Chapter 45

2.2K 99 5
                                    

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESS
CHAPTER 45
Cattleya's POV
      Nakatingin parin ako sa kaniya na may pagtataka saaking mukha at siya naman ay nanatiling gulat na nakatingin saakin

"No, hindi ikaw si Beatrice sino ka?" tanong niya habang umiiling, tumayo naman ako at pinagpagan ang aking dress. Pagkatayo ko ay nagulat siya nang makita ang aking kwintas, mabilis siyang lumapit saakin at agad na hinawakan ang kwintas dahilan upang magulat ako

"Saan mo ito nakuha huh?" tanong niya habang niyuyug-yog ang aking balikat, tinapik ko naman ang kaniyang kamay at humiwalay sa kaniya

"Paumanhin ngunit sino ka ba?" tanong ko

"Ako ang Emperor nang Obelian Kingdom, Abel Obelia, ikaw sino ka?" malamig niyang tanong at nanatiling nakatingin sa kwintas na nasa leeg ko

"Ako po si Cattleya Rustichelle, ang Empress ng Rustichelle Kingdom" saad ko at yumuko upang magbigay galang

"Cattleya" gulat niyang saad, tumingin naman ako sa kaniya at napakunot nang aking noo, bakit ba parang lagi nalang siyang gulat?

"Cattleya, sabihin mo saakin saan at sino ang nagbigay nang kwintas na iyan?" mahinahon niyang tanong at tinuro ang kwintas na nasa aking leeg

"Ang sabi po nang Kuya ko ay natagpuan po nila ang kwintas na ito sa loob nang basket kung saan ako nakahiga at inanod nang tubig sa ilog, sabi din po ni Kuya na bigay po ito nang totoo kong mama" saad ko, napahawak naman siya sa kaniyang bibig at nagulat ako nang may tumulong luha sa kaniyang mga mata

"E-Emperor?! a-ayos lang po ba kayo? may masakit po ba sa inyo?" natataranta kong tanong at lumapit sa kaniya, pagkalapit ko ay nagulat ako nang bigla niyang hinila ang aking kamay at niyakap ako

"At last, I finally found you" saad niya at mas hinigpitan pa ang kaniyang yakap, ako naman ay nagtataka lang sa kaniya, pilit naman akong humiwalay sa yakapan namin at hinarap siya

"Paumanhin po Emperor ngunit hindi ko po kayo maintindihan, ano po bang pinagsasabi niyo?" tanong ko pero nanatili lang siyang nakatingin saakin at may luha pa ding tumutulo sa kaniyang mga mata, pinunasan niya naman ang kaniyang luha

"Ang kwintas na iyan ay regalo ko kay Beatrice, ang aking asawa" saad niya dahilan upang magulat ako

"Kung ganoon..." saad ko at napahawak saaking bibig

"Oo ikaw ang isa sa mga nawawala naming anak" saad niya, tumulo naman ang aking luha at patakbong lumapit sa kaniya

"Papa" saad ko atsaka niyakap siya at umiyak nang umiyak

"Anak ko, ang tagal kitang hinanap" saad niya, umiyak pa kaming dalawa at dinamdam ang yakapan namin, sa wakas nakita ko na din ang totoo kong Papa. Nagtagal pa ang yakapan namin hanggang sa siya na ang humiwalay

"Natutuwa ako na nahanap na din kita sa wakas" saad niya at ngumiti, pinunasan ko naman ang aking luha atsaka ngumiti din sa kaniya

"Sa wakas nakilala ko na din ang totoo kong Papa" nakangiti kong saad, hinaplos niya naman ang aking pisngi tsaka hinalikan ang aking ulo

"Medyo kamukha mo ang iyong Ina na si Beatrice" saad niya tsaka ngumiti nang malungkot

"Si Mama po nasaan?" tanong ko, nawala naman ang ngiti sa kaniyang labi tsaka napabuntong hininga

"Matagal nang wala si Beatrice" saad niya dahilan upang magulat ako at malungkot, hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha saaking mga mata

"Eh? tears? why?" tanong ko at pinunasan ang mga luha ko ngunit patuloy pa ring umaagos, inabutan naman ako ni Papa nang panyo at kinuha ko naman ito tsaka pinunasan ang aking luha at sipon

THE EMPRESS WAS REINCARNATED INTO A PRINCESSWhere stories live. Discover now