niya kakalimutan ang nangyari sa magandang paraan. Bagkus, itinanim niya sa isipang hinding-hindi na magpapadali sa mga mayayaman. They're just all fun and go.

Hindi na siya nadala sa karanasan ng Mama niya.















SAIS is just seconds late. Segundo at metro lang ang pagitan nila ni Quatro pero mas nauna si Quatro sa kanya.

"'Yung nangyari ba kagabi? Wala 'yun, kalimutan mo na. Hindi naman kita gusto."

Kumuyom ang kamao niya sa narinig. He badly wanted to interrupt the scene and just punch Quatro directly on his face. But he was rooted on his feet, hindi siya makagalaw.

Nakita niya ang pagsampal ni Crosette kay Quatro bago ito umalis. He wated to run after her and explain that it wasn't Quatro. It was him. It was fucking him!

Tumiim ang bagang niya at naglakad sa direksyon ng dalawa. Sinadya niyang banggain si Quatro sa balikat dahilan para mabangga nito si Cinco.

Fuck, Quatro for saying that! Wala itong alam sa nangyari kagabi at bakit ba kung makapagbitaw ito ng salita ay parang siya pa itong si Sais?

Gago si Quatro, pero siya...isa siyang duwag. Dahil ni hindi niya masundan ang papalayong dalaga. Nakatitig lang siya sa papalayong bulto nito.

And that was his biggest regret, ang maging duwag.

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Where stories live. Discover now