"Why do you have to do it? You are making things complicated."  Nasa tono ng boses ni Zandreaj ang frustration?

"Then tell me why not?" Napatingin dito si Zandreaj na parang naiimposiblehan sa lalaki.

"Vyb, it's not what it is. Alam natin pareho yun." Nahihirapan sya kung anong salita ang dapat gamitin para iparating sa binata ang gusto nyang ipaintindi dito. Hindi sya kasing galing nito pagdating sa self expression. She used to keep everything to herself lalo na kung negative thoughts ang ieexpress nya.

"But you are mine right?" Seryosong tanong ni Blyther sa kanya.

"Yes,... and Januz owns me too." Mahinang sagot ni Zandreaj.

Nakita nya ang biglang pagbago ng expression ni Blyther. Dumilim ang mukha nito saglit na bigla ding nawala.

"Yes, he owns you and that other woman in the picture. Is that okay with you?" Mahina pero may diin ang mga salita ng lalaki.

Gumuhit ang sakit sa mukha ni Zandreaj. Pero pinilit nyang ayusin ang kanyang sarili.

"He'd dumped you already. Why can't you see that? That jerk has found another woman to replace you."  Mas madiin at mas masakit ang mga sumunod na binitawang salita ni Blyther.

"Why do you have to limit your self in doing what you wanna do just because  you think he still owns you when in fact he is now busy with another girl?"

Yumuko si Zandreaj para maitago ang luhang hindi mapigilan.

"Mine, nandito ako. Ako yung nandito sa tabi mo. Masaya ka kapag kasama mo ako. Hindi mo naman pinipilit ang sarili mo na maging masaya lang. alam ko yun, nararamdaman kong totoong masaya ka at okay ka kapag kasama mo ako. Pero bakit kailangan mong pigilang maging masaya dahil lang iniisip mong may boyfriend kang naiwan na kung tutuusin ay sinasaktan ka kahit magkalayo kayo."
Pabulong at halos padaing na sabi ni Blyther.

"Eto lang ako oh, yayakapin lang kita at okay ka na diba? Pero bakit mas pinipili mong lumayo sa akin at pasakitan ang sarili mo?"

"Happiness is a choice Mine. Why would you always choose to cry over heartaches when you have me as an option and be happy?"

Yumugyog ang mga balikat ni Zandreaj sa pagpipigil ng iyak. Pero hindi nya kinaya na tuluyan syang napahagulhol.

Napakislot siya ng lumagapak ang mesa dahil sa paghampas ni Blyther dito. Kasunod ang malalim na buntunghinga ng binata. Frustrated ang lalaking makita na umiiyak si Zandreaj na pinangako nyang hindi na mangyayari pa ulit.

"Please stop crying." Mahinang pakiusap nito. Tumayo ito at  nilapitan ang dalaga. Hinawakan nya ito sa magkabilang balikat at itinayo para icomfort pero kumalas si Zandreaj at tumakbo sa cr. Ang sakit ng dibdib nya. Bakit kailangan nitong ipamukha sa kanya ang mga bagay na pilit nyang isinaisantabi para makalimutan? She's still moving on. Hindi ba nito naiintindihan yun? Hindi yun ganun kadali. Oo totoong masaya sya kapag kasama nya ito. Pero she's not healed yet. Besides wala pa silang closure ni Januz. She is acting like a two-timer with what she's doing.

Makalipas ang ilang minutong pagiyak ay naampat din ang kanyang luha. Naghilamos sya at inayos ang sarili bago lumabas ng cr. Pagbukas nya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang aroma ng strong and super creamy na kape. Iniabot sa kanya ni Blyther ang isang tasa. Tinanggap nya ito at ipinatong sa center table pagkatapos ay lumupagi sya sa furry carpet. Hinawakan nya ng dalawang kamay ang tasa para tantyahin kung nagcooldown na ito sa init na gusto nya. Nagindian sit naman sa tapat nya si Blyther. Hinawakan ang dalawang kamay nya na nakahawak sa tasa ng kape at diretsong nakatitig sa kanyang mga mata.

"I am not sorry with what I said, but I am sorry that you were hurt with my words. I never thought I would say them to you since I really mean it when I said that I don't care and I am not interested to know the story that caused you pain. But you are being unfair to your self."

Hindi umimik si Zandreaj. Nakatingin lang sya kay Blyther.

"Stop blaming yourself thinking that it's your fault because you were the one who left. It doesn't give him the reason to cheat on you. And please don't validate his wrong actions just to give him valid reason to do such lousy things. You don't deserve him, that's the fact. period."

"You don't know him." Mahinang sagot ni Zandreaj habang nakatitig sa kape.

"A man who breaks a woman's heart is no gentleman. No Excuses."

Nagregister sa mukha ni Zandreaj ang matinding sakit at panlulumo sa huling binitiwan ni Blyther na inignora ng lalaki. Tumayo ito, pinagpag ang kanyang nagusot na pantalon, inunat ang kanyang polo at nagsuot ng sapatos.

"Siguro nga masyado kong minadali na maging akin ka. Akala ko kasi kilala mo ang sarili mo, na katulad ko madali mo ding marerealize na sa akin ka naman talaga. Minadali ko kasi ayaw kong pahirapan ka pa na magsuffer ng pains because of heartaches when at the end of it all ay sa akin ka din naman talaga. Pero parang mas gusto mo yata talaga na pahirapan pa ang sarili mo. If that's what you want, then go cry your self to your heart's content. Run until you get tired. But one thing I assure you, no matter how far you'll run, you will still end up to me. Because you are mine." May diin ang huling apat na salitang binitiwan ni Blyther.

Kinuha ni Blyther ang kanyang backpack, isinukbit, lumabas at hinila pasara ang pinto. Naiwan si Zandreaj na nakatitig pa rin sa kape.

 

PRETTY LITTLE DEVIL (He's Her Comfort Zone)Where stories live. Discover now