Chapter 34

15.5K 456 54
                                    


"Bakit hindi ka nagpatake out?" Dramatikong tanong ni Maegan sa kanya pagkatapos niyang magkwento.

"Eh, nainis ako kay Mertyl! Singit ng singit. Babe, I want popsicles too. Babe, subo me. Babe. Babe. Babe! Tanginang babe na 'yan. Kailan pa naging baboy si Sais?" Palatak niya saka tinungga ang beer na nasa maliit na bote.

Humagalpak ng tawa si Maegan. Hindi naman agaw pansin dahil sa lakas ng musika sa paligid.

"Oh, tapos anong ginawa mo?" Usisa pa nito.

"Wala! Bahala sila sa buhay nila. You know what, I've realized kung ayaw ni Sais...hindi pwede, hindi pwedeng umayaw si Sais. Akin siya." Mariing saad niya at tumungga ng alak.

"Tama behavior! Naku, kapag may katwiran, ipaglaban mo! Atsaka, gusto ka ba lamang niyang i-take out kung hindi ka pa mahal?" Palatak ni Maegan.

"Paano kung gusto niya lang katawan ko? Kasi food lang naman ang tini-take out, hindi ba?"

"Bes, I do believe na hindi ka Jollibee. Ano, masarap pero hindi mahal? Tsk. Tsk. That's a big no."

Kapag talaga patuloy siyang umaasa dahil sa mga sinasabi nito tapos sa huli pala ay bumitaw na pala talaga si Sais sa kanya, makakalbo niya talaga si Maegan.

"Oh, so you're here pala."

Napaangat sila ng tinhin sa babaeng kararating lang sa pwesto nila.

Sabay na napatikwas ang kilay nilang dalawa ni Maegan dito.

"Umalis kang babae ka, naiimbyerna ako sa 'yo." Asik niya.

"Nasa taas lang si Sais with his cousins and of course he invited me here. You know, I'm his fiancé." Sabi pa nito at pinakita ang daliring may singsing.

Tumungga lang sila ng alak ni Maegan pagkatapos mag-cheers.

"Hay, I can't wait us to get married. I'm so happy talaga that Mommy Caria set us up, maybe she realized that I'm more worth it as her daughter-in-law." Patuloy pa nito.

Padabog na nilapag ni Maegan ang bote nito sa mesa at hinarap si Mertyl.

"Bitch na peke, ang dami mong dada!" Singhal ni Maegan na nakainom na.

Napatigalgal si Mertyl sa sinabi nito.

"The heck?!"

"Isampal ko kaya suso ni Crosette sa 'yung mukha?" Dagdag pa ni Maegan dahilan para mapahilot siya ng sintido.

"Bitch, she doesn't have any."

Pahamak ka talaga, Maegan.

"Anyways, I've got to go now. Narito lang talaga ako para inggitin ka." Ngising saad nito at tumalikod niya.

"Sandali." Pigil niya rito.

"Ay, bugbugan na ba this?" Bulong ni Maegan.

"What?" Mataray na tanong ni Mertyl.

"Nagdududa ako sa inyong tatlo. Tell me, binayaran ka ba ni Mommy Caria para pagselosin ako?" Seryosong tanong niya.

Para kasi ang bilis o hindi lang niya alam na si Mertyl pala ang pinagkakaabalahan ni Sais abroad pero hindi, kampante siya at tiwala siya kay Sais.

Pakiramdam niya ay inutusan lang ito ni Mommy Caria para makipagbalikan na siya agad kay Sais.

If her assumption were true, they're wise...but she's wiser.

Tumaas ang kilay ni Mertyl saka natawa.

"Hindi ka pala tanga." Nakangising saad ni Mertyl.

"Magkano ang binayad sa 'yo? Dodoblehin ko." Matapang na anas niya.

Sais' Fiery Romance (4th Gen #9)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon